Kabanata 16: Isipiya

44.9K 2.7K 594
                                    


HINDI naman ako susugod sa gera na walang bala. Naisip ko na 'to kanina, na paano kung mahuli ako ng Reyna. Sa pagkakataon nga lang na ito ay ang Hari ang nasa harapan ko ngayon.

"Ako po ay naparito dahil sa utos ng Mahal na Reyna, kamahalan."

Nanliit ang kanya mga mata, "Ang kamahalan? Ngunit bakit ka naman niya uutusan para puntahan ang isang ispiya ng palasyo?"

"Paumanhin kamahalan pero hindi ko po alam ang dahilan," kailangan lang mauna akong makabalik kay Weiming para masabi ko ang kunwaring plano ko. "Gusto lang po niyang malaman ang lagay ng dating Heneral Chaun."

"Nakakapagtaka kung ganoon," humakbang siya palapit kay Chaun habang nakatingin sa akin. "Hindi bale, hindi mo naman siya kilala kaya mabuti pa bumalik ka na sa Mahal na Reyna. Ako na ang bahala sa traydor na ito."

May diin talaga ang pagkakasabi niyang hindi ko naman kilala si Chaun. Kilalang kilala ko siya dahil ako ang may gawa sa kanya.

Gayon pa man, mas mainam na ang hindi niya pagdidiin sa akin tungkol sa totoo kong katauhan.

Yumuko ako at agad na umalis sa silid.

Kailangan kong maka-usap agad ang Reyna dahil kung hindi ay mabubuking ako ni Scion sa pagsisinungaling ko.

Tumakbo ako na para bang may holdaper na humahabol sa akin. Kung kaya ko lang sana mag-shunyi kagaya ni Scion ay ginawa ko na kanina pa.

Kasi laki ng Mall of Asia itong palasyo. Sabagay nakasakay naman sila sa palanquin kaya buhay maharlika pa rin sila.

Bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ng silid ng Reyna ay kinukulang na ako ng hininga kaya huminto muna ako para makalanghap ng hangin.

Panigurado naman na nandoon pa sa itim na kulungan si Scion.

Agad akong pinapasok ng mga guwardiya.

Pagpasok ko ay halos lumawa ang mga mata ko.

"Na-nandito na kayo kamahal?"

Pareho silang tumingin sa akin. Nawala sa isip ko na kaya palang mag-shunyi si Scion.

Ibig sabihin ba nito ay buking na ako?

"Mabuti at nandito ka na Jia. May sinasabi sa akin ang Mahal na Hari tungkol sa iyo. Ano nga ulit 'yon, kamahalan?"

Ka-katapusan ko na ba? Kahit ba gaano ka kahanda sa isang gera, kung mas matalino ang kalaban mo ay matatalo ka pa rin?

"A-ano po iyon?"

Seryosong nakatingin sa akin si Scion ngunit si Weiming ay bahagyang nakangiti.

"Wala iyon, sa susunod ay sumunod ka sa patakaran ng palasyo kahit na ang Mahal na Reyna na pa ang may utos nito."

Naglakad siya at nilagpasan ako. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ng Reyna.

Nang tuluyan ng makalabas si Scion sa silid ay hinila ako ni Weiming palapit sa kanya. Nagsalubong ang kilay ko sa inaasal niya. Mas lumapad na ang ngiti niya at niyugyog niya ang mga kamay ko

"Jia, kung ano man ang ginawa mo, epektibo ito!"

Hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari. Hindi ba nahuli ako ni Scion na nagsisinungaling? Bakit parang tuwang tuwa pa ang Reyna? At ano ang sinabi ng Hari tungkol sa akin?

"Mukhang selos na selos ang Mahal na Hari dahil gusto kong alamin ang kalagayan ni Chaun!"

Teka... sinabi ni Scion ang totoo pero sinakyan ni Weiming 'yon?

"Pumasok siya rito at hindi maipinta ang kanyang mukha. Tinanong niya ako kung bakit daw kita inutusan na kamustahin si Chaun. Muntik ko nang sabihin na wala akong alam pero buti na lamang at naisip ko baka isa ito sa paraan mo para tulungan ako. Ngayon ko lamang siya nakita na ganoon kagalit."

Zithea (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon