09: Conscience

1.7K 54 2
                                    

Basang basa ako sa ulan habang tumatakbo papunta sa condo ni Sid. Hiniram muna kasi ni Sid ang sasakyan ko dahil nasa talyer ang sasakyan niya. May lalakarin at aasikasuhin lang daw siya.



Bitbit ko pa ang mga pagkain na inorder ko dahil sabi ni Sid na bumili nalang ako ng pagkain pero hindi ko kasi alam kung anong masarap kainin kaya naglakad lakad nalang ako para humanap ng kung ano ang masarap. Hindi ko naman inaasahang aabutan ako ng ulan. 



"Ma'am, may bagyo pa ata" sabi pa sa akin ng guard ng makapasok ako ng building



"Mukha nga po eh" sagot ko rito at umakyat na ako ng unit ni Sid at agad na naghanap ng tuwalya kasi parang kulang nalang ng shampoo at conditioner dahil sa sobrang basa ko. 



Gustuhin ko mang manghiram ng damit ni Sid pero ayaw niya talaga na pakialaman ang gamit niya.  I tried my best to dry myself at tumayo sa harap ng aircon. Hinanda ko na din ang mga pagkain at hinintay na si Sid na dumating. 



Dalawang oras pa ang dumaan bago ito makauwi. "Hi, kain ka na!" masaya kong sabi sa kanya.



He handed me my keys at kunot noo akong tinignan. "You're soaking wet!" gulat nitong sabi. Tumawa na lamang ako and shrugged my shoulders. "Umuwi ka na para makapag palit ka" dagdag pa nito. 



Nanlaki nalang ang mga mata ko sa sinabi niya. I didn't expect that. Gustuhin ko mang magreklamo at magstay pa pero tumango na lamang ako. 



"Thanks for the food!" rinig ko pang sabi niya bago ako makaalis. 



Yeah, you're welcome.



I woke up feeling under the weather. Natulog pa ulit ako ng dalawang beses bago pa ako bumangon at bumaba.



Sobrang tahimik ng buong bahay ng makababa ako. Naghanap pa ako ng pagkain sa fridge pero hindi appetizing ang mga left over food. I tried to cook eggs nalang pero nasunog ko pa iyon. Tinanggap ko ng wala talaga akong talento sa pag luluto, ganda lang talaga ang meron ako! 



"Nay, where are you? Sila tatay and kuya?" I asked nanay the moment she answered my call



"Baby, may business trip si kuya mo at tatay. Kasama ko din si tita Hannah mo ngayon, pupunta kaming Bataan. May problema ba, anak? Gusto mo ba papuntahin ko ang mga maids?" nanay answered on the other line



"Wala naman. Sige, take care." I said before ending the call.

Lust ForeverWhere stories live. Discover now