Napadilat ako nang marinig ko ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. "Come in!" sigaw ko bilang pagsagot. I was expecting for nanay or tatay to come in pero bumungad sa akin ang pinsan kong si Nardan. She is my cousin sa Baez side, our fathers are brothers.
"Ano ginagawa mo dito, dandan?" I asked her at umupo mula sa pagkakahiga at sumandal sa headboard.
She rolled her eyes at me, she hates it when we, my other cousins, call her dandan. Sinara nito ang pinto at nakapalumbabang umupo sa kama ko. She let out a sigh dahilan para tumaas ang kilay ko. For sure it's either pinagalitan na naman siya sa katigasan ng ulo niya or nag away sila ng boyfriend niyang walang kwenta.
"I'm grounded for the whole week," she answered me. Bakas pa sa boses niya ang inis.
Natawa na lamang ako. She acts like it's new! Every week naman yata siyang grounded eh. Kunot noo siyang nakatingin sa akin nang tumawa ako. "Grounded ka pero nandito ka?" natatawa ko pang tanong
"Yeah, hinatid lang ako ni daddy dito na may baon pang pangangaral," inis na inis talaga siya. I wonder what she did this time again.
"So, why are you here then?" I finally asked her as I cross my arms. Tinaasan ko pa ito ng kilay.
She looked at me at nawala na ang kunot sa noo niya, instead she gave me a paawa face. Here we go again! "I need to borrow your driver. May pupuntahan lang ako," she sheepishly smiled at me.
"What?!" I exclaimed. "No way, ako naman papagalitan ni tatay no," sagot ko sa kanya habang umiiling. Parang gusto niya pa ako idamay sa mga kalokohan niya ah!
Tinignan ko na agad ang telepono ko para icheck kung nagtext na ba sa akin ang boyfriend kong sinagot ko lang kasi mabango siya and he's a varsity player sa basketball sa school namin sa Efthymios College but he's a total trash!
Napatingin ako kay Nardan nang hawakan niya ang kamay ko at nagpaawa pa talaga ang gaga! "Please, Eumi. May kailangan lang talaga ako lakarin" she even have the audacity to pout.
I rolled my eyes and heave a sigh. "Fine, pero sasama ako. Nabobored na din ako dito."
At bigla nalang siyang napapalakpak sa saya. Hindi ko din naman talaga siya matitiis, kahit sobrang tigas ng ulo at maldita niya.
"San ba kasi tayo pupunta at two hours away pa ang nakalagay sa navigation map?" nagtatakang tanong ko na kay Nardan. Hindi naman ako na inform na roadtrip pala ito sana pala nagdala na ako ng unan
"To my cousin, mom's side," she answered me without even looking at me kasi busy siya kakatext sa cellphone niya
"What the hell? Sana doon ka nalang nagpahatid kay tito Chaos," bulyaw ko sa kanya.
Tinignan na niya ako at umiling, "no, ayaw ni dad na pumunta ako doon."
"Okay, Nardan, tell me na nga kung bakit grounded ka at ayaw ni tito na magpunta ka doon sa pinsan mo," nakataas na ang kilay ko habang nagtatanong sa kanya.
Sana pala hindi nalang ako sumama dito baka hindi lang si tatay magalit sa akin pati na rin si tito Chaos. She heaves a sigh before she answers, "birthday kasi tapos kailangan ko pumunta doon..."
YOU ARE READING
Lust Forever
Ficción General#BaezSeries6 Eunice Mikaela Baez was willing to play with Hades' flames the moment she met him. Until the flames burned her and everything that she has, leaving her with nothing. But she rose from the ashes stronger and ready to take all the things...