20: The Meeting

1.5K 46 4
                                    

"I'll just fucking go home! I just wanna go home!"




Napamasahe ako sa noo ko as I broke down. Hindi pa din ako nakakatulog simula noong mag usap kami ni kuya Aidan. Napapagod at inaantok na ako pero hindi talaga ako makatulog.




"Hey, you can do it. I'm sorry if my brother pressured you and my other stupid brother brought you in that situation. But trust me, Eumika, I know you can do it."




Napatingin ako kay Nardan sa screen ng laptop ko. She gave me her most comforting smile. Sa kanya ko lang talaga kaya magsumbong at magbreakdown dahil sa pagod at inis sa imperyo. 




"You are our future CEO, remember?" nakangiti niyang sabi sa akin to cheer me up.




Nagsituluan naman agad ang mga luha ko. Umiling ako sa kanya. "Ewan ko, ayoko na, magreresign na lang ako" pag iyak ko sa kanya. 




Napahiga ako sa kama ko at isinubsob ang sarili ko sa unan. Ang daming pressure! May meeting pa kami ni Dustin bukas, putangina naman talagang buhay 'to!




Nardan laughed. "Gaga, narinig ko na yan noong before ka prinomote ah"




Napatayo ulit ako at hinarap ang screen. I heave a tiring sigh. "This time tototohanin ko na. I don't want to play dirty. Gusto ko fair lang!" pagmamaktol ko.




"Edi fair. If he says no then you go home at mag inuman tayo" she nonchalantly said at prente pang umupo sa swivel chair niya. Nasa opisina pa kasi siya.




Sasagot na sana ako but she meaningfully smiled at me. "Pero I doubt he'll say no. Palagay ko in love pa sayo iyon," she said knowingly with a smile on her face habang nilalaro pa ang buhok niya. 



Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at pinanliitan siya ng mata. "Gaga, we're not in the movies para in love pa rin siya sa akin after eight years," inirapan ko siya.




She giggled, halatang kilig na kilig pa. "Ikaw nga wala sa movies eh pero in love ka pa rin sa kanya after eight years" kanchaw itong tumawa.




"Fuck off! I'm not," bulyaw ko sa kanya. She kept laughing. "Alam mo hindi ka talaga nakakatulong! Bye na nga!" inis ko siyang pinatayan ng tawag.




Napahiga ulit ako sa kama. I stared at the ceiling, at the intricate details na nakaukit sa ceilings.




Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Nardan. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang tama. Hindi ko na alam kung okay na ba ako or in love pa ako sa kanya? Am I already healed or just distracted?




Napabuntong hininga nalamang ako when I found myself scrolling to my phone gallery at tinitigan ang picture ng anak namin ni Dustin. It is the sonogram picture. My visions became blurry nang maluha ako.



Lust ForeverWhere stories live. Discover now