12: Breakthrough

1.7K 43 0
                                    

"Eumika, where are you? Your kuya asked me kung nandito ka daw ba. Answer my calls please."



Naiinis ko na binura ang text ni Sid at nilagay na ang telepono ko sa bag ko. I started dancing with the beat with Nardan again here in our booth. Sumabay na din sa pagsayaw si Chanty sa amin at tinataas taas pa ang kamay. 



Ramdam ko na ang tama ng alak sa akin. Kanina pa kasi kami dito at mag aalas dos na ng madaling araw. 



Buti na nga lang hindi chineck ang ID namin sa bar na ito dahil hindi makakapasok si Nardan. Pangatlong beses na din namin dito kasi ayoko doon sa Deus Sedah, ayoko siyang makita.



"Hey, lo—oops! Hi kuya Yu!" Chanty exclaimed then giggled. Nagulat na lamang din ako na biglang mag exist si kuya Adrian at kuya Eugene.



"Ano ba ininom niyo? You're all smashed as fuck!" inis na sabi ni kuya Eugene na umiiling iling pa.



"Tequila!" masayang tili ni Nardan, natawa pa kaming dalawa ni Chanty sa ginawa niya.



"And oh, some vodka and a little bit of gin with lime juice" Chanty told kuya Adrian too. She giggled again. Hawak na siya ni kuya Aidan sa bewang kasi hindi na siya makatayo ng maayos.



"Tara na, I'll take you home, Nardan, ako na bahala kay tito" kuya said to Nardan at inakay siya. 



"Ikaw na bahala diyan kay Chanty, Aid" kuya said to kuya Adrian din, tumango naman ito sa kanya.



"Ikawng bata ka, ipapahatid na kita kay kuya kiko" kuya told me, tinuro pa ako. Sumandal lang ako sa upuan at tumango sa kanya dahil umiikot na ang mundo ko. Inakay na din ako ng driver ko na si kuya kiko papunta sa sasakyan.



Hindi ko na napigilang magmura sa inis nang tumunog na naman ang telepono ko at lumabas na naman ang pangalan ni Sid. I declined it at inis na binaon iyon sa bag ko.



Huminto ang sasakyan dahil sa traffic kahit madaling araw na at sumakto pang tumigil ito sa kung saan may malaking billboard. May malaking nakasulat pa na Empire of the Year.



I stared at us. At my family. The two generations of Baez. Nakatayo pa si tatay at tito Chaos sa likod katabi ang mga asawa nila habang kami mga anak ay nasa front nila. Nakaupo pa kaming mga babae sa isang malaking white rectangular shape na upuan while the boys look so sharp and fine with their arms crossed.



Napatitig ako sa sarili ko sa billboard and realized that I do deserve the best things in the world. I don't deserve to be half-love, dapat buo, dapat totoo.



"Punyeta" I cursed under my breath nang tumunog ulit ang telepono ko. Inis ko nalamang kinuha iyon at sinagot ang tawag ni Sid.



"Ano ba! Can't you feel that I don't want to talk to you anymore?! Putangina naman Sid!" bulyaw ko agad sa kanya.



"Eumi, please, babe, just talk to me right now, magkita tayo" he said on the other line, napakalambing pa ng boses niya.



Napahinga akong malalim. I will end this today so I can fix my relationship with Dustin. Sobrang saya na namin kaya ayoko na masira iyon. 



"Fine, pick me up at Lights District" I said before ending the call. Sa Lights District ako mas pinakamalapit ngayon kaya doon na ako nagpababa kay kuya Kiko at sinabihan na lang siya na tatawag nalang ako para magpasundo sa kanya.



I went inside Lights District at umupo muna doon since Sid texted na matatagalan siya dahil traffic. Umorder na lang muna ako ng pink gin as I wait for Sid.



Lust ForeverWhere stories live. Discover now