Nagising ako na mugto ang mga mata. I cried to nanay last night dahil sa sobrang pagod ko. Kagabi lang ulit ako naiyak ng ganun. Gusto ko na talaga kasi umuwi. Gusto ko na matapos 'to.
"Thanks," I said to Linda ng abutan niya ako ng kape.
Inikot ko ang swivel chair para humarap sa glass wall at tinanaw ang ganda ng Zermatt. The pyramid-shaped Matterhorn peak is breathtaking.
Nakikita ko lang 'to noon sa logo ng Toblerone pero ngayon tanaw ko na. May melting ice pa ito sa tuktok at malapit na mag green ang kulay sa baba nito. May natatanaw pa akong maliit na falls sa likod ng mga bahay ng isang village.
"What's the agenda today?" I asked habang nakatuon pa din ang atensyon sa view. I sipped my warm coffee.
"Wala po, miss Eumika" she answered.
Napangiti ako. Ang sarap pakinggan kahit madami din naman ako gagawin ngayon. I indulged myself in the peaceful silence.
Inikot ko ang swivel chair para makaharap sa pintuan nang marinig ko na bumukas iyon. Niluwa nito si Vince, Joey, at Ezekiel.
"Good morning, ma'am," pag bati nila sa akin. Nginitian ko naman din sila pabalik.
"Uh, ma'am..." Joey said, tila nag iisip pa kung ipagpapatuloy ang sasabihin niya. I arched a brow.
"Ma'am, nakapag paalam na po kami kay sir Adrian na uuwi na po kami ni Vince sa Pilipinas, madami pa po kasi aasikasuhin. Sabi naman po ni sir Adrian, papayag siya kung papayag kayo" magalang na sabi ni Joey sa akin, natatakot pa yata sa akin.
Napahinga akong malalim at napakagat sa labi ko. Ang tagal na pala talaga namin dito. I still have a ton of work to do in the Philippines, too.
Wala na akong nagawa. They have lives, too. "Kelan alis niyo?" nakangiti kong tanong sa kanila. They looked relieved dahil sa tanong ko.
"Bukas din po sana agad, ma'am" Vince answered
Tumango ako sa kanilang dalawa at nagpasalamat para sa tulong nila. Nagpaalam agad sila na mag iimpake na. We were only three left in the room.
Binalingan ko ng tingin si Linda, "Ikaw? Gusto mo na din ba umuwi?" I asked her.
Gulat siyang napatingin sa akin dahil sa tanong ko at agad na umiling. "Hindi po ma'am, first time ko po mag ibang bansa, sawa na ako sa Pilipinas," she giggled. Napangiti din naman agad ako.
I shifted my gaze to Ezekiel na nakatuon ang atensyon sa laptop niya. "Ikaw Mr. Torres? Gusto mo na din ba umuwi?" I asked to get his attention.
Napatingin naman agad siya sa akin at ngumiti. "Sawa na din ako sa Pilipinas, ma'am. Hindi din naman ako hahanapin sa amin," natatawa niyang sagot.
"Oh, walang girlfriend na maghahanap" tumango tango ako with a smirk on my face.
He intently stared at me at makahulugan akong nginitian. "Walang wala po" nakangisi niyang sagot.
Binalingan ko ng tingin si Linda, she's way older than us ni Ezekiel, nakangisi din siya sa sagot ni Ezekiel. "What can you say miss Linda?" I asked.
YOU ARE READING
Lust Forever
General Fiction#BaezSeries6 Eunice Mikaela Baez was willing to play with Hades' flames the moment she met him. Until the flames burned her and everything that she has, leaving her with nothing. But she rose from the ashes stronger and ready to take all the things...