06: Lies after lies

2.3K 47 0
                                    

"You can't stay, Eumika. You have to go back. Busy ako, madami pa akong aasikasuhin."



Nag iwas ako ng tingin kay Sid habang sinusuot ang bra ko. I asked him if I could stay for a while kasi. I heave a sigh at tumango na lamang at umalis na ng office niya. Lumunok muna ako bago maglakad pabalik sa seat namin dito sa bar niya kasi naiiyak ako pero tanga Eumi, sanayan lang yan, sis!



"What took you so long?" kunot noong tanong ni kuya Eugene sa akin ng makabalik ako sa table namin



Everyone stared at me na tila ba hinihintay ang sagot ko. Umupo nalang ako sa tabi ni Nardan at uminom ng alak. "May kinuha lang din ako sa kotse after I went to the bathroom" pagsisinungaling ko.



Hindi naman na din sila nagtanong pa. Nag inuman ulit kami ni kuya Eugene, kuya Adrian, Chanty, and Nardan. Wala si ate Nadia na usually namin kasama kasi may medical mission, and wala din si Dustin kasi may inaasikaso sa business nila.



As usual, nagkwentuhan kami at minsan pa ay nagsasayawan sa dance floor. Napatingin ako sa dancefloor ng makuha ng atensyon ko ang babae at lalaking malanding nagsasayawan. Sobrang dikit na nila sa isa't isa, halos maghahalikan na.



Sidhartta Hades Hernandez with another woman.



Nakaramdam ako ng inis sa nakita ko. Kinuha ko ang baso ng alak at ininom iyon, nagsalin pa ulit ako habang nakatitig lang sa kanilang dalawa. Busy ba yan? Busy sa iba?



Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na. Oo, I'm fucking jealous! Nandito naman ako ah I could stay in his office pero pinabalik niya pa talaga ako.



Maglalakad na sana ako sa dancefloor ng may humawak sa braso ko.



"What—"



"Hey, baby, where are you going?" Dustin asked with a smile on his face.



Nanlaki pa ang mata ko nang makita siya pero kahit nagtataka man kung bakit siya nandito ay hinila ko na agad siya sa dancefloor. Pumwesto kami sa tabi ni Sid at sa babaeng mukhang tuhod. Nabangga ko pa si Sid dahil sa dami ng tao.



I danced with Dustin. Kumembot ako sa harap niya habang ang mga kamay ko ay nakasabit sa leeg niya. Sumayaw din naman si Dustin. I turned around and grind my ass in his crotch. Nagtinginan pa kaming dalawa ni Sid kaya nginitian ko siya while biting my lower lip habang kumekembot kembot pa.



Nawala nalang ang ngiti sa mukha ko nang hilain ng babae ang leeg ni Sid para makalapit sa kanya at sinunggaban siya ng halik.



Gusto kong sabunutan ang babae sa inis ko pero humarap ulit ako kay Dustin at sinunggaban din siya ng halik. Galit na galit ko siyang hinalikan kasabay ng tugtog.



He pulled away kay mas lalo pa akong nainis. He looked at me na may pagtataka pero hindi ko iyon pinansin at sinunggaban pa muli siya ng halik.



"Eumika, stop!" bulyaw nito sa akin pero nagmistula itong mahinang sambit dahil sa lakas ng tugtog, he looked so confused. "What are you doing?"



"Just fucking kiss me, Dust!" inis kong sagot sa kanya. Napasuklay pa ako sa buhok ko gamit ang mga kamay ko sa inis na nararamdaman ko. I took a glance at Sid pero nalulunod pa din siya sa halikan nila ng tanginang babaeng kasama niya kaya sinunggaban ko muli ng halik si Dustin but he pulled away again, naiinis na din ang mukha nito sa akin.



"Putangina naman, Dustin, eh!" bulyaw ko sa kanya at naglakad na pabalik sa table namin para kunin ang bag ko. Nagtataka nila kaming tinignan pero hindi ko na sila ininda at naglakad na papaalis ng bar.



Lust ForeverWhere stories live. Discover now