"True friends are hard to find cause the very best one is already mine."
--******Napakunot ang noo ko ng mabasa ko ang isang qoutes na nakapaskil sa labas ng isang coffee shop. Napangiti ako bigla ng may kalokohang pumasok sa isip ko.
Tss... Siguro ay masyadong nadala si author kaya nasabi niyang dabest ang barkadahan nila. But sorry, you're wrong mas dabest ata ang sa amin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad ko at pumara ng taxi papunta sa isang book store. Napapangiti ako mag-isa sa loob ng taxi habang nakatitig sa labas.
Sino ba namang hindi mapapangiti? Napakadami na naming pinagdaanan pero we still together, like string magkakadugtong hanggang dulo.
I'm sure, wala ka paring ideya sa mga pinagsasabi ko. Hayaan mo kong ikwento sayo, kung paano nabuo ang barkadahan namin. Kung paano kami naging matatag at masaya kahit di na tulad ng dati na may oras pa.
******
Si Rauselle Saavedra, isa siya sa pinakamakulit sa aming lahat. Maganda, mabait, matiyaga sa pag-aaral. May sarili silang farm sa Tarlac. Her parents was workaholic, ginugugol ng parents niya ang oras nila sa work, kaya ayan siya ang napabayaan. Hindi napalaki hahaha. Dalawa lang sila lagi sa bahay ng brother niya. Kaya mas pinili niya mag-aral sa Manila.
Si Cassandra Rices, magkababata sila ni Rauselle. Friend ang parents nila may maliit na restaurant na pinamamalakad ang parents niya. Mama and papa's girl, siya lang din ang inaasahan ng parents niya kaya tinataguyod siyang makatapos may dalawa siyang kapatid mas bata sa kanya.
Si Salora Ramos ang isa sa pinakasakit ng ulo ng barkada, palainom at mahilig mag bar but we love her. Mag-isa lang siya at ofw ang both parents niya kaya lahat ng gusto naibibigay. Spoiled kung baga.
Si Shanarie DeVera, ang pinakamatanda sa aming lahat. Siya ang tumatayo sa amin bilang nanay. Pinagagalitan niya kami pag may mali kaming ginagawa. Masipag, at matulungin din ito. Pinakaswerte sa pag-ibig. Mag-isa na lang siya sa buhay kaya siya ang nagsu-support sa pangangailangan niya.
Si Reeva Thomson, ang pinakamadaldal at makulit sa amin pero mabait. Actually, she's my cousin. Laging problematic pero strong. Ang parents niya ay nagtatrabaho sa amin. Ang nanay niya ay laging kasama ni mommy at driver ni daddy ang tatay niya. But never ko siya minaltrato noh! Huwag kayong judgemental chozz!
Andra Elizabeth Lee, that's my real name.. Sabi ng ibang tao sa aming magkakaibigan ako "daw" ang pinakamasungit, pinakamakulit in short ako daw ang blacksheep. Pero para sakin? Mabait talaga ko! Walang aangal... I have two older brother. Ang parents ko naman ay busy sa work lagi. May maliit kaming law firm kaya never din kaming nagkikita-kita sa bahay. My two brother was a lawyer, my mom and dad too, actually galing ako sa pamilya ng lawyer. Eh di sila na magaling makipagdebate hahaha...
*****
Note:
Hope magustuhan niyo, umpisa palang ito. Sana mahalin niyo rin sila, dahil sila ang kaibigan na mahirap hanapin. Lahat po sila ay magkaka-point-of-view rito.
YOU ARE READING
Amor y Amistad
RandomA six girls who loved each other and treasured as a gem. The story of their success and journey. It was a story of dreams