Chapter1

9 1 0
                                    

Friends are for.

********

Andra POV

"Ma'am, narito na po tayo," wika ng taxi driver.

"Salamat kuya, magkano po?"

"430 pesos ma'am"

Nag-abot ako ng 500 pesos, binuklat ko ang pitaka ko at pinagmasdan ang laman. Nang maiabot sa akin ang sukli ay bumaba na agad ako sa taxi. Dumiretso ako sa isang bookstore at hinanap na agad ang bibilin ko.

Napangiti ako sa sarili ng madaanan ang favorite shelves.

"Costa Leona series?" biglang may nag salita sa likod ko.

His voice, and smell kilala ko na to. Tumalikod ako dito at dumiretso na sa counter. Naramdaman ko namang nakasunod parin ito sa akin.

"Scientific Herbals?" wika ulit nito ng binaba ko ang binili ko sa counter.

Nanatili akong naglalakad at narinig ko naman itong humahabol sakin.

"Ano?!" tanong ko dito.

"Come on, Andra... Herbal books? Hindi ba dapat ay mga constitution?" natatawang wika nito.

"Who you are to ask me? Atsaka bakit ba narito ka?"

"Napadaan lang then I saw you..."

"Wala akong alam kung nasan si Rauselle, Linton. Kaya tigilan mo na kasusunod sakin."

It was Linton Perez, suitor ni Rauselle. Laging sa akin dumidikit ewan ba si Rauselle naman sana ang nililigawan, ginagawa pa yata akong tulay.

"Okay, pero bibisita ako sa inyo ah.. Kay Reeva ako magtatanong, tutal housemates kayo." Wika nito sabay kindat at talikod sakin.

Nang mawala sa paningin ko ay naiinis akong lumiko at dumiretso na sa pupuntahan.

Nang buksan ko ang pintuan ng isang coffee shop ay nakita ko sa sulok ang mga kaibigan na nagkekwentuhan. Padabog akong naupo sa harap nila.

"Huy Rauselle, sagutin mo na nga si Perez." Bungad ko dito.

Tiningnan naman ako ng kaibigan ko pabalik.

"Bakit ako? Eh ikaw kinukulit?" wika nito sabay abot sa akin ng lipstick. "Try mo yan, bagong labas yan kanina sa BLK"

"Hoy, menu ang ibigay mo jan sa babae na yan. Huwag lipstick, baka isang araw may make-up store na yan." Si Shanarie.

Napangiwi naman ako sa kaibigan. Habang naghahanap ako ng oorderin ay nakikinig lang ako sa kwentuhan ng barkada ko.

"Lilipat kang school?" Si Cassandra.

"Yup," Reeva

"Eh san ka na titira?" Salora

"Sa amin paren..." singit ko

"Di naman kaya nakakahiya?" Rauselle

"Mas nakakahiya kung may titirahan naman siya pero hindi siya samin titira."

"Need ko din to bantayan," Reeva

"Ba't ako?" tanong ko dito.

"Alam mo friend tanong din namin yan!" si Rauselle, nagtawanan naman sila.

"Che!" sagot ko mga ito at tinawag nalang ang nagseserve.

"Cassandra, nagkita na ba kayo ni Sin?" Si Rauselle

"Nope,"

"Bumalik na siya?" Salora

"Sana hindi na siya bumalik, tapos ano manggugulo siya?" nagsusungit na si Shanarie.

Amor y AmistadWhere stories live. Discover now