The one that call away
************
Andra POV
"Mamu, mamu.... Mamu!"
Napabangon ako ng may tumapik sa binti ko. Nakita ko naman si Reeva na nagaalala ang mukha.
"Are you okay, Andra?" she asked me.
Tumango naman ako bilang sagot dito. Pinagmasdan ko siyang binukas ang malaking kurtina na nasa kwarto ko.
"Umalis na ulit ang parents mo, at mga kapatid mo. May pagkain na sa baba, kumain ka na." Wika nito habang inaayos ang mga magazine na nakakalat.
"Mamaya nalang I want to sleep more.."
Nilingon naman ako nito
"Shanarie asked, kung pwede daw tayo pumunta ngayon don"
"Bakit daw?" tanong ko pabalik kay Reeva
"Ewan ko pero may sasabihin daw importante"
Bumangon agad ako sa kama ko ng sabihin ni Reeva na importante daw.
Nasa coffee shop kami kung san nagtatrabaho sina Salora at Shan. Nagkekwentuhan sila ng dumingit ako sa usapan.
"So ano na nga?" tanong ko sa kanila.
Nagsimulang magkwento si Salora about sa parents niya at sa pagiging illegal stay nito sa Singapore. Naging emosyonal din ito ng sabihin niyang patay na ang tatay niya at namatay sa Singapore.
I don't know how to react, siguro nga ay maswerte ako dahil lumaki akong sapat sa pangangailangan but I saw them as lucky dahil mahal nila ang pamilya nila.
Naging tahimik kami at walang nagsasalita. Wala akong maisip na paraan dahil una sa lahat alam kong mali.
"Kung mabuti sana eh may malalapitan tayo sa Singapore kaso dakilang hampaslupa lang tayo" wika ni Rauselle
"Walang hampas-lupang naka LV boots Rauselle, na ang suot kala mo nasa cover magazine" singit n Cassandra na pilit pinagagaan ang paligid.
"Alam mo Rauselle, may naiaambag ka rin paminsan-minsan eh!" si Reeva
Napatingin kami dito, asking kung ano ang naiambag ni Rauselle.
"Remember Sasha?" Reeva
Napapitik naman si Shanarie dahil nagets niya agad ang ibig sabihin ni Reeva. Sasha is our old friends when we was a high school but after makagraduate ng secondary lumipat ng school si Sasha.
"Let's call her" it was Cassandra
Nanatili akong tahimik at nagiisip sa gilid. Hindi na sila nagsayang ng oras at tinawagan na nila si Sasha. Pumayag si Sasha na siya ang maglabas sa mga tatay ni Salora. Nagambagan na rin kami ng kulang para mailabas na ang tatay nito.
"Paano natin iuuwi ang tatay mo?" wika nung nanay ni Salora si Tita Eugen
"Cremate nalang" suggest ko sa kanila ayaw pa sana ng magulang niya ngunit napapayag namin sa bandang huli.
"Salora, can I get your moms number?" I asked her
Nang maibigay sakin ni Salora ang number ng mama niya ay nagpaalam na muna ako dito.
Nang makarating sa bahay ay tinawagan ko agad si Luke upang humingi ng tulong.
"Luke..." bungad ko dito.
"Hi, miss me?" halatang kagigising na boses nito
"Kailangan kita"
Ipinaliwanag ko kay Luke ang lahat, at pumayag ito sa gusto kong mangyari kinontak ko narin ang mama ni Salora para magkita sila ni Luke.
YOU ARE READING
Amor y Amistad
RandomA six girls who loved each other and treasured as a gem. The story of their success and journey. It was a story of dreams