CHAPTER 13:
Nagpakawala ng sunod sunod na palaso ang Archer na pilit kong iniilagan. Ako lang ang puntirya niya dahil sa akin lang lahat nagtutungo ang mga arrow na binibitawan niya.
"Sino kaba?!" Pasigaw na tanong ko sa kanya. Hindi siya na tinag sa sigaw ko dahil mas lalong binilisan niya ang kaniyang pag bitaw sa mga palasong patungo sa aking direksyon.
"Sir Cloud, salo!" Napataingin ako sa lugar na kinatatayuan ng magkapatid at sinalo ang botelyang ibinato ni Violet Rose saakin.
Ininom ko ang Mean Grass Beer na ibinato ni Rose saakin. Naramdaman ko ang pait sa aking lalamunan kasama ang guhit ng init mula sa alak. Mabilis na naapektuhan ang aking sistema dahil sa hilo na aking naramdaman, pero damang dama ko ang ibang lakas na sumanib sa aking katawan.
"You should think before you act, Cloud!"
Hindi na nakapagtataka na kilala niya ako kahit na tinago ko ang aking pangalan sa settings ng laro. There are some skills na makapagbubunyag ng iyong identidad sa mga laro at sa tingin ko ito ang kanilang ginamit para makilala ako.
"Hindi ba, dapat ikaw ang mag ingat sa ginagawa mo? o kung sino man kayo?" Pagmamataas kong sinabi sa kanya. I know there are some features in this game that will protect me and this two player from the player like them.
Buti nalang at ako ang target ng Arcger na ito dahil kung madadamay ang magkapatid dito ay siguradong kamatayan lang ang kanilang kahahatungan dahil sa kalagayan nila ngayon. Ang magkapatid ay mayroong Hangover State dahil sa Beer na kanilang ininom at ito ang magpapahamak sa kanila kung madadamay sila dito.
"Violet and Dark, mauna na kayo. Antayin niyo nalang ako sa bukana papasok sa kalagitnaan ng kwebang ito." Bulong ko sa magkapatid na agad naman nilang sinunod.
"Tama yan Cloud, paalisin mo silang dalawa para hindi nila makita ang kaya naming gawin sa mga katulad mo at para hindi rin ma trauma ang babae pag nakuha nanamin ito." Humalakhak ang Archer dahil sa ginawa kong pag papaalis sa magkapatid kung saan kami naglalaban.
Nagpakawala ng limang palaso ang Archer na mabilis na pumunta sa aking kinatatayuan. Inilagan ko ito gamit ang aking skill na Blink. Nang makailag ako, pinaulanan ko siya ng mga normal attack kasama ang Fire ball na madali niyang nasangga gamit ang kaniyang pana ngunit nakatanggap siya ng damage na bumawas sa makapal niyang buhay.
Dahil sa distance namin sa isa't isa, ang bawat pag atake na ginagawa namin ay tila kakapiranggot lang ang ibinabawas sa aming buhay.
"Ano Cloud, ayan lang ba ang kaya mong gawin? Kung ayan lang ng kaya mo, hindi mo mapoprotektahan si Violet kaya kung ako sayo isuko mo na siya at upang hindi kana magirapan pa." Gumamit siya ng Frost Arrow na tumama sa aking katawan.
Lumapit siya sa kinatatayuan ng aking katawan na sa ngayon ay nababalot ng yelo dahil sa epekto ng skill na kanyang ginamit.
"'Wag ka ng magtangkang lumaban mula sa amin, dahil kahit makatakas man kayo ngayon ay hahabulin parin namin kayo." Hinigit niya ang string sa kanyang pana na may nakalagay na palaso sa aking harapan.
Napakaliit ng aming distansiya kaya kahit makawala man ako sa kalagayan ko ngayon ay siguradong tatamaan patin ako, at meron pang epekto kung makawala at makailag ako sa pag atake niya, may slow effect na dala ang kaniyang skill kaya siguradong walang takas ako sa kaniyang kayang gawin.
Pinakawalan niya ang kaniyang palaso na nagdahilan kaya nakawala ako sa pagiging isang taong yelo, pero napakalaking buhay ang nawala sa akin dahil sa pagkatama ng palaso sa aking hita. Mabilis naman nawala ang sakit at ang palaso na nakadiin sa aking hita dahil isa lamang itong laro.

BINABASA MO ANG
As The Strongest Player
RandomStarting again as a new player, he entered in this thing called "living game" and control his own life in order to give himself a new fate. This time around no one can control him, only himself can make his path toward to success. He was a full time...