WDFM II

46 2 0
                                    

Gian Canzares' Point of View

"Ang gwapo talaga ng pinsan mo Gi!"

"By, mas gwapo ako sakanya" nakakaloko naman 'tong girlfriend ko! Mas gwapo daw si insan sa'kin? Tss.

"Hindi Gi, mas gwapo talaga siya" sige, ipangalandakan mo pa 'yan dito sa teritoryo ko. Sige lang, masaya ka dyan eh.

"Ahh. Okay" makaramdam ka naman Abby

"Hihihi" tawa niyang kinikilig

AMP! ABIGAIL MARIE REYES NAGSESELOS AKO NAKANANG!

"Saglit lang ah" paalam ko

.

.

.

.

.

At linshak na yan! Ni hindi ata ako napansin na umalis no'n eh! Kabadbeats.

Nandito ako ngayon sa kwarto, tumutugtog. Hahayaan ko na lang muna siyang kiligin sa kapapanood kay Kuya Kean. Tss.

~He woke up from dreaming as he put on his shoes.~ Maganda din naman boses ko ah?

~As two ex don't last~ parang tanga lang Gian, pinagseselosan mo pinsan mo? Tss.

~Forgive me I'm trying to find. My calling, I'm calling at night. I don't mean to be a bother but have you seen this girl?~ Ganito talaga ako kapag badtrip, dinadaan ko na lang sa kanta't tugtog tapos kakausapin ko sarili ko. Tss. Parang timang lang, sorry na.

"She's been running through my dreams. And it's driving me crazy it seems. I'm gonna ask her to marry me" nagulat naman ako ng biglang sumabay sa'kin si By sa pagkanta. Psh. Nandito na pala siya

"Oh, nandiyaan ka pala" walang ka amor amor kong sabi

"Alam mo Gi..." sabay upo sa tabi ko, "Kahit gwapo si Kuya Kean, kahit magaling siyang kumanta, kahit artista siya, wala pa ring magbabago sa fact na mahal na mahal kita. Pwe. Walang connect pero basta mahal kita! Haha! Wag ka nang magselos, Gi, I love you po. Forever" shit kinikilig ako. Simpleng paglalambing niya pa lang sa'kin, bumibigay na ako. Ang cute niya kasi eh!

"I-I love you too" mautal utal kong sabi. Pakiramdam ko namumula ako, ano ba 'yan! Nakakahiya!

"Aww, ang cute mamula ng Gian ko! Hahaha! Pa hug nga!"

Haaay, kaya mahal na mahal kita By eh.

***

Nung mga bandang alas kwatro na, hinatid ko na sila sa bahay nila. Hiniram ko lang naman saglit 'to kina Tita. Wait, hiniram? Laruan lang? Hahaha corny mo Gian last mo na 'yan.

Pagkadating namin do'n, nagkausap kami saglit ni Tita

"Salamat po sa pagpayag na makasama ko ngayon anak niyo po ah" magalang kong pagbati

"Wala iyon. Salamat din sa pagpapasaya't pagmamahal mo sa anak ko" alam ko na kung kanino nagmana si By pagdating sa panlalambing. Hahaha.

"Ay nako Tita! Hahaha! Sige po, una na po ako. Pakialagaan niyo po si Abigail ah, magmamahalan pa po kami niyan bukas. Hahaha! Sige po, bye!"

"Ikaw na bata ka! Hahaha! O siya sige ingat ka"

"Sige po"

Abigail Marie Reyes' Point of View

Tae talaga 'tong si Gi! Kinilig ako sa mga sinabi niya kay Mommy! Hahaha!

"Gaiiil!" ay? Makasigaw wagas? Haha

"Pooo?"

"Baba ka saglit" naman, nagpapahinga na ako eh

"Pupunta na tayo sa ospital next week ha" aish, this topic again

"Opo"

"Gail, lakasan mo loob mo ah? Hindi lang sa'min kundi para na rin sakanya" nalungkot naman ako sa sinabi ni Mommy

"Yes Mommy, I will" at yinakap ko na siya. Haaay, ang mommy ko

End of Chapter Two

-LittleBlackStar011
11/22/14 7:19 AM

What Does Forever Mean?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon