Abigail Marie Reyes' Point of View
Yung feeling na, parang plinano ang lahat. Mula sa sakit mo, hanggang sa pakikipag break ng boyfriend mo. May additional pang pag amin ng boy best friend mo na gusto ka. Bongga 'diba.
My life. . . I can say that it's fun yet a little chaotic.
Fun. . . because of my family. . . chaotic, because of the thing that's been happening. Nung araw na nakipag break sa akin si Gi, I only felt the pain that day, and the rest, kulang na lang mag form na ng real sad face yung mukha ko. It's unexplainable. Three years. Three long years na nabaliwala dahil lang sa isang pangarap. Don't take me wrong. Hindi ko minamaliit ang pangarap ni Gian. It's just that. . . the reason of our break up is so shallow. Before everything of these shits happened, I already told him na I'll be always on his side when he reach his dream of becoming a singer. I even told him that I'll be his forever fan
Forever. . . are we already close of reaching it? Or are we far more than what we think we know? I suddenly realized that, kaya siguro hindi nag work out yung sa amin kasi "forever" kaagad yung target namin. 3 months pa lang naglalast relationship namin no'n pero pinangako na kaagad namin sa isa't isa na kami na forever. Imagine, a thirteen year old girl and boy promised each other that they will be forever? So immature of us, I know. And let me tell you a fact: we've broke up several times. Weird, I know, we've broke up yet nag last kami ng 3 years. Naiisip ko nga minsan na kaya lang kami nagtagal dahil sa promise namin. Pero syempre, naiisip ko lang naman yun. Iba naman yung pinapakita niya. Kada break up na magaganap, iiyak ako kinagabihan, pero magmemake naman siya ng effort the next day. And kami na ulit. The funny part is, kung shallow para sa'kin ang reason ng break up namin ngayon, MAS shallow yung mga noon. Tipong may nakita lang akong babae na kasama niya at masaya siya, tinetext ko kaagad siya ng break na tayo! Sa babae mo na lang ipangako yung pisti mong forever!
I was young back then! I was immature, padalos dalos at hindi nagseseryoso. At eto pa, Gian courted me for just 2 weeks. I only said yes because Mom said that she likes Gian for me.
Everything is shallow. Even my love for him. . . at first. . . Yes, I admit it. Nung mga panahong magiisang buwan kami, I still have this little feelings for Rovie. But nung tumagal tagal, hindi ko namamalayan na pinalitan niya na sa puso't isipan ko si Rovie.
At hanggang ngayon, siya pa din ang nilalalam ng dalawang 'to. Para siya alien na bigla biglang nang-invade. Para siyang eclipse na dumating sa buhay ko. Para siyang anime at manga. Unti unti mong napagkakaabalahan, unti unti mong nagugustuhan.
Para siyang. . . lalaking makakasama ko sa Altar. . .
Parang lang. . .
Kung tutuusin, ang bilis ng lahat. Simula sa pagkakakilala namin---hanggang sa pagkakahiwalay namin.
Naisip ko rin ipaglaban kung ano mang meron sa'min, pero syempre, lahat ng naiisip ko may counter attack. Pa'no ko siya ipapaglaban kung sa umpisa pa lang ng mismong laban, talo na ako? Mahirap ipaglaban ang taong mismong pagsuko mo ay inaantay niya.
Umpisa pa lang, nung sinabi ko na makakaya kong intindihin yung magiging sitwasyon, sumuko na kaagad siya. Sabi niya, hindi niya makakaya at isipin ko naman yung sitwasyon niya. Tingin niya ba gano'n kadali para sa'kin yun? Ganun lang basta basta?
Naisip ko nga yung magiging sitwasyon namin if ever.
Para kaming bike. Hindi ba't magka attach ang pidal at kadena? Parehas kailangan ng operator para mag work yung functions nila. Sa kaso namin, parehas namin kailangang maramdaman talaga yung "love" at "trust". Sa kaso ko, meron niyan. Meron na na meron. Sobra pa sa sobra. Sa case ni Gian? Hindi ko alam. . . minsan kasi, parang pakiramdam ko nafofall out of love siya sa'kin. Atsaka, hindi niya ako isusuko ng ganun ganun na lang. . . napakadali naman niyang sumuko, why don't he give it a try diba?
Hindi ko alam kung may punto ba itong lahat pero eto na yun eh. Eto na yung lahat ng nararamdaman ko. . .
End of Chapter Eleven
-LittleBlackStar011
12/21/14 2:04 PMP.S Oo alam ko, habang tumatagal, papangit ng papangit xD

BINABASA MO ANG
What Does Forever Mean?
Roman pour Adolescents"Nothing lasts forever, because there's no such thing as forever" Abigail Marie Reyes had dreamt of spending her forever with her boyfriend, Gian Canzares. Everything was perfectly fine with them, at first. Gian always wanted to be a great singer...