Gian Canzares' Point of View
Grabe, sobrang nakakabigla lahat ng mga pangyayari! Nung nag audtion ako, lahat nung judges nagtayuan at ang galing ko daw for a starter! Sobrang nakaka overwhelm! Ilang araw ko ng kasakasama si Kuya Kean at hanggang ngayon eh namimili pa rin kami ng Manager ko. Instant singer na daw ako kaagad sa mundo ng showbiz since kamag-anak ko naman daw si Kean Hiro Canzares. Unfair man but oh well, Canzares yan eh!
"Kuya kung si Rence Lee na lang kaya?" suggestion ko
"Nakakatakot daw na handler yan sabi ni Elle"
"Argh! Ano ba 'to! Four days na kaya tayong namimili ng handler!"
"Hala, oo nga ano? Ay teka lang, si Rika tumatawag"
"Sige"
Nakakatuwa talaga si Kuya at Ate Rika. Nung high school pa lang kasi sila, patay na patay si Kuya kay Ate. Hahaha akalain mong nag-aantay lang pala si Ate na gumawa ng move si Kuya? Kaya college up to now, sila pa din.
"Nagseselos na naman si Rika sa naka kissing scene ko sa movie! God, eh halos parehas lang kami ng field na pinasukan! Ako nga hindi ko siya mabantayan sa trabaho niya eh, malay ko ba kung minamanyak na siya do'n!"
"Chill Kuya. Trust Ate Rika"
"Eto ang ayaw ko sa trabaho ko Dave eh. Yung madadamay pati relationship namin ni Rika. Kaya kayo ni Gail, maging matatag kayo. Mahirap talaga yung ganitong situation, promise"
"That's my current problem nga Kuya. Four days na rin akong hindi nagpaparamdam kay Abby. Texts or calls niya hindi ko sinasagot. Parang sinasanay ko na siya ganun"
"Siraulo! Hindi ganyan yung tama baliw! Iexplain mo sakanya yung magiging situation niyo, hindi yung tinatakbuhan mo yung tao!"
"Hindi ko siya tinatakbuhan! It's just that..the situation is too complicated"
"Bukas, pumasok ka na ulit. Tapos kausapin mo si Abby"
"Kuya" I said in a tone of warning
"Joke lang, Gail pala. Tss. Sige ka, sa ganda ba naman ng girlfriend mo, paniguradong may umaaligid na do'n lalo na ngayong wala ka sa eksena"
"Oo na"
Narration
Bukas. Bukas na binabalak ni Gian na makipag break kay Abby. Kung sa tingin niyo na basta basta na lang itatapon ni Gian ang tatlong taong pagsasama nila, nagkakamali kayo. Sobrang mahal niya si Abby at gagawin niya 'to para hindi masaktan at mahirapan si Abby. Anong logic kung makikipag break siya eh masasaktan din si Abby? Ang gulo. Gulong gulo na ang pag-iisip ni Gian. Naglalaban ang puso't isipan niya sa tamang gagawin...
End of Chapter Seven
-LittleBlackStar011
12/07/14 3:15 PM
P.S Sobrang natawa ako sa chapter na 'to HAHAHA k yun lang.
BINABASA MO ANG
What Does Forever Mean?
Teen Fiction"Nothing lasts forever, because there's no such thing as forever" Abigail Marie Reyes had dreamt of spending her forever with her boyfriend, Gian Canzares. Everything was perfectly fine with them, at first. Gian always wanted to be a great singer...
