WDFM VI

40 2 0
                                        

Abigail Marie Reyes' Point of View

Magtatatlong araw na rin simula nung makalabas ako sa Hospital. Bilin ng Doctor, 'wag masyadong magpapagod at as much as possible light chores lang ang gagawin ko at no stress. Ika nga ni Hazel Grace Lancaster sa librong The Fault in Our Stars, 'my lungs suck at being lungs'. Haaay buhay. Hanggang ngayon nagiimbestiga pa rin kami ni Mama sa mga kamag-anak namin kung may history ba sila ng ganitong sakit o kung meron na ba kaming kamag-anak na ito ang sanhi ng pagkamatay. Sabi nga ni Mama, siya na lang daw para hindi na daw ako mastress kaiisip. Eh lecheng 'yan, hindi naman yun ang dulot ng stress ko eh! Si Gian! Si Gi! Si Canzares! Magtatatlong araw na rin siyang hindi nagpaparamdam! Sabi nung kapitbahay, last week lang daw bumisita siya sa bahay kaya nga lang nasa Hospital nga kami ni Mommy. I've texted and called him several times but I got nothing! Sabihin niyo nga, paanong hindi ako mast-stress nito? Kung yung boyfriend mo eh hindi mo alam kung buhay pa ba o kung naaalala ka pa ba? Ugh!

"Uy Gail, ba't parang badtrip ka? Tsaka, bakit dalawang linggo kang absent? Nagkasakit ka ba?" tanong nung kaklase ko na nakasalubong ko sa hallway papasok ng room. Tss, nasa school nga pala ako, I've got to keep my poise.

"None of your business"

"Ang taray talaga tss"

"Abigail" rinig kong pagtawag mula sa likod ko. Nobody calls me Abby in school. Or even 'Abigail'. Siya lang talaga, I told him stop calling me Abigail but he said that it's my name so what's the big deal. Hindi niya talaga magets yung point ko na ayaw kong magpatawag ng Abigail or Abby kahit kanino, kasi si Gian Dave Canzares lang ang pupwede.

At dahil inis na inis ako, nagkunwari na lang ako na hindi ko narinig ang pagtawag niya at dirediretsong pumasok sa room

"Abigail!" this time, mas malakas ang pagtawag niya kaya nilingon ko na with an irritated face

"What? For the nth time, don't call me Abigail! It's Gail, okay? Gail"

"And for the nth time, Abigail is your name so I don't see any problems with it. Sadyang maarte ka lang"

I gasped upon hearing those words from him. Seriously, he said that in front of my face? The nerve!

"Kung mangleleche ka lang ng araw ko, pwede ba, success na!" and I walked out

Habang naglalakad, naninikip na yung dibdib ko and I'm needing air. Shit! This can't be. Not now please. Fcking emotions!

'Abigail' is the last word I heard before passing out

***

Narration

Habang si Abby ay isinusigod sa ospital, hindi alam ni Gian na may nangyayari nang masama kay Abby dahil sa pagka busy nito. Nung isang araw, pagkatapos ng audition niya na inirekomenda ng pinsan niyang si Kean, eh naging mabenta kaagad siya sa mga manager. Marami na ang gustong kunin siya at ensayuhin upang mas lalo pang gumaling ngunit ang pinsan niyang si Kean ang handler niya muna pansamantala. Binilinan siya ni Kean na ang mundo ng showbiz ay marupok. Marapat lang siyang mag-ingat at maging wais. Lahat ng paalala ng pinsan niya eh tinandaan niya at lumipas ang mga araw at laging ang pinsan niya ang kasa-kasama niya.

Sa sobrang pagkabigla sa lahat ng nangyari; na marami kaagad ang gustong kunin siya at pasisikatin, mukhang nakalimutan niya na may kasintahan siyang pinangakuan niya ng forever.

End of Chapter Six
-LittleBlackStar011
12/06/14 11:43 PM

What Does Forever Mean?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon