WDFM III

39 2 0
                                        

Narration

"Ma, hirap na hirap na ako"

"Sa'n ba masakit anak?"

"Nahi---hira--pan po...akong...huminga"

"Ssh. Magpahinga ka na muna ha? Palakas ka, kasi bukas, may panibagong forever pa kayo ni Gian diba? Lumaban ka anak, please? Fight for him" kahit na nahihirapan siya sa sitwasyon ng kanyang anak, pinapanatili pa ring matatag ni Lucy sa harap ng anak. Alam niyang higit sa kanino man, siya ang pinanghuhugutan ng lakas ng anak.

Alam niya na ang condition ng anak niya simula First Year High School pa ito. Hindi inaasahan ngunit nung isang araw na magpacheck up sila dahil sa mga kakaibang nararamdaman nang anak eh, sinabi ng Doctor na may complication ito sa baga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung ano ang complication na ito. Maraming hinuha ang mga Doktor;maaaring Cancer sa baga o di kaya nama'y Pneumonia at iba. Hindi rin matukoy ng mga Doktor kung paano nakuha ni Gail ang ganitong sakit dahil wala namang history ang mga kamag-anak niya na sakitin o anupaman. Para bang napaka rare ng pangyayaring ito.

At minsan nung nagpa check up sila, sinabi ng Doctor kay Lucy na hindi pa rin nila matukoy kung ano ang sakit ni Gail pero may mga possibility na ito'y Cancer sa baga. Sinabi rin ng Doctor na baka hindi na gaano pa magtagal si Gail;sa madaling salita, may taning na ang buhay nito. Nung una'y hindi matanggap ni Lucy, sino ba namang hindi diba? Ngunit inaalala niya ang kasintahan ng anak. Alam niyang bukod sa kanila na pamilya ni Gail eh, isa rin ito sa mga taong lubos lubos masasaktan kapag nangyari iyon.

Ayaw niyang mawala ang anak niya ng ganun ganun lang, ngunit alam niya sa sarili niya na kapag nangyari na ang araw na iyon eh wala na siyang magagawa kun'di ang tanggapin ito. Nakakalungkot man isipin, ngunit ganyan talaga ang buhay. Minsan masaya, minsan malungkot.

Gian Canzares' Point of View

Tawag ako nang tawag sa phone ni By pero hindi niya sinasagot. Aish, ano na kayang nangyari do'n? I'm on my way to their school. I'm supposed to pick her up but damn it she's not aswering my freaking calls! I'm going hysterical here but who the hell cares? It's MY GIRLFRIEND we're talking in here!

I calmed myself first and tried to call her once again, and finally she answered!

"Hello? Where are you?! Do you know that  I have called you several times but none of them were answered! Where are you Abigail Marie Reyes?"

"Uh..uh.. Hijo, ang Tita Lucy mo ito" owww. Medyo awkward

"Uh.. Tita, kayo po pala. Pasensya na po kayo sa nangyari kanina. Nasa'n po ba si Abby?" awkward kong tanong

"Ah, yun na nga ang tinawag ko. Hijo, hindi muna kayo magkikita ni Gail ng dalawang linggo ha? Pasensya ka na talaga, may kaunting problema lang. Sige, mag iingat ka" what the?! Ni hindi man lang sinabi yung dahilan! Kaasar naman!

Eh ano pa bang magagawa ko? Eh di malamang, mag antay ng dalawang linggo na hindi siya kasama! Shet na 'yan, iniisip ko pa lang nakakasar na ng sobra!

Abigail Marie Reyes' Point of View

Naikwento sa'kin kanina ni Mommy yung scenario nila ni Gi sa phone. Nako, mukhang malilintikan ako do'n ah? Tsk. Tinawag na kasi ako sa full name ko, at kapag gano'n, he's totally pissed off.

Si Mommy na lang ang pinakausap ko kay Gi kasi bawal pa daw akong mag-phone and other gadgets sabi ng Doctor. And beside that, I'll stay here in the Hospital for the next two weeks! TWO FREAKING WEEKS! Two weeks without seeing my Gi! Ugh, just thinking of it saddens me. I miss my Gi already.

"Ma, bakit pa kasi kailangang two weeks?! 'Di ba pwedeng three days?! Ugh"

"Anak, sumunod na lang tayo sa utos ng Doctor. Mas makabubuti saiyo yon. Hala sige, magpahinga ka muna"

"Pero Ma, kagigising ko pa lang po" DUH.

"Gano'n ba? Okay"

"Ma, ano po ba talaga kasi ang sakit ko?"

"Ah...ah.. Nagugutom ka ba 'nak? Sandali, lalabas lang ako para bumili sa may 7 Eleven. Pindutin mo na lang yung buzzer para tumawag ng nurse to assist you" at dali daling lumabas ng kwarto si Mommy. Wow grabe, nasagot tanong ko. Tss. Ang weird ni Mommy!!

End of Chapter Three
-LittleBlackStar011
11/26/14 8:16 PM

What Does Forever Mean?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon