Abigail Marie Reyes' Point of View
Sobrang bilis ng mga pangyayari. Sa sobrang bilis, hindi ko alam kung totoo pa bang nangyari iyon. Naglalakad lakad lang ako sa lugar na hindi ko alam. Para akong baliw dito na naglalakad. Paki ba nila? Sila ba ang nasasaktan ngayon? Nararamdaman ba nila ang nararamdaman ko ngayon? Hindi ko na alam kung nasa'n na ako. Gusto ko ng karamay. Gusto ko ng katulong. Gusto ko... Gusto ko ng isang taong magsasabi sa'kin na joke lang yung kanina.
"Abigail" dati inis na inis ako kapag naririnig ko ang boses na 'yan na sinasambit ang pangalan ko. Ngunit ngayon hindi ko magawang mainis. Marahil ay wala ako sa tamang wisyo
"Ayos ka lang ba? Anong nangyari saiyo? Anong ginagawa mo dito?" hindi ko namalayan na nayakap ko na pala siya sa sobrang kalugmukang nararamdaman ko ngayon. Kahit ngayon lang, kahit ngayon lang na mahina ako.
"U-uy! Bakit? Baka makita tayo ni Iris!" natauhan naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala, may girlfriend siya. Kapag nakita niya kami na magkayakap ngayon, baka masaktan yun. Hindi nga lang katumbas ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Kakalas na sana ako sa yakap ng bigla niya din akong niyakap
"Ngayon ka na lang naging ganyan ulit sa'kin. Sige lang, ilabas mo lang" at tuluyan na akong napaiyak sa sinabi niya
Ang sakit sakit kasi. Parang kinuha ni Trafalgar Law yung puso ko gamit ang room tapos ipinasa kay Zoro na ginamitan naman ng Santoryu. Kung madadaan nga lang sa panonood ng One Piece ang sakit na nararamdaman ko ngayon pero hindi eh. Mas sasakit lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Cinosplay niya kasi 'yon eh.
"Hindi naman niya sinabing may expiration date pala ang forever niya. Ang sakit sakit Rovie. Bakit ginaganito niya ako? Kung sana sinabi niya na hanggang three years lang pala ang forever niya, edi sana nakapag prepare ako. Mas masakit pa do'n ay mahal niya nga ako, pero mas importante ang pangarap niya. Am I not enough Rovie? Tell me, am I not enough? Hindi ba pwedeng magiging singer siya pero girlfriend niya ako? Hindi ba pwede?!"
"Hindi ko 'to kaya. Literal na mamamatay ako. I seriously can't live without him. Can I just kill myself?"
"Lalaki lang yan Abigail" bigla naman akong nainis sa sinabi niya. Lalaki LANG yan?!
"Tama ka nga. Lalaki lang ito. Isang lalaking nagngangalang Gian Dave Canzares lang naman ito" kasabay ng huling patak ng luha ko ang pag alis ko sa harap niya.
Punyeta, 'di siya nakatulong.
Naalala ko na naman ang mga pangyayari kanina habang nandito ako sa jeep papauwi. Pinagtitinginan na nga ako. Pesteng mga luha, ayaw makicooperate!
Totoo ba talaga iyon?
***
"Gi! I missed you! Ilang araw kang hindi nagparamdam, anong nangyari saiyo?" Bati ko sakanya nung nakita ko na siya finally sa school nila."Abigail Marie, break na tayo." Woah, walang preno, walang pause, agad agad?
"Haha ang funny mo talaga! Nice joke!"
"Hindi ako nagbibiro Abigail" kita ko naman sa mga mata niya na seryoso siya at... ang sakit.
"Hindi! Forever diba? Forever diba Gian?" as of this moment, pinipigilan kong tumulo mga luha ko. Nakakahiya, ang daming estudyanteng dumadaan
"Sad to say, isa tayo sa mga taong hindi natupad ang mga forever nila. Hanggang dito na lang ang forever natin Abigail Marie Reyes. Salamat sa tatlong taon" kumawala na ang mga luha ko sa mata, ano ba 'tong mga pinagsasasabi niya? Seryosong seryoso na ba siya dyan?
"Promise? Mamatay ka man? Peksman? Walang bawian?"
"Stop acting like a child. Leave now. May aasikasuhin pa ako" hinawakan ko siya sa braso niya para mapigilan siya sa pag alis
"Wait lang" sabi ko. Tumigil naman siya, pero nakatalikod sa akin at hawak hawak ko pa rin ang braso niya
"Sure ka na ba d'yan? Wala na talagang bawian?" naiiyak kong tanong. Tumango naman siya bilang tugon.
"Pero bakit?"
"Mas importante sa'kin pangarap ko, sorry. Mahal pa rin kita but I have no other choice" Dahil lang dun kaya siya makikipag break? Pwede namang kami pa rin kasabay pangarap niya ah?
"Meron. Mas pinili mo lang na saktan ako. Pwede namang sabay Gian. Iinindihin ko naman eh. Maiintindihan ko naman. Kakayanin ko naman"
Humarap siya sa'kin na naluluha na. Nakikita kong parehas kaming nasasaktan, parehas kaming nahihirapan "Kaya mo nga, eh pa'no naman ako? Isipin mo din naman ako Abigail! Hindi ko kaya, hindi ko kaya okay?!" tumalikod na siya sa'kin at nagsimula ng maglakad papalayo. Hinabol ko ulit siya't hinawakan sa kamay. . . for the last time. . .
"Salamat sa forever mong 1095 days, 36 months, 149 weeks, 26280 hours, 1576800 minutes, at 9460800 seconds" at tuluyan ko na siyang binitawan. Binitawan by both means
Habang naglalakad siya papalayo, hindi ko maiwasang masaktan para sa amin. Parehas pa namin mahal ang isa't isa, pero parang ayaw ng kapalaran na maging masaya kami sa piling ng isa't isa.
***
"Bakit?" bigla kong nasambit sa loob ng jeep. Totoo nga.
Totoo ngang nangyari ang lahat ng iyon.
End of Chapter Eight
-LittleBlackStar011
12/10/14 4:33 PMP.S pacompute kung tama haha thanks!

BINABASA MO ANG
What Does Forever Mean?
Fiksi Remaja"Nothing lasts forever, because there's no such thing as forever" Abigail Marie Reyes had dreamt of spending her forever with her boyfriend, Gian Canzares. Everything was perfectly fine with them, at first. Gian always wanted to be a great singer...