WDFM I

53 2 0
                                    

Abigail Marie Reyes' Point of View

Five years ago...

Uwian na naming 4th year ngayon and I'm on my way to my boyfriend's University. Isa sa schools sa U-Belt siya nag-aaral, ako naman yung medyo malapit lang sa bahay. Freshmen siya, Senior ako. College siya, High School ako. Sixteen siya, Sixteen years old din ako. Epal kasi niyan, nag take ng acceleration exam, psh. Edi sana batchmates kami ngayon, pero hindi eh! Pero hayaan na, nangyari na eh. May magagawa pa ba? Wala.

Pagkadating ko sa school ni Gian, boyfriend ko, eh may nakaagaw naman ng pansin ko. May nagkukumpulan do'n sa usual na tambayan namin ni Gi. Puros babae pa. Luh, 'nong meron?

~Am I, supposed to be happy? When all I ever wanted, it comes with a price~

The voice's kinda familiar to me..hmm...

~You said, you said that you would die for me~

And dahil pamilyar, lumapit ako do'n.

~You must live for me too~

Sabi na eh, si Gian yung kumakanta! Matawag nga.

"Gi!"

"Uy By!"

"Hey Guys! I want you to meet Abigail, my girl" at matapos niya akong ipakilala eh ang dami ng bumati sa'kin.

"I introduced her to all of you for you to be aware that the girl you're looking at is the girl that I'll spent my forever with" at umingay ang lugar

"WALANG FOREVER MGA TUNGAK!" Sigaw naman ng random guy sa hindi kalayuan

"BITTER KA LANG!" Sigaw naman pabalik ni ate sa harap ko

"Hahaha! So guys, we'll go ahead, bye!"

***

"Sorry By kung hindi kita nasundo sa school niyo ah" pang-aamo niya sa'kin habang papalabas ng campus nila nang naka akbay pa sa'kin.

"He! Mukhang nag-eenjoy ka naman sa pagkukumpol ng mga girls na iyon saiyo!" kunwaring pagtatampo ko.

"Wag ka nang magtampo By. Ikaw lang ang gusto kong makasama forever. I love you forever Abigail" aww, sweet ni Gi, kaya lang hindi bagay sakanya, ang mais ng labas kapag sakanya galing eh! HAHAHA

"Eh wala nga daw forever"

"Bitter lang iyon hahaha"

"Sus!"

"Naman By wag ka nang magtampo please?"

"Hmmm, in one condition"

"Sige, para sa'yo, kahit ano" wag kang ngumiti ng ganyan Gi, lalo akong na i in love.

"Libre mo ako Cerealicious hehehe" he just smiled and ruffled my hair. Aish, my hair!

***

"Bye Gi, ingat sa daan ah"

"Yes my princess. Wake up early tomorrow okay? So that I can start again my forever with you" Giaaan! Kanina ka pa nagpapakilig! Awat na please, di ko na keri. Huhuhu.

"Ih! Bye!" sabay bagsak ko ng gate sa sobrang kilig. Huhuhu. Sorry Gi, mahal pa rin naman kita.

Haaay Gian Canzares, I can't live without you

End of Chapter One
-LittleBlackStar011
11/22/14 10:23 PM

What Does Forever Mean?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon