Dedicated to MsSisimple because she keeps on pushing me to publish this story.
CHAPTER 1
The First Encounter
"Who are you?"
"I am the reaper."
"Reaper? K-Kamatayan? As in the one who took souls?"
The man in all black clothes, black shoes and black fedora is looking straight to my eyes. He may be in his 20s? 30s? I don't know. Everyone...everything stops like someone clicked 'pause' from the remote control. I am the only one moving. I mean...we.
"Then, why are you here?" my heart is going to explode. Why is he here? Is he coming to get me?
He looked at me like I am an insane person. "Nakikita mo ako?" he asked.
Excuse me, but I'm really losing my sanity here. Why is everyone not moving? Mannequin challenge ba 'to? "Is this some kind of joke? Are you crazy?" tanong kong muli.
"I'm not," tipid niyang sagot. Tinignan niya akong muli at tumingin sa isang maliit na itim na kahon na galing sa suitcase na dala niya. May nakadikit na puting papel sa gitna nito at may nakasulat na salita gamit ang baybayin. "Anastasia Italia?" banggit niya sa pangalan ng mama ko.
My mind is really in a blank haze. Did he just say my mother's name?
"Creep. Bakit kilala mo ang mama ko? Isa ka rin ba sa inutangan ng papa ko?" tanong ko sa kanya. I don't know why I managed to say something like that to a grim reaper (if it's true) like him. Baon na kami sa utang. Lahat ng ari-arian namin, naibenta na namin ni mama dahil sa lintik na mga utang na iniwan ni papa.
Nasa hospital si mama ngayon. Sumikip na naman kasi ang dibdib n'ya. Hindi ko na alam kung saan kukuha ng pera. Buti na lang nasa public hospital lang kami kaya hindi ganoon kabigat ang gastusin para sa medical needs ni mama.
Isang taon lang ang tinagal ko sa college dahil bigla na lang nawala si papang parang bula at iniwan kami ni mama at ni Oyo (bunso kong kapatid na 7 years old) sa ere at kami ang nagdudusa sa pagbabayad sa mga utang na naiwan niya.
Mabuti na lang at mababait ang mga staff sa hospital na pinagdalhan ko kay mama. Isa na rito ang kaibigan kong sina Paul at Paula na mga nurses doon. Pumayag silang iwanan ko muna si Oyo sa hospital tuwing papasok ako sa mga trabaho ko kada araw.
Cashier sa isang coffee shop sa umaga, service crew naman sa hapon hanggang alas-otso ng gabi. Hindi ko na magawang pag-aralin si Oyo sa paaralan dahil sa pagkayod ko sa araw-araw para may maibayad kami sa mga kinsenas-katapusan na mga bayarin at kami ay may makain.
BINABASA MO ANG
The Reaper
FantasyAno ang gagawin mo kapag nakita mo si Kamatayan? A 'little bit' inspired by the story of Guardian (Goblin): The Lonely and Great God and Lucifer on Netflix. A stand alone book. Comes after the book "1889". **** Warning Text copyright © Kiths L. Napa...