Chapter 3: Terrible Things

30 6 0
                                    

CHAPTER 3

Terrible things


Way back 1889...

"Kailangan n'yo syang hanapin, mga tanga!" Hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan ang lalaking tila binabalot ng depresyon. Inutusan niya ang bawat grupo ng mga sundalo ng kaniyang ama na hanapin ang babaeng mahal na mahal niya.

Hindi niya kasi alam kung saan nagpunta ang babaeng kaniyang minamahal. Bigla na lamang itong nawala nang parang bula sa ikalawang pagkakataon.

Walang makapagsabi kung nasaan ang dalaga at ang kasintahan nito.

Oo, may kasintahan ang dalaga. Ngunit isa siyang Salazar. At ang isang Salazar ay hindi titigil hangga't hindi nakukuha ang kaniyang nais. Ang mga Salazar ay hindi naaagawan. Ang mga Salazar ay kinatatakutan kubli sa kanilang magagandang mukha na tila isang anghel kung titignan.

Isang matanda ang nagbigay sa kaniya ng ideya na ang kaniyang iniibig ay hindi taga roon kaya't kahit na anong gawin niyang paghahanap sa babaing ito ay hindi niya mapagtatagumpayan.

Ilang sundalo na rin ang napatay niya dahil sa inis. Ang una ay kaniyang binugbog ng walang tigil hanggang sa hindi nawawala ang bigat sa kaniyang dibdib na naisahan siya ni Sebastian. Nagawa nitong itakas si Lara palayo sa kaniya. Ang ikalawa at ikatlong sundalo ay kaniyang napatay sa kadahilanang nakita niya ang mga itong nagpapahinga at kumakain sa lilim ng isang puno habang nasa trabaho at dapat ay nagbabantay sila sa tarangkahan ng kanilang mansyon. Walang awa niyang pinagbabaril ang mga kawawang sundalong indio.

Ang mga katulong sa bahay ay kaniya ring minamaltrato. Ang mga ito ay kaniyang binabato ng pagkaing hindi niya nagustuhan, ang ilan ay nilalatigo. Ganoon siya kalupit sa mga indio. Habang tumatagal ay namamana niya ang kaugalian ng ama. Nagbago siya mula sa isang binatang mabait at bolero, hanggang sa maging isang binatang binalot ng kasamaan nang mawala ang babaeng nag-pa-ibig sa kaniya.

Matagal na niyang nakakaalitan si Sebastian kahit hindi pa dumarating si Lara sa buhay niya. Si Sebastian ay maraming kaibigan, ngunit siya ay wala. Si Sebastian ay mayaman sa pagmamahal, ngunit siya ay hindi. Ang tanging yaman na mayroon siya ay ang mga lupaing kanilang pag-aari at mga ginto't salapi.

Si Sebastian ay kinagigiliwan sa eskuwela, ngunit siya ay itinuturing na sutil at walang ibang ginawa kung hindi ang mambola ng mga binibini.

Nagdilim ang kaniyang paningin at pinuntahan ang matandang nagsabi sa kaniya ng mga impormasyon tungkol kay Lara. Isa kasi itong manghuhula.

Ang matandang iyon ang nagbigay sa kaniya ng isang teknolohiya na magagamit niya upang mapuntahan at hanapin ang nawawalang sinta.

Binalaan siya ng matanda na kung hindi siya maingat ay baka sa ibang panahon siya mapunta at hindi sa kung saan naroon si Lara.

Nagpunta siya sa kakahuyan malapit sa kanilang mansyon at mabilis na itinaas ang joystick ng device na hawak niya.

.

.

.

Hinihingal na nagising si Kamatayan. Alam niya ang lahat ng kaniyang mga kasalanan. Ang maalala niya habang buhay ang mga kasalanang kaniyang nagawa sa nakaraan ay ang parusang ipinataw sa kaniya ng mga Diyos at Diyosa sa kalangitan. At ang manatili sa kaniyang binatang bersyon ang isa rin sa mga parusang ipinataw sa kaniya, bilang paalala na isa siyang makasalanang tao ng nakaraan. To remind him of his heinous crimes. Hanggang sa walang hanggan.

The ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon