Chapter 4: Over My Head

23 5 0
                                    

CHAPTER 4

Over My Head


Nagbanggaan ang motor at ang sasakyan sa daan. Tumalsik ang rider at nagpagulong-gulong sa daan. Bumangga at nayupi ang harapan ng sasakyan habang kinakaladkad nito ang motor sa isang malaking puno sa gilid ng kalsada.

Unti-unting huminto ang pag-akyat ng usok mula sa makina ng sasakyan. Nagmamadali akong lumapit sa rider na wala man lamang suot na helmet at amoy na amoy ang alak sa kaniyang katawan.

Walang dugo na lumalabas mula sa kaniya.

"Kuya?" nakadukdok ang mukha ng rider sa sementadong daan.

Naramdaman ko ang presensya sa likod ko.

"Gio Madrigal." Aniya habang nakatayo sa likuran ko.

Ibiniling ko ang ulo ko sa gawi niya at umalis sa kinauupuan ko kanina. Tumayo ang rider mula sa pagkakadapa sa daan. Napakabata. Ang hula ko ay nasa 17 to 18 years old lang ito.

"A-Anong..." nakatingin ito sa katawan niyang nakahandusay sa daan.

"Paanong nandito ka?" tanong ko kay Grim Reaper na nakatingin sa lalaking nakatingin sa katawan niyang walang buhay.

"I'm doing my job here, hello?" he said in a matter-of-fact tone.

"Hindi pa patay ang isang to." Turo ko sa katawan ng rider. "Walang dugo."

"Internal bleeding. Heart attack." Matipid niyang sagot.

My lips formed an 'O' and I gasped when I feel the slight burning of my fingers. Nalimutan ko kasing may hawak akong sigarilyo and it's still burning.

"You smoke?" tanong sa akin ni Grim Reaper.

"Isn't it obvious, hello?" I said as I stepped on it to extinguish the smoke.

Tumikhim siya at inayos ang suit na suot, "Hindi kasi halata sa 'yo. Anyways, Gio Madrigal." Tumingin siyang muli sa rider at tinignan rin siya nito. "Sumunod ka lamang sa akin."

"At bakit naman ako susunod sa 'yo? Sino ka ba?" matapang na sabi nito.

Tumaas ang kilay ni Grim Reaper. Halatang naiinis siya sa ugali ng batang ito. Palasagot. "Huwag mo akong sagarin at baka hindi na kita dalhin sa tanggapan at dalhin na kita ng diretso kay Lucy sa baba?"

"Lucy?" tanong ko. Tinignan niya ako at muling nagsalita. "You have no business here, you may go."

"I'm sorry?" paglilinaw ko. Did he just... Sinusungitan na naman ako ng lokong to.

Huminga siya ng malalim at tinignan ako mula ulo hanggang paa, "I don't know who you are at bakit mo ako nakikita, but please... Just please don't meddle with my job. Get away from me."

And now, it is this Gio's turn to cover his mouth. Even the poor soul sympathized with me. Hindi pa nga kami nagkakakilala, basted agad ako? Excuse me, but hindi ko sya gustong kilalanin no!

I'm a bit hurt by his words, yes. Pero ganyan ba talaga siya magsalita? Walang preno? Given na na siya si Kamatayan, pero hindi naman siguro tamang ganon na lang sya kung magsalita.

"I don't care who the hell you are, but I'm very sure Lucy down there, would be glad to get his hands to your soul too. Ain't he?" umalis na ako at baka kung ano pa ang magawa ko kay Kamatayan at magkita pa sila ng sinasabi niyang Lucy sa baba.

Nakakainis. Maramdaman ko pa lang ang presensya nya, alam ko na. His mere presence is what angers me the most. Sya ang bigla-biglang sumusulpot, tapos sakin sya magagalit kapag nakita nya ko? I feel like I'm going to have aneurysm sooner or later na magpakita pa syang ulit sa harapan ko.

I went inside and turn the faucet on. I will wash my face and hands that smelled like smoke and cigar. "SHIT!" the water is in slow motion. I went out and yelled, "Hoy! Can you please make your business faster? The water's in slow motion!" He looked at me and flicked his fingers and soon disappeared. I dialed 911 and few minutes later, the medic arrived. I changed to my sleepwear and went straight to bed.

.

.

.

I made breakfast. Sinangag, itlog, at hotdog. Oyo's favorite.

Naghanda na ako para sa pagpasok at pumunta sa terminal ng mga tricycle papunta sa bayan kung saan ako pumapasok.

Kasalukuyang binabaybay ng tricycle ang highway. I suddenly remembered what happened last night.

Ano kayang ginagawa ng mga grim reaper na tulad nung isang masungit? Ano kayang ginagawa nila after nilang kumuha ng kaluluwa? Are they throwing souls up and down kung saan nabibilang ang mga ito? Are they all harsh just like that one grim reaper that I know?

Hindi ko napansin na unti-unting bumagal ang takbo ng tricycle ni manong. "Kuya, ano pong nangyari?"

Hay nako... Eto na naman tayo.

I felt my blood boil almost synchronized with the quickening beat of my heart. Mr. Obnoxious is at it again.

And with a flash, he's in front of the vehicle. White smoke crawling on his feet.

"O ano? Sino sa aming dalawa ang kukunin mo?" I said pertaining to the tricycle driver and me.

"Excuse me? You summoned me." Iritado niyang sabi. I always like hearing him talk in English. It's like someone from UK was talking to me in that English accent, "I'm in the middle of something. What do you want?"

"Ako?" hindi ako makapaniwala sa taong to. "Ikaw ang nagpakita, ako na naman sang sisisihin mo? You're magic is failing you."

"This... Ang lahat ng ito ay bago. How do you summon me? Are you a deity? A demigod, maybe?" he said bending and getting closer to me.

"You're crazy." I said and pushed his face away from me. His face. There's something about his cold and warm face. Hindi ko mahinuha kung ano ang pakiramdam nito sa palad ko. Mainit ba? O malamig?

Lumabas ako ng tricycle. Standing a bit close to him.

This is all new to me. It was like may sariling isip ang mga kamay kong humawak sa pisngi niya. His face softened letting me hold him, getting comfortable with my touch.

He closed his eyes as I cupped his face. He has a pointy nose and red lips. He has a chiseled jaw. His face is poreless.

My thumb grazed his lips. Soft. So soft.

He opened his eyes and looked straight to mine.

He then slowly closed the distanced between us by touching my lips with his.


The ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon