Chapter 2: Who Are You?

36 8 0
                                    


CHAPTER 2

WHO ARE YOU

Nanlulumo akong napaupo sa dulo ng higaan ni mama. "Ate, okay ka lang?" tanong ni Oyo sa akin. Nakakapangilabot.

Magdamag akong hindi makatulog pagkatapos noon. Kaya't pumasok ako sa trabaho ng mukhang bangag at mukhang zombie noong araw na iyon.

I really don't understand what just happened that night. It was like the big guy up there wants me to suffer so much here on Earth than I suffer there in hell. Lord ha, just make sure to have buffet of yummy foods when I die and meet you up there. Joke.

I'm confused. Maybe I'm going to be insane any moment now. Sino ba naman ang hindi mababaliw kung siya ang nasa kalagayan ko 'di ba? Who would wish to see souls? Who would wish to see grim reapers? No one.

"Good morning!" bati ko sa kaisa-isang customer na pumasok sa coffee shop. Ang aga ha, 6 in the morning.

I froze as I looked over the counter. It was him. The grim reaper.

"Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari. Bakit ba lagi tayong nagkikita?" tanong niya sa akin.

"Ikaw yata dapat ang tanungin ko kung bakit, hindi ba? Ikaw itong laging lumalapit sa akin. Bakit ako ang tinatanong mo? Who are you, really?"

Hindi siya nakasuot ng suit ngayon. Black sweater at black trousers ang suot niya pero hindi ko makita kung anong kulay ng sapatos na suot niya dahil sa counter na nakaharang sa aming gitna. Itim rin kaya ang sapatos niya? Ganito ba talaga ang fashion statement ng grim reaper? All black?

Tumunog ang chime ng pinto, meaning may isa pang customer. May isang lalaking pumasok sa shop at naglakad papalapit sa counter. Nakatayo siya sa likod ng grim reaper habang nakatingin sa cellphone niya. "Good morning! What's your order, Sir?" bati ko sa lalaking bagong dating.

He looked at me, then he looked at the grim reaper casually standing in front of the counter. "Aren't you going to take his order first?" he points at the grim reaper who's looking at the menu. His hands in his pockets.

"One café latte, please." Sabi nitong si Kamahalan-este Kamatayan.

"C-Comin' up." sabi ko saka nagmadaling ihanda ang inorder niya.

Bakit nakikita rin siya ng lalaki? Posible kayang...mamamatay din yung lalaki? Oras na ba niya? O oras ko na? Makukuryente ba ako dito sa machine habang nagbu-brew ng kape o madudulas sa kitchen mamaya sa pag-abot ko ng latte ni Reaper?

I am literally shaking as of the moment. I grabbed the coffee and handed it with shaking hands to the grim reaper.

He chuckled. The grim freaking reaper freaking chuckled. And damn, he's so handsome.

I felt my cheeks turned pink when his cold hands brushed against mine when I handed him his coffee.

"Okay lovebirds, now it's my turn now." Epal nung lalaki sa likod ni Kamatayan.

"Hindi po kami magkakilala niyan." Sabi ko saka prinepare ang kapeng inorder niya.

Natapos ang shift ko sa coffee shop nang walang grim reaper na nangaabala. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kamakailan lang eh hindi siya nakikita ng ibang tao, tapos kanina lang eh kung sinu-sino na ang nakakakita sa kanya.

Maaga akong pinauwi ng boss namin sa shop kaya nakadaan pa ako sa bahay na inuupahan namin nila mama. Maliit na apartment lang ito at kasya lang sa aming mag-iina.

Isa ang bedroom sa taas, isang maliit na sala na kadugtong ng kitchen at dining area na rin. Isang maliit na coffee table ang nasa gitna ng second hand sofa at isang mahabang upuan na gawa sa kahoy ang katapat nito. Sa coffee table na ito na rin kami kumakain nila mama at Oyo. Oo, nakasalampak lang kami sa sahig dahil hindi na namin kaya pang mamili ng iba pang mga kagamitan sa bahay dahil inuuna naming bayaran ang mga utang.

Papasok pa lamang ako sa gate ng apartment ay tinatawag na ako ni Ate Myrna sa katapat na tindahan. "Hoy yung utang n'yong mag-iina! Nung isang buwan pa 'yun ah? Kelan nyo balak magbayad ha? Iyun na nga lang ang tinutubo ko sa tindahan na 'to, uutangin n'yo pa! Hindi lang kayo ang anak ng Diyos, oy!"

"Pasensya na po te, pangako ko pong mabayaran kayo sa susunod na linggo."

"Ayan! Puro ka pangako, palagi namang napapako. Siguraduhin mo lang na makakabayad na kayo sa isang linggo, kung hindi ay babatakan ko na kayo ng gamit sa bahay nyo!"

Yumuko na lamang ako at pumasok sa loob para magpalit ng damit. Kapag nagsalita pa kasi ako ay lalo lang iinit ang ulo ni Ate Myrna. Nakakahiya sa mga tao.

Kumuha lamang ako ng ilang gamit ni mama at ni Oyo saka bumalik na muli sa ospital. Tyempo namang walang tao sa harap ng tindahan ni Ate Myrna kaya't nagmadali akong maglakad papunta sa sakayan ng tricycle sa kanto.

Pagdating ko sa ospital ay kinakausap ng doktor si mama. Nakatayo sa likod niya si Paul at isa pang nurse na hindi ko kilala. Ngumiti ako sa kanila at isinara ang pinto kung saan ako pumasok.

Inikot ikot ni Paul ang ballpen na hawak niya sa ere saka itinuro ang doktor. Ang ibig niyang sabihin ay nagra-rounds na ang doktor para sa araw na ito.

Tumango na lamang ako at nakinig sa sinasabi ng doktor.

"Okay, so bukas po ay pwede na po kayong umuwi," ngumiti ang doktor kay mama at hinawakan sa ulo si Oyo. "Makakauwi ka na little boy. Aalagaan mo si mama ha?" sabi muli ng doktor at ginulo-gulo ang buhok ni Oyo. Kinuha nito ang board sa isang nurse at nagsulat rito.

"Aalis na po kami."

"Maraming salamat po, Doc." sabi ni mama ng nakangiti.

"Thank you po." sabi ko saka lumapit kay mama at kay Oyo.

""Walang anuman po iyon." saad ng doktor saka lumabas na kasama si Paul at ang nurse.

Ang buhay nga naman ng tao, minsan malungkot, minsan masaya. Minsan akala mo pasan mo na ang daigdig pero hindi pala. May mga tao pang mas malala ang problemang pinagdaraanan sayo. Minsan naman akala mo eh katapusan mo na, pero nag-overreact ka lang pala.

Puro tayo akala eh. Hindi natin alam na dahil sa mga akala na iyan kaya tayo napapahamak, kaya tayo minamalas.

Dapat lagi tayong positibo sa buhay. Madapa ka man, subukan mong muling bumangon. Ang buhay nga raw ng tao sabi ng matatanda ay parang gulong, minsan kang nasa taas, minsan nasa baba. Paulit-ulit lang. Maging matatag at tignan lamang ang magagandang nangyayari sa ating buhay.

Parang libro lang yan, everyday's a new chapter of your life. I-enjoy mo lang ang bawat pahina ng iyong buhay.

The ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon