Chapter ONE
“Crystal Coleen! Gumising ka ngang babae ka! Ngayon lang kitang nakitang natutulog sa klase ah! Anong bang nangyari sayo ha? Hindi ka ba nakatulog kagabi?”
“Lana naman e. Ang ingay mo.”
“Sagutin mo naman kasi ako.”
“Medyo hindi nga ako nakatulog ng maayos e.”
“Bakit naman? Dahil ba inlove ka na iniisip mo siya gabi gabi kaya hindi ka makatulog? Tapatin mo nga ako?”
“Hindi ah! Ano ka ba!? Kasi.. napanaginipan ko naman ulit yung lalaki sa panaginip ko. Matagal ko na siyang hindi napanaginipan ngayon lang ulit e.”
“Ahh, siya na naman ba? Hm, Crys, sa tingin ko.. sa tingin ko siya ang worse nightmare mo! Tama! Yun yun e!”
Hindi na ako napagsalita sa sinabi ni Lana. Natahimik na lang ako. Lalaki sa panaginip ko worst nightmare ko daw? Pwede kaya yun? Nagkakatotoo ba ang mga panaginip? Sus, hindi naman di ba? Pero nababagabag talaga ako sa sinabi ni Lana. Matagal ko na kasing kiniwento kay Lana yung mystery man na yun dahil nga sa lagi ko lang siya napapanaginipan. Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mukha niya. Sa lagi ko ba namang napapanaginipan halos matandaan ko na yung mukha niya. Pero tunay ba talaga siya? Hindi ko alam. Hindi naman siguro. Worst nightmare ko daw e so dapat hindi ko na siya iniintindi.
Tss, wag ko na nga munang isipin yun. Buti na lang katatapos lang ng klase naming at pwede na akong umuwi. Niligpit ko na ang mga gamit ko kasabay ko lagi pauwi si Lana pero ngayon may gagawin daw siya so wala akong kasama ngayon. Ayos na din to para makapagisip isip ako. Kung kasama ko si Lana tiyak na hindi yun titigil sa kakasalita at magchichismisan lang kami nun.
“Are you ready to taste hell first?”
“It’s you who’s going to hell first” *blag*
Ano ba yung ingay na yun? Bakit parang may taong nagsusuntukan? Teka, saan ba ako dinala ng paa ko? Pagtingin ko sa paligid ko nasa may warehouse na pala ako ng school namin! Sa dami-dami kong iniisip napadpad na ako dito. Pero wait, first time ko dito ah.
“Oh c’mon, Simon. That’s all you’ve got?”
“I have no time for these stupid things”
Ano daw? Nakita ko na lumabas yung sinasabi nung lalaki na Simon at napaharap siya sa akin.
O.O NO FREAKING WAY!
Siya yung lalaki sa panaginip ko! Siya nga! Ang worst nightmare ko!
Pagtingin ko sa mukha niya na nagulat din siya pero madali lang at bumalik na sa pagkaseryoso ang itsura niya. Nilampasan niya ako at lumakad na palabas ng school. Kilala niya ba ako?
Hindi talaga ako makapaniwala na.. na totoo nga talaga siya! Ano to? Sino ba talaga siya sa buhay ko at bakit lagi siyang nasa panaginip ko?
Mr. Simon, who exactly are you? AND WHO THE HELL IS GAB? Iisa lang sila, right??
“Crys, ayos ka lang ba?”
“Ayos lang ako, Darren. Wag mo akong pansinin”
“Nako, Darren. Pagsabihan mo nga yang pinsan mo dahil gabi gabi na yang hindi natutulog ng maaga”
“Lana naman e. hindi mo kasi naiintindihan”
“I understand you, Crys but kailangan mo ng alisin yun sa isip mo”
Hindi ko pa nakwekwento kay Lana na nakita ko na yung mystery man na yun. Wala ako sa mood sabihin sa kaniya e. Parang nafefeel ko na ako na mismo dapat ang gumawa ng paraan para malaman kung sino ba talaga yung lalaking yun sa buhay ko? Anong parte niya sa buhay ko?
Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain ng lunch. Kasama naming lagi ang pinsan kong si Darren sa pagkain. Halos buong school alam na magpinsan kami. Sikat si Darren dito sa school naming, alam ng lahat na gwapo siya matalino at mabait. Ano pa bang hahanapin mo sa isang lalaki lahat na nasa kaniya na e. kahit nga si Lana may gusto sa kaniya e at alam yun ni Darren.
Iniwan ko na muna silang dalawa dahil gusto kong hanapin yung Simon na yun. Kahit sabi ni Lana na worst nightmare ko siya, I don’t care. Ang alam ko, I need to talk to him. Alam kong dito siya nagaaral dahil nakapanguniform naming siya. So saan ko naman siya hahanapin? Madami akong gustong malaman at hindi ko yun palalampasin na itanong sa kaniya. Pero paano kung wala lang lahat ito. Wala lang na napapanaginipan ko siya. Hindi ko alam. Hindi ko alam naguguluhan na ako.
“Aaaarrgggghhh!”
Sumakit bigla ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Nandidilim na ang paningin ko, napakapit ako sa pader nung naaninag ko na may parating na lalaki. Sino siya? Tamang tama, walang iba kundi yung Simon na yun. Tunay ba to o isang panaginip na naman ba?
“Aaaaaaahhhhh!”
Lalong sumasakit ang ulo ko. Ngayon lang ulit sumakit ng ganito ang ulo ko.
“Coleen..” narinig ko pa siyang tinawag ako. Coleen? Why? How?
But the next thing I know, I was covered by darkness.

BINABASA MO ANG
Forbidden is Destiny
Genç KurguForbidden is Destiny.. Naranasan mo na ba umibig ng hindi dapat?? o umibig kahit alaman mo nung una pa lang ndi sya mapapa sayo.. Saklt db?? PERO.. panu kung isang araw, malaman mo na malaya mo na pla syang iibigan dhil alam mong wala ng khit anu...