Chapter Five

7 2 0
                                    

Only ten rooms were occupied. If this was the first exam siguro whole building talaga. Mabuti nalang nasa second floor kami at nagamit ang room namin.

Nasa first floor siya sa ikatlong room kumuha ng test. Hindi ko nga alam at bakit ang building namin talaga ang kinuha para sa exam at hindi ang college pero may nakita ako kaninang mga taong pumapasok doon at hindi naman sila mukhang kukuha ng exam.

Hindi kita kung ano ang reaksyon niya kaya pinanood ko lang mga galaw niya. He seemed calm naman kaya siguro he got this already.

"Hey! Who are you waiting?" May umakbay sa akin na ikinagulat ko. I was too occupied kakatingin sa loob na hindi ko man lang napansin na may lumapit.

It was Harold he was smiling at me nang makaharap ko siya. Reacting was the first way that came into my mind kaya ngumiti ako sakanya. I tried to fix my glasses again pero wala na pala ito.

Napasimangot ako sa loob ng isip ko. Kukuha ako ng bagong eyeglasses mamaya.

He peeked too through the window. Nakatayo kasi ako dito sa bintana. Nahihiya naman ako kapag nasa pintuan talaga ako titingin. Atsaka pasimple lang naman ang pagtingin ko para hindi ako paalisin dito ng examiner.

"May hinihintay lang," Sabi ko sakanya at tumingin ulit kay Doro. Sobrang tahimik nila sa loob kaya mahina lang ang pag-uusap namin.

"Sino?"

"Kaibigan ko,"

"Saan siya banda?" Itinuro ko ang upuan ni Doro at napatingin rin siya rito. Kita ko ang pagngiwi niya nang makita kung sino ang tinutukoy ko na kaibigan.

"You're friends with that weirdo?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Medyo napalakas pa kaya naptingin sa amin ang mga nasa loob. Kahit ang examiner ay napatingin sa akin. Lagot.

"Alis na tayo," Sabi ko kay Harold at sinubukan siyang hilahin but he was just calm and doesn't seem to care kahit tumayo na ang examiner at lumapit sa amin. Nakita ko rin ang pagtingin ni Doro sa direksyion namin.

Awkward akong napangiti sakanya at kumaway.

"Mr. Escan and Miss?"

"Misu," Pagdudugtong ko.

"Bakit kayo nandito?" Tanong nito sa amin.

Wala namang masamang pumunta kami dito pero dahil baka maingay lang talaga kami kanina.

"She wants to check her kuya here and I went with her," Sabat ni Harold sa examiner. Kilala niya siguro rin ito kaya parang wala lang naman sakanya.

"Is that so? Wala ba kayong class?"

"Occupied po yung room namin," Sabat ko.

"Vacant," Harold.

Nasa third floor kina Harold at hindi naman ito ginamit. Baka nag-examiner ang teacher nila ngayon kaya silang class.

"Umalis muna kayo rito. Naiistorbo ang kumukuha ng exam. Balik nalang kayo kapag natapos na," He told us. Wala naman kaming nagawa kundi pumayag. Harold's arm was still on my shoulder at ni hindi ko man lang siya nasita. He pulled me closer to him and drag me out.

Naalala ko kaninag tinawag ng examiner si Harold na Mr. Fornier. Harold naman ang first name niya.

"Ano mo yung Escan?"

"Surname." Tipid niyang sagot. Parang once ko ring narinig ang Fornier sa pinag-uusapan ng tiyuhin ko. 

"Where do you want to go?" He asked me. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Huh? Dito lang ako. Hihintayin ko pa si—

"Sheesh. Mas importante ba siya kesa sa akin?" He asked and pouted. Gusto ko sanang sabihin sakanya na oo pero ibinaba niya ang kanyang hawak mula sa balikat papunta sa kamay ko.

Bitterly Sweet (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon