"LEO!" Kanina pa hindi mapakali si Jada sa kahahanap ng kanyang alagang Persian cat na si Leo. Nakalabas ito ng bahay niya habang nagsusulat siya ng nobela at hindi niya agad na napansin. Saka lang niya napansin na nawala ang alaga noong tawagin niya ito para pakainin.
"Leo, saan ka na ba?" napatingin siya sa suot na wristwatch, pasado alas otso na ng gabi. Ito ang unang beses na nawala sa kanyang bahay ang alaga kaya hindi niya alam kung ano ang gagawin.
"Lacey!" hindi niya pinansin ang tumatawag sa kanyang penname. What she hates the most is to be called like that in public to think they already knew her real name. "Jada!" doon lang siya tumigil sa paglalakad at lumingon. Natagpuan niya ang isang grupo ng mga kapitbahay na naglalaro sa labas ng court. Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya doon. At ang tumatawag sa kanya ay ang walang iba kundi si Hanz. Ito ang kanyang ultimate bully simula noong mapunta siya dito.
"Nawawala ka ba?" tumawa ito ng malakas.
"Naku Hanz, huwag mo ngang biruin si La--." She glared at Genesis when he is about to say her penname again. "Jada." natatarantang sabi nito. "Mukhang may hinahanap ka."
"Leo." Maiksing sagot niya.
"Iyong alaga mong mangkukulam na pusa?"
Tinaasan niya ng kilay si Hanz kahit na hindi naman nito nakikita iyon. Her cat doesn't like the man and she just can't blame the poor cat. Kahit siya ay malaki ang disgusto sa lalaki at sa mga kaibigan nito. Na-brainwashed na kasi ng lalaki ang mga ito na kapag nakikita siya ay inaasar na rin siya.
"Baka ginawa ng siopao." Ngumisi ng malaki si Hanz habang siya ay nag-isang linya ang kanyang mga labi. Nagtitimpi siya ng emosyon, she doesn't want to break in front of these people kaya sa halip na patulan niya ang pang-iinis ng mga ito ay nagpasya nalang siyang umalis at hindi pansin ang mga lalaki.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ni Hanz.
Deretso lang ang naging lakad niya at hindi na pinansin ang lalaki. Mabilis naman siyang nakaalis at patuloy na hinanap si Leo. Natatakot pa rin siya sa pwedeng mangyari sa kanyang alaga dahil hindi ito pusang gala. Mas sanay ito sa bahay at hindi ito marunong makihalubilo sa mga tao, well.
"Leo, nasaan ka na ba?" nanlulumong tanong niya sa kanyang sarili. Nang mapagod ay nagpasya siyang umuwi dahil baka nandoon na ang alaga pero sa kasamaang palad ay wala pa rin ito doon. Nasapo niya ang kanyang magkabilang pisngi at itinali ang mahabang buhok upang hindi sumagabal sa kanyang paningin. Hinanap din niya ang kanyang prescription glasses dahil sumasakit na ang kanyang mga mata.
"Kapag nakita talaga kitang pusa ka hindi kita patutulugin ng isang araw... ay pusa!" nagulat siya dahil biglang nagvibrate ang kanyang cellphone. Mabilis niyang kinuha iyon at nang mabasa na si Hanz ang tumatawag ay agad niyang ikinancel ang tawag. Pero tumawag uli ito and then she cancelled it again and he called again but this time sinagot na niya. Kapag ganoon ang lalaki alam niyang hindi ito titigil.
YOU ARE READING
Black Magic: Write (COMPLETED)
Short StoryJada only wants peace of mind but her overly friendly and hunky neighbor won't give it to her.