SA totoo lang ay hindi pa siya nakakasulat ng nobela kung saan ang isang lalaki ay sobrang weird. Well, nasa totoong buhay pala nga pala siya at sa totoong buhay may ganoong lalaki nga sa katauhan ni Hanz. Kung kanina ay kasing dilim ng langit ang mukha nito at ayaw siya nitong pansinin bigla ay bigla itong bumait sa kanya at kung kulitin siya ay wagas.
"What?" inis na pakli niya dahil hindi niya matuloy-tuloy ang kanyang pagsusulat. Nakalipat na ito ng upuan, nasa harapan na ito ng counter at kanina pa nakapangalumbaba habang nakatingin sa kanya. May ilang pagkakataon pa nga na bigla-bigla nalang siya nitong kukurutin sa mukha. "I can't concentrate."
"That's normal, nakaka-distract naman talaga ang kagwapuhan ko. Pwede mo namang ituloy mamaya iyang sinusulat mo at pansinin mo ako." He is obviously flirting with her. Hindi siya tanga at hindi siya boba para hindi mapansin iyon. Ayaw niyang mag-assume pero parang ganoon na nga.
"Quit it will you?" utos niya dito.
May inabot na naman ito sa may mukha niya and this time kahit na samaan niya ito ng tingin ay parang baliwala lang dito iyon. He can be frustrating sometimes.
"You are very pretty but I still prefer your normal looking self." Tinaasan niya ito ng kilay. "You are still pretty with your normal looking self it just that with you like this, you look more dangerous." Natameme siya sa sinabi nito. She collected herself. She refused to be swayed by his sweet words.
"What do you want Hanz?" Nagdududang tanong niya. Hindi na normal ang pinagsasabi nito sa kanya. Ang mga warning bells sa kanyang utak ay tumutunog na at nagpapahiwatig ng paparating na hindi magandang balita.
"You." direktang sabi nito. Pakiramdam niya ay huminto ang pagtibok ng puso niya sa sinabi nito, parang bombing sasabog nalang kahit anong oras. "I want your attention. Come on Jada. Tayong dalawa lang dito sa bakeshop alam mo namang nababaliw ako kapag wala akong kausap." May dapat ba siyang asahan? Si Hanz ang tipong hihilahin ka paitaas at hihilahin ka rin pababa. Dahil dito nagkakaroon siya ng mga weird emotions at hindi na talaga niya nagugustuhan ang mga iyon. She vowed to have a peaceful life until the day she died but he is messing with it.
"Can you give me a peace of mind, Hanz? May tinatapos ako dahil hindi ko alam kung anong oras akong makakauwi ngayong gabi." Seryosong ani niya dito.
"Huwag ka nalang umalis ngayong gabi, pwede ka namang mag-dinner sa bahay mo hindi ba? How about I treat you dinner instead?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "I'm fine, gabi-gabi kang may ka-date baka dumating ang point na mamumulubi ka na sa kaka-treat ng dinner sa mga female friends mo. Save it."
"Kapag pumayag kang magdinner tonight hindi na ako makikipag-dinner sa ibang female friends ko." And he even raised his right hands as if he is making a promise to her.
YOU ARE READING
Black Magic: Write (COMPLETED)
Short StoryJada only wants peace of mind but her overly friendly and hunky neighbor won't give it to her.