An author's happy ending
SHE heard Hanz sigh for the nth time kaya siniko na niya ito. "Itigil mo nga iyan." Sita pa niya.
"It's unfair." At makailang beses na rin niyang narinig ang unfair na word sa bibig nito. "Madaya si Genesis." Reklamo pa nito. Nasa chapel sila at hinihintay ang pagdating ng bride, hindi natupad ang wish nitong ito ang unang ikasal sa chapel dahil si Genesis ang nanalo sa bidding.
"Ganyan talaga ang life, Hanz. Matuto kang tumanggap ng pagkatalo." Muli itong napasimangot. Dapat ay katabi nito si Genesis sa altar pero dikit ito ng dikit sa kanya.
"Okay lang sana kung sinagot mo na ako." Mahina lang iyon pero batid niyang talagang naghintay ito sa kanya. Mas nauna pang sagutin ni Margareth si Genesis, mas nauna din itong magpakasal kaysa pagsagot niya sa katabi. Mali man o kaya naman ay masyadong tradisyonal sa part niya pero pinaghihintay talaga niya ang lalaki.
Hindi sa natatakot siya, matagal na niyang planong sagutin si Hanz pero hindi siya makahanap-hanap ni tyempo. Lalo na at naging sobrang busy na niya sa work, hindi rin niya kayang igive up ang pagsusulat kaya ipinaliwanag niya sa kanyang mga readers na hindi na siya gaanong makaka-release ng mga nobela tulad ng dati. Nag-eenjoy din kasi siya sa Amore Gazette.
"Kung pagod ka ng maghintay-."
"Hindi ah." Agad putol nito sa kanya, she rolled her eyes again. Ito ang pinakaiinisan niya minsan kay Hanz, kapag may sasabihin siya ay agad nitong pinuputol kaya nawawala tuloy ang momentum niya. Kapag nagtanong pa ito ng seryoso sa kanya ay ibibigay na niya ang 'OO' na matagal na nitong hinahangad. "Kaya ko pa dahil kung hindi ay luluhod na ako sa mga magulang mo para deritsong kasal na agad. Tulad ng ginawa ni Genesis." Naalala niya kung gaano kagulo ang paghingi ni Genesis sa kamay ni Margareth. Pinuntahan nito ang mga magulang ng kapitbahay sa ibang bansa at nakiusap na hingin ang kamay ni Ga. Napilitang umuwi ng bansa ang Mama at Papa ni Margareth. Matagal ng kilala ng buong angkan ng kaibigan si Genesis dahil magkababata ang dalawa kaya walang tutol ni isa sa kagustuhan nitong pakasalan ang babaeng kapitbahay.
Wala ring nagawa si Margareth kundi ang tanggapin si Genesis, natakot lang itong masira ang pagkakaibigan nila at masayang ang lahat-lahat kapag nagrisk silang magmahal. Hayon, solved na ang lahat, walang ligaw-ligaw, diretsong kasal na. Kung sabagay, para nga namang magkasintahan na ang dalawa iyon nga lang bestfriend ang label nila dati. Masaya siya para kay Margareth at kay Genesis. Itong katabi lang niya ang inggit na inggit.
"Nandito na ang bride." Another sigh escaped from Hanz lips before turning his gaze to his bestfriend.
"Please Lord, make me one of the happiest man today." Natawa siya sa ipinagdasal nito. "As much as I want to stay by your side, kailangan kong maging mabuting lalaki para kay Genesis. Maiwan na kita magandang binibini at sana nawa ay dinggin na ng Diyos ang aking panalangin."
YOU ARE READING
Black Magic: Write (COMPLETED)
Short StoryJada only wants peace of mind but her overly friendly and hunky neighbor won't give it to her.