"OH, wow." Alam niya kung bakit parang tanga at nakatulala sa kanya si Dorothy. "Anong meron at ang ganda-ganda mo ngayon?" napasulyap siya sa salamin at pilit na sinasabi sa sarili na presentable na siyang tingnan. Pero pakiramdam niya ay hindi pa rin ganoon ka-komportable sa kanyang suot. "Bagay sa iyo ang ganyang ayos. It's so refreshing."
"Do I look okay?" She is wearing a flowy floral dress that emphasizes her curves. Inayos niya ang pagkakasuklay ng buhok niya kanina upang hindi masyadong buhaghag. "Hindi ba pangit?"
Dorothy, her bestfriend rolled her eyes at her. "Kahit kailan hindi ka pumangit. You are very pretty pero hindi mo iyon matanggap sa sarili mo." Tipid na ngumiti lang siya sa kaibigan niya. Of course sasabihin nito na maganda siya dahil kaibigan siya nito but she doubted if it was true. Dorothy always makes her feel good kahit na dati pa. "Saan ka ba pupunta?"
"May family lunch kami today. Kahit ayokong pumunta ay sigurado akong tatawagan at bubulabugin ako ni mama." Na-mi-miss na rin niya ang kanyang Mama. It has been months since she last saw her family.
"Kaya ka pala nagpapaganda." Kinarga nito si Leo.
"Kapag nakita ni Mama na para akong taong grasa siguradong papauwiin niya ako sa bahay." Tumango-tango ito, kilala ni Dorothy ang nanay niya at alam nitong hobby nito ang mag-alala sa kanya.
"Sasamahan kitang bumili ng flowers para kay Tita."
"Salamat at pumayag kang bantayan si Leo, Dorothy."
"Sus, para ka namang others." Hinalikan nito ang pusa niya. "At saka gustong-gusto koi tong si Snowbell." The cat just purred. Ayaw nitong tinatawag na Snowbell but Dorothy loves calling her cat snowbell dahil kamukha daw nito ang pusa sa Stuart Little.
"Mabuti nalang at wala na ang kuya mo sa bahay mo, hindi ba allergic siya sa pusa?"
"Allergic iyon sa mabalahibo. Mabuti na nga lang at may vacant na unit sa WinterVille at agad siyang nakabili."
"Winterville? Akala ko sa SummerVille siya? Kapitbahay sila ni Xylie hindi ba?"
"Naibenta na niya, mas gusto daw niya sa WinterVille kasi malaki ang bahay. Gusto daw niya ng maraming anak kapag nakasal na sila ni Xylie."
"Kailan nga pala ang kasal nila?"
"This April na, para sakto daw na bakasyon ni Xylie at marami silang time mag-honeymoon." Napangiti siya sa sinabi nito. Na-witness niya actually ang love story ng dalawa sa katunayan ay pinagkakakitaan na niya iyon. Ire-regalo niya sa dalawa ang published novel niya sa kasal. "Gusto mong ihatid na kita?" may sariling kotse ang kaibigan, it's a company car.
"Hindi na, mag-Ga-Grab nalang ako."
"Sure ka? Sa ganda mong iyan baka ma-kidnap ka." Tinaasan niya ito ng kilay.
YOU ARE READING
Black Magic: Write (COMPLETED)
Short StoryJada only wants peace of mind but her overly friendly and hunky neighbor won't give it to her.