MARAHANG sinuklay-suklay ni Janine ang buhok niya habang nakahiga siya sa lap nito at nanonood ng Koreanobelang hindi niya alam ang title. Actually, nakatanga lang siya sa TV at sinasamahan lang niya ang kapatid sa trip nito sa buhay.
"Sigurado ka na ba talagang papasok ka na sa Amore Gazette? Kung napipilitan ka lang ay sasabihin k okay Jasper na ayaw mo talaga."
"I'm fine with it ate Janine, gusto ko rin na pumasok sa isang normal na working environment. Time na rin sigurong makisalamuha ako ng mga tao, I want to grow and to develop my socializing skills. Alam mo naman na weakness ko iyon."
Marahas siyang hinampas nito sa braso. "Alam nating pareho na ang dahilan kung bakit hindi ka nakikipagsocialize sa iba ay dahil ayaw mong magtiwala, natatakot kang magtiwala sa ibang tao dahil pakiramdam mo ay sasaktan ka nila." Hindi siya umimik sa sinabi ng kapatid. She hates to admit it but she's telling the truth. Simula noong nalaman niyang may ibang babae ang tatay niya ay bigla siyang nagpull out sa social world. Natatakot siyang maging katulad ng Papa niya ang mga taong lalapit sa kanya.
"Hindi mo pa rin ba napapatawad si Papa?" tanong nito sa kanya.
"Matagal na."
"Pero hindi mo malimutan, right?"
Marahas siyang napabuntong-hininga. "Ate, paano mo nakalimutan? Paano mo nagagawang harapin si Papa na parang walang nangyari? Kapag nakakaharap ko siya ay naaalala ko kung paano umiyak at nasaktan si Mama."
"Well, wala namang madaling proseso. Katulad mo ay nahirapan din ako at napagdaanan ko na rin ang mga pinagdadaanan mo ngayon."
"What happened?"
"Alam kong hindi justifiable ang ginawa ni Papa. May asawa at dalawang anak siya na babae pero nagawa pa rin niyang pumatol sa ibang babae. Wala siyang pwedeng idahilan doon. Pero nagbago si Papa, ginawa niya ang lahat para mapatawad ni Mama. Kahit na nagsama sila ni Mama sa isang silid ay alam kong magkahiwalay sila ng higaan ng ilang taon. Pinahirapan din siya ni Mama at ginawa ang lahat ni Papa para makabawi. Makabawi sa kanyang asawa at sa atin kaya naisipan kong possible pala talagang bigyang ng second chance ang isang tao. Kung nagawa ni Mama ay bakit hindi ko magawa? Dahan-dahan ay binuksan ko ang puso ko para kay Papa hanggang sa tuluyan ko na siyang napatawad."
Hindi niya alam na may nangyari palang ganoon. Noong bumalik ang ama sa kanilang bahay ay naitanong niya sa kanyang sarili kung paano nakalimutan ng ina niya ang ginawa nito. Hindi niya alam na naghirap rin pala ang tatay niya na makuha ang kapatawaran mula sa asawa nito, sa nanay nila. Tama ang ate niya, kung nagawa ng kanyang ina bakit hindi niya magawa?
"Huwag mong i-force ang sarili mo, dahan-dahan lang ang process." Tinapik siya nito at inutusang umupo paharap sa kanya. "Live with us."
YOU ARE READING
Black Magic: Write (COMPLETED)
Cerita PendekJada only wants peace of mind but her overly friendly and hunky neighbor won't give it to her.