MALALAKAS na katok sa kanyang main door ang gumising kay Jada. Agad siyang napasulyap sa orasan na nakapatong katabi ng kanyang desktop, pasado alas otso pa ng umaga. Ibig sabihin ay kakatulog lang niya at kung sinuman ang gumising sa kanya ay gusto niyang kalbuhin. Inis na tumayo siya at agad na binuksan ang pintuan.
"What?" iritadong tanong niya lalo na nang makilala ang kaharap.
"Iyan ba ang ibabati mo sa taong nagligtas sa alaga mong pusa?" napatingin siya sa puting hayop na hawak ni Hanz. Kunot-noong napabuntong-hininga siya, sobrang busy siya kagabi kaya hindi niya napansin na nawawala na pala ang alaga niya. Sa kabilang braso naman nito ay paperbag na may tatak ng bakeshop ni Yumi. "Idinaan ko itong pusa mo dito, inuutusan mo ba itong magpunta sa bahay ko?"
"Hanz, masyado pang maaga para patulan ko iyang mga hirit mo. I'm glad na inuwi mo si Leo." Kunot-noong napatitig ito sa kanya kaya mas lalo siyang naasar. She looks like a freaking ugly fried octopus habang ito fresh na fresh at para lang iyong hero niya sa sinusulat na nobela. It's unfair!
"You look-."
"I know, I look ugly." Kasabay ng sinabi niya ay kumulog at kumidlat ng sobrang lakas kaya biglang lumipad ang inaantok na diwa niya kasabay ng pagtakip ng teynga, napatili rin siya sa gulat. Sunod-sunod ang naging pagkulog at pagkidlat kaya ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Sumunod din ang malakas na buhos ng ulan.
"Shit." Narinig niyang bulalas ni Hanz kasabay ng pagtulak nito sa kanya papasok ng kanyang bahay. Nasa teynga pa rin niya ang kanyang mga palad at nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
"Make it stop." Mahinang usal niya pero batid niyang naririnig iyon ng binata. "Make it stop please." Gusto na niyang umiyak ng mas malakas na kulog pa ang dumagundong sa langit. "Ano naman ang tingin mo sa akin Diyos?" mabilis siyang sumampa sa kanyang sofa na para bang may pating sa sahig na kakain sa kanya. She's shaking. "Hey, kulog at kidlat lang iyan." Hinawakan siya nito para alisin sa teynga niya ang palad. "Jada, come on." Narinig niya ang pag-aalala sa boses ni Hanz nang mapansin nitong hindi maganda ang lagay niya.
"Ayoko... ayoko sa kidlat at kulog—ahhh!" hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya dahil basta nalang niyang tinalon ang distanya nilang dalawa at yumakap sa lalaki. Wala siyang pakialam sa ginawa niya, sa isip niya ay kung tatamaan siya ng kidlat at least hindi siya mag-iisa dahil idadamay niya si Hanz.
Akala niya ay itutulak siya nito pero hindi nito iyon ginawa, bagkos ay kinarga siya nito ng maayos at umupo sila sa sofa. Nakasubsob pa rin ang kanyang mukha sa malapad na dibdib nito, and whether she admits it or not mabango talaga ang lalaki. Pamilyar sa kanya ang amoy na iyon pero hindi niya maalala kung saan.
May naramdaman siyang mahinang tapik sa kanyang likod na para bang batang pinapatulog ng nanay niya. Ang pinagkaiba lang ay hindi mukhang nanay si Hanz, pwede itong fafa sa mga nobela niya. A hero material.
YOU ARE READING
Black Magic: Write (COMPLETED)
Historia CortaJada only wants peace of mind but her overly friendly and hunky neighbor won't give it to her.