AT tama nga si Jada, bumalik na siya sa kanyang normal na sarili. Noong dumaan siya sa convenience store ay nandoon si Hanz at ang mga kalaro nito sa basketball. Hindi siya pinansin nito kahit na alam niyang nakita siya nito. Tama ang kanyang teorya na kapag bumalik siya sa kanyang tunay na sarili ay hindi na siya nito mapapansin at ang ikinainis niya ay alam niyang tama siya pero nakaramdam siya ng disappointment kahit hindi dapat.
"Meow." Sumampa ang pusa sa tabi niya.
"Leo, saan ka na naman galing na pusa ka?" kinarga niya ito at inamoy. "Bakit ang bango mo? Bakit amoy lalaki ka?" sigurado siyang perfume ng lalaki ang naaamoy niya sa pusa niya. "Don't tell me naglalandi ka na talaga? Sosyal na lalaking pusa pa ang pinatulan mo at mamahalin ang pabango niya? Akala ko ba tomboy ka?"
"Meow!"
"Aw!" hiyaw niya ng kalmutin nito ang kanyang braso. Mukhang nagalit ito sa mahigpit na hawak niya kaya siya nito kinalmot. "Bad kitty." Agad na lumabas ang pulang likido sa braso niya. She's even wondering if the wounds were deep dahil masyadong maraming dugo ang lumalabas doon.
"Meow." Ngiyaw ng pusa na tila ba humihingi ng tawad. She just scratched her cat's chin and sigh. Kasalanan din naman niya kung bakit siya nito nakalmot kaya hindi niya ito pwedeng sisihin. Pumunta siya sa kanyang banyo at kinuha ang medicine kit. Ginamot niya ang sarili kahit na maluha-luha na siya sa hapdi at sa sakit.
"Kung hindi lang kitang mahal na pusa ka ipinakain na kita sa aso."
"Meow." Napabuntong-hininga nalang siya.
"Wala kang dinner tonight." The cat rubbed its fur on her legs. Naglalambing na naman ito, at hindi niya kayang iresist ang charm ni Leo kapag naglalambing na ito sa kanya. "Fine. Papalusutin kita this time pero sa susunod ay wala ka talagang dinner." Banta niya sa alaga niya na parang bata, nagbabakasakaling maiintindihan siya nito. Well, ilang beses na rin siyang nagbanta at ilang beses na rin naman niyang hindi tinuloy ang kanyang banta. She's really hopeless.
And when she said dinner, hindi niya inaasahan na makita ang sarili na nakaupo sa ibabaw ng kanyang Bermuda grass at kumakain ng take out foods. Nang dumating ang delivery ay hindi na siya pumasok sa loob ng bahay dahil ayaw niyang magkalat siya doon at saka malamig ang buong paligid, masarap ang ihip ng hangin at sobrang liwanag ng langit. Kapag na-i-stress siya sa nobelang sinusulat niya ay madalas nakahilata lang siya sa labas ng kanyang bahay habang nakatitig sa langit, the starry sky actually gives her some inspirations which she appreciates so much. Nasa tabi niya ang kanyang alagang pusa at nauna nang natulog sa kanya.
"Leo." Tawag niya dito. "I can't write and I don't know why." Pag-amin niya. Kapag ganitong mga oras ay buhay na buhay ang kanyang brain cells at nakakatapos siya ng ilang mga chapters pero lately ay nag-iiba ang timpla niya. Halos hindi na niya matapos ang isang chapter sa loob ng isang araw, palagi siyang distracted and what's worst, minsan ay natatagpuan niya ang sariling nakatitig sa monitor ng kanyang screen ng mga ilang oras. Oras at hindi minute. "I think I need a major break."
YOU ARE READING
Black Magic: Write (COMPLETED)
Short StoryJada only wants peace of mind but her overly friendly and hunky neighbor won't give it to her.