Pakiramdam niya ay nabobobo siya sa mga pangyayari, hindi niya expected ang gagawin ni Hanz. Ni hindi sumagi sa kanyang isip na bibisita ito sa bahay ng kanyang mga magulang na may bitbit na mga bulaklak at lantarang sasabihin sa kanya na liligawan siya nito. Sa dinami-dami ng pwedeng mangyari ay ito pa, it is so unbelievable!
"Hoy!" Untag sa kanya ng kanyang ate, napansin marahil nito na nakatanga lang siya sa kawalan. Katatapos lang nilang magdinner at habang nasa hapag ay walang lumalabas sa kanyang bibig, ang mga magulang niya ang kausap ni Hanz na katabi lamang niya. Ang kapatid ay sumasabat minsan, pati na rin ni Jasper. At hindi lang iyon, parang magbestfriend na ang kaibigan at si Hanz.
Kinurot niya ang braso at malakas na napasinghap, hindi nga siya nananaginip. Totoo ang mga nangyayari.
"Ano ba iyang ginagawa mo sa sarili mo? Nababaliw ka na ba?" natatawang ani ng ate. "Mukhang tama nga ang sinabi ni Jasper, may hitsura iyang napupusuan mo. Luckily, hindi naman pala siya torpe." Kinuha niya ang mainit na tsaa at inisang lagok iyon. "Mukhang na-shock ka nga sa nangyari. I've never seen you this before, masaya pala iyong paminsan-minsan ay ginugulat ka."
"Gulat? Ate Janine, sobra pa sa gulat ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang hindi totoo?"
She heard her sister giggle. "Well, welcome back to the real world. Wala ka na sa pantasya, harapin mo ito." Tinapik siya nito at itinuro si Hanz na naglalakad papunta sa kanya, kasama nito ang mga kanyang mga magulang. Sa tingin niya ay nagpapaalam na ito.
"Jada, ihatid mo muna itong bisita mo sa labas."
Tumango siya sa utos ng ina. May palagay siyang unang kinukuha ni Hanz ang kiliti ng kanyang mga magulang. Halos lahat ng oras ay ginugol nito sa pakikipag-usap sa Mama at Papa niya and she can't deny her parent's fondness to the guy.
"Ihahatid na kita." Tumayo siya at muntik nang mapa-upo mabuti nalang at naaalalayan agad siya nito.
"Careful." Maingat na tinulungan siya nitong tumayo. "Are you okay?"
"O-Oo. Matagal kasi akong nakaupo."
Pagkatapos magpaalam sa kanyang mga magulang ay naglakad na sila palabas ng bahay. Tahimik lang silang dalawa, nagpapakiramdaman.
"Jada-."
"Hanz-." Sabay nilang tawag sa isa't isa.
"Ikaw muna." Anito sa kanya, mabilis siyang umiling.
"Wala naman talaga akong sasabihin."
"You really blush a lot." Agad siyang napahawak sa pisngi sa sinabi nito.
"Hindi kaya, morena ako kaya hindi ako nagba-blush." Depensa niya sa kanyang sarili.
"I really love your skin tone, it makes you glow under the moon?" naisubsob niya ang palad sa mukha dahil hindi na niya kayang pigilan ang nararamdaman niya sa mga pinagsasabi ng lalaki. Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. "I thought you are used to flowery words? You're a writer." Sinilip niya ito sa pagitan ng kanyang mga daliri.
YOU ARE READING
Black Magic: Write (COMPLETED)
Short StoryJada only wants peace of mind but her overly friendly and hunky neighbor won't give it to her.