10 - HEART PAINS

16K 416 10
                                    

NAPAHIKAB si Jada nang maramdaman na huminto ang bus na sinasakyan nila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NAPAHIKAB si Jada nang maramdaman na huminto ang bus na sinasakyan nila. Medyo nainis pa siya dahil naputol ang kanyang tulog, but as they say good things has an end. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at groggy pa na nakatitig sa mga kasamahan na dahan-dahan nang bumababa. Parang siya rin ang mga ito, parang walking zombie lang. She stretches her legs and arms only to find out that she can't move. May nakatali sa beywang niya! Natatarantang tiningnan niya ang dahilan kung bakit nahihirapan siyang kumilos. Hanz arm is around her waist.

Balak sana niyang tumayo agad pero nang makitang himbing na himbing ang tulog ng katabi ay hindi na niya nagawa. Halatang pagod na pagod ito marahil sa ginawa nito kanina. Hindi niya maiwasang titigan ang lalaki, he really looks good. Kaya hindi nakapagtatakang habulin ito ng mga babae.

Marahan siyang napabuntong-hinga lalo pa at hindi na rin niya kayang pigilan ang tunay na nararamdaman sa binata. Hindi siya tanga at lalong hindi siya manhid. May malaking puwang na si Hanz sa kanyang puso at iyon ang ikinakatakot niya. Sa mga nobelang kanyang sinusulat ay dapat isini-celebrate ang pagtibok ng puso ng babaeng bida, sa parte niya ay kulang nalang ay ibaon niya ang sarili sa hukay.

Kumuha siya ng malaking batong ipupukpok niya sa kanyang ulo. She fell in love with Johannes Salamandres. Isang lalaking madaling magsawa sa mga bagay-bagay, isang lalaking mahilig sa mga challenges at isang lalaking hindi yata marunong sumeryuso. How can fate be so cruel to her?

Nataranta siyang bigla nang magmulat ito ng mga mata. "Where are we?" inaantok din na tanong nito sa kanya. Nagkasalubong ang kanilang paningin, hindi niya alam kung nagulat ito nang siya ang unang nakita dahil nakatitig lang ito sa kanya. She even though he'd pushed her but he just tightened his arms around her waist making it impossible for her heart to stay calm.

"Bababa na ako Hanz." Pukaw niya dito dahil may balak yata itong makipag-staring contest sa kanya.

"Sabay na tayo." Mabilis na inalis nito ang braso na nakapulupot sa beywang niya at agad na nahawakan ang kanyang palad. "Mukhang sa clubhouse tayo huminto." Anito na sinilip ang labas ng bintana sa may gawi niya. Siya ang nasa tabi ng bintana kaya mas lalong napalapit ng husto ang mukha ng kasama sa kanyang mukha. Hanz is turtoring her poor heart and testing her weak control.

Sa palagay niya ay ang isa sa pinaka-weakness ng mga babaeng never pang nagkakaboyfriend ay hindi nila alam kung paano kontrolin ang mga sitwasyon na tulad nito. Nahihirapan siyang mag-isip sa kakarampot na distansya sa pagitan nila at mas lalong hindi niya alam kung hanggang kailan niya matitiis na huwag ilapat ang labi sa pisngi nito. He's really a temptation at hindi niya alam kung sinasadya ba nito o hindi.

"It's past seven. Gusto mong magdinner muna? Alam kong hindi ka nakakain ng maayos kanina." Ano ba ang dapat niyang isagot sa pagyaya nito? Yes? I will? I do? Dios mio, ilang beses na niyang nasulat ang ganitong eksena at dapat alam na rin niya ang sasabihin at gagawin pero ayaw makipagcooperate nang kanyang utak at ang kanyang katawan.

Black Magic: Write (COMPLETED)Where stories live. Discover now