Chapter 15

3.8K 101 2
                                    

Mia Rios POV

Nalibang ako sa pakikipaglaro sa mga aso at hindi ko namalayan na medyo hapon na pala.

"Miss Mia kailangan na po nating bumalik sa bahay ni Ma'am Tamara,"saad ni Leon nasa likuran ko lang.

Andito kasi kami ngayon sa pet house kasi hindi na naasikaso ni Shawn na sumama sa akin

Tuluyan na kaming nagpaalam sa nagbabantay sa mga aso tyaka naglakad sa medyo lubak lubak na daan.

"Leon,"Pagtawag ko kay Leon.

"Ano yun Miss Mia?,"tanong ni Leon sa akin habang inaalalayan ako sa paglakad.

"Ahhh kasi ganito ang hirap kasing sabihin kay Shawn ang lagay ko,"sabi ko kay Leon,"kasi naman laging andyan si Tamara kung nakahanap na ako ng magandang pagkakataon."

"Makakahanap ka rin ng tamang oras at araw miss Mia,"sabi nya at ngumiti,"kamusta na pala ang paglilihi mo miss Mia dumudugo parin ba?."

"Oo pero paunti na sya ng paunti,"sagot ko sabi ng Doc Grace nung muli akong napatawag sa kanya dahil napapansin kong paunti unti na ang inilalabas na dugo at sabi nya normal lang daw yun.

Pagkatapos ng party akala ko uuwi na kami pero mapilit si Higad kaya ayun  bukas nalang kami uuwi.

Inutusan pa nya akong mamasyal muna para lang masolo nya si Shawn tsk masyado syang halata

Mabilis kong inayos ang sarili ko at pumasok na sa malaking bahay agad kong hinanap kong saan nagpunta si Shawn.

"Hey ate nakita mo ba si Shawn?,"tanong ko sa isa sa mga katulong.

"Eh...... n-nag-uusap po sila ni Ma'am Tamara sa silid nito."

Kumunot ang noo ko,"What do you mean?,"tanong ko nakaramdam ako ng kaunting kaba.

"K-kanina pa po si Sir Shawn sa.... Silid ni Ma'am Tamara Ma'am Mia."

Mabigat ang mga hakbang kong pumunta sa hagdanan.Hindi ko alam kong ano ang gagawin.

Sa banayad na mga hakbang ko ay tinungo ko ang silid ni Tamara.

The door was partly opened.Narinig ko ang boses ni Shawn.It was more of a groan, parang mabibiyak ang dibdib ko sa matinding kaba.

Itinulak ko ang bukas na pinto,and i saw them, parehong nakatayo sa may paanan ng kama.Shawn had nothing on but his black boxer shorts. Sa isang kamay nya ay may hawak na kopita ng alak.

Ang isang kamay nito'y nakahawak sa balikat ni Tamara.Ang mukha nito'y nakakulong sa mga kamay ni Tamara.

Unang lumingon sa gawi ko si Shawn with his poker face. His eyes were empty as he looked back at me.

Nang lingunin ko si Tamara tumalikod sya na tila ba hindi nito gustong makita ko ang  kasalanan sa mukha nito,she even groaned and sobbed.

"A-anong ibig sabihin nito,Shawn?,"tanong ko sa nanginginig na boses.

"Get out of my sight Mia,"ika ni Shawn sa tonong estranghero sa akin,"i don't want to talk to you right now maybe tomorrow or Next day."

I was shocked.Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin. Gusto ko syang lapitan... Sampalin... Saktan..

Gusto kong ipadama sa ang sakit na nararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Kung paano ako nakababa at nakabalik ay hindi ko alam.Hindi ko rin alam kung kailan titigil ang luha ko.

"M-mia,"napalingon ako sa likuran ko,"I'm sorry If you've found out that way.Hindi kita gustong saktan... Ganoon nadin si Shawn."

"U-uuwi b-ba si Shawn?,"I asked unemotionally,she was wearing Shawn's polo amoy na amoy ko ang pabango doon ni Shawn.Even though her hair was messy ang ganda parin nya hindi tulad ko.

"He said his going to stay here for a while,"her voice filled with remorse,"forgive me Mia... Forgive us."

"It's o-okay uuwi nalang ako,"sabi ko, hindi ko na kaya pang saktan ang sarili ko.

Kinuha ko ang mga gamit ko, pati narin ang susi ng sasakyan ni Shawn.

Pinilit kong huwag pagurin ang sarili ko dahil sa kakaiyak dahil yun ang sabi ng doktor ko.

Inihinto ko muna ang sasakyan ko sa tabing dagat,"ano bang ginawa ko sayo SHAWN bakit mo ako ginaganito?."

"Mahal na mahal na mahal kita pero bakit ako nasasaktan, bakit mo ako sinasaktan ng ganito?,"sigaw ko pero ang agos lang ng tubig ang sumasagot sa sigaw ko.

"Akala ko ba mahal mo ako? Akala ko ba nakalimutan mo na si Tamara?,"nasasaktan ako, nasasaktan ako sa pageexpect na mahal ako ng lalaking minamahal ko,"ang hirap mag-expect alam mo ba yun."

Napaupo ako sa buhangin at hinaplos ang tiyan ko, nagsimula nanaman akong napahikbi,"baby anong gagawin natin?,"tanong ko.

"Sa tingin mo matatanggap pa tayo ng papa mo?,"hindi ko pa sinabi ang tungkol sa baby na dinadala ko kay Shawn dahil laging sumusulpot si Tamara.

Nang wala na akong luhang mailabas bumalik ako sa sasakyan ko at muling nag drive.

Hindi ko alam kong saan ako pupunta pero bahala na, ayoko namang umuwi sa apartment ni Shawn.

Kinabahan ako ng mapansin kong hindi gumagana ang preno ng sasakyan,muli ko itong sinubukan pero wala parin

Iniliko ko ang sasakyan patungo sa malaking puno, binitiwan ko ang manibela at prinotektahan ang tiyan ko,"i will protect you baby mommy's here for you, "bulong ko bago tuluyang bumangga ang sasakyan sa malaking puno.

Third Person POV

Ngising ngisi ang lalaking nakasaksi sa pagbangga ng sasakyan na gamit ni Mia,"mission accomplish,"bulong nya bago tuluyang nilisan ang lugar.

Sa kabilang banda isang mag-asawa ang kasalukuyang tinatahak ang kalsadang pinangyarihan ng aksidente.

Nakita nila ang sasakyan na gamit ni Mia,"naku tignan mo mukhang may naaksidente,"sabi ng matandang babae sa nag-aalalang boses.

Agarang bumaba ang matandang lalaki at tinignan kong may tao sa loob,"ay naku may tao tulungan natin,"wika ng matandang lalaki ng makalapit sa kanya ang kanyang asawa.

"Dalian mo at dalhin natin sa bahay ni Doctora,"wika naman ng matandang babae na agad na sinunod ng kanyang asawa.

Binuhat nila si Mia na walang malay at inilipat sa kabilang sasakyan tyaka umalis sa lugar na iyon.

Nang makaalis na sila saka naman sumabog ang sasakyan,"ay buti nalang at nailayo natin ang batang to."

"Oo nga hays kawawa naman,"sagot ng asawa ng matandang babae.

Dinala agad nila si Mia sa bahay ng doktor na kilala ng mag-asawa.

Sold By A Billionaire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon