Mia Rios POV
Paggising ko sa umaga pagsusuka agad ang bumungad sa akin,hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon.
Pagkatapos kong linisin ang sarili ko humarap agad ako sa salamin haggard na haggard ang itsura ko.
Kasi naman akala ko tuloy tuloy na yung tulog ko pero hindi pala saktong 12 o'clock akong nagising.
Balak ko sanang silipin si Shawn sa kuwarto nya para icheck kong nakauwi na sya pero nag-alinlangan nalang ako at sinubukang makatuloy pero ilang oras pa ang lumipas bago ako dinalaw ng anak.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kwarto, may narinig akong tawanan kaya hinanap ko.
Nakita ko si Shawn at isang babae na nagtatawanan, wait siya yung babaeng pumunta rito at hinanap si Shawn.
Napansin ni Shawn ang presinsya ko pero hindi sya nag-abalang lapitan ako,"morning,"tipid na wika nya
Ano ba Shawn? Bat ang cold mo nasasaktan ako.
"Morning din,"alang ganang sagot ko sa kanya,"hello."
"Hello,"nakangiting saad nitong impaktang babaeng to, huwag mo nga akong ngitian dyan baka sampalin kita diyan,"by the way I'm Tamara."
Tamara? Tamara? Ahh siya pala si Tamara akalain mo nga naman andito pala ang babaeng pinagseselosan ko.
"Hello,"wala akong masabi bumalik nalang ako sa kwarto ko at magmukmuk dun.
Kaya naman pala kakaiba ang pakikitungo sa akin ni Shawn dahil andun yung first love nya.
lumabas ulit ako sa kwarto ko dahil nakaramdam ako ng gutom,akala ko umalis na yung babae impakta pero kung minamalas ka nga naman at pareho silang nasa kusina.
"oh Andyan ka pala kain na,"patakbo akong bumalik sa kwarto ko dahil nakaamoy ako ng garlic.
"Miss Mia okay ka lang?,"napalingon ako sa likuran at nakita ko si Leon na nakatayo sa bandang pintuan ng Kwarto ko na may halong pag-aalala.
Buti pa si Leon nag-aalala pero yung isa dyan hindi man lang nakaramdam.
"Okay lang ako,"napaupo ako sa gilid ng kama,"Leon pwede bang dalhan mo nalang ako ng pagkain rito."
Tumango si Leon, napayuko nalang ako at muling napaangat ng muling bumukas yung pinto,"s-salamat Leo-."
Isang kunot noo ang bumungad sa akin pag-angat ko ng ulo ko,"what's with that attitude of your Mia."
Ako pa talaga ang may kasalanan,ako pa talaga ang nasisi.
Hindi ako nagsalita at muling napayuko, heto nanaman naiiyak nanaman ako,"s-sorry kung nagiging pabigat ako sayo."
"Boss naman,"lumapit sa akin si Leon tyaka ikinomfort ako,"wala namang kasalanan si Miss Mia."
"At ako na ngayon ang may kasalanan?,"bulyaw ni Shawn na nagpagulat sa akin.
"Hmnn Shawn aalis nalang ako,"Sulpot ni Tamara hindi ko sila nilingon,"hmm by the way you can invite Mia in the party. "
"Ihahatid na kita, "tyaka lang ako napaangat ng ulo ng marinig ko ang mga yabag ng mga paa paalis sa kwarto ko.
"S-salamat Leon,"hindi ko nakontrol ang sarili kong amoyin ang damit nya,"ambango ng pabango mo Leon hindi tulad kay Shawn ambaho."
Tumawa nalang si Leon dahil sa biglang pag-iiba ng reaction ko,"heto na yung hinihingi mong pagkain Miss Mia."
Namilog ang dalawang mata ko,"yey thank you Leon,"tuwang tuwa kong sabi at nilantakan ang pagkaing dala dala nya.
Nandito kami ngayon sa sala, tatabi sana sa akin si Shawn pero bigla akong umalis sa kinauupuan ko tyaka lumipat kay Leon.
"What the fuck?,"kunot noong mura nya, hindi naman na nagreklamo si Leon ng napayakap ako sa mga braso nya alam nya kasi ang pinagdadaan ko.
"Ambaho mo Shawn,"masungit na sagot ko sa kanya, "magpalit ka na kaya ng pabango mo."
"The heck what is your problem woman?,"naiiyak nanaman ako kasi bat kasi nya ako sinisigawan.
"Boss huwag mo namang murahin si Miss Mia,"sunod sunod akong tumango sa sinabi ni Shawn.
"Saan kaba kampi Leon,"nagtatagis bagang na tanong nya kay Leon.
Bumuntong hininga si Leon,"sa ngayon kay Miss Mia muna ako kakampi,"tuwang tuwa ako sa sinabi ni Leon.
"Tsk Whatever lumayas ka na nga lang diba may trabaho kapa,"utos nya kay Leon sa boses na naiinis.
"NOOOO huwag kang umalis Leon i need you here,"nagpapuppy eye pa ako at nag pout,"sinong magluluto at gagawa ng pagkain ko? siya?,"itinuro ko si Shawn,"eh wala namang silbi yan eh."
Kung titignan mo naiinis na talaga si Shawn yung tipong umuusok na ang dalawang butas ng ilong nya.
Nag-stay nga ng ilang oras si Leon sa apartment ni Shawn,"Mia,"muli kung nilayuan si Shawn.
"Hanggang hindi mo pinapalitan yang pabango mo huwag mo akong lalapitan Shawn please maawa ka sa ilong ko,"naguluhan sya sa inaakto ko.
Maya maya tuluyan ng nagpaalam si Leon kaya kaming dalawa nalang ni Shawn ang naiwan.
"Shawn,"tinitigan nya ako mula sa malayo,"may sasabihin sana ako sa iyo."
"Hmnn what it's?,"he asked without looking at me.Siguro naoffend sya kanina sa mga sinabi ko.
"I'm pre-,"hindi ko na ipagpatuloy ang sasabihin ko dahil biglang nag ring yung cellphone nya.
"Hello Tamara,"bungad nya ng sagutin nya yung tawag si Tamara nanaman? Itinaas ko yung isang kilay ko,"yes we will attend I promise,"nakangiting wika nya.
He never smiled at me like the way he was smiling right now at nakakaselos yun.
"Yeah yeah i will see you tomorrow,"mas lumawak ang pagkakangiti nya, ano kayang sinabi ni Tamara kaya ganyan sya makangiti ngayon?.
Ibinababa nya yung cellphone nya matapos syang makapagpaalam kay Tamara tyaka sya tumingin sa akin, napakunot nalang ako ng noo sa style ng pagkakatitig nya sa akin at paano sya bumuntong hininga nakakainsulto yun.
"Ano nga ulit yung sasabihin mo?,"maya maya ay tanong nya pero imbes na sagutin ko sya ay pinandilatan ko nalang ito at nagpunta na sa sarili kong silid.
Nagpupuyos ako sa galit,niyakap ko ang unan ko at sinubokan ng matulog pero hindi parin nagpaparamdam ang antok sa akin.
Ilang ulit akong nagpalit ng posisyon para lang makatulog pero dahil narin siguro sa galit, inis, at selos ay hini ko magawang matulog.
Oo nagseselos ako kay Tamara Pano naman kasi kakaiba ang pakikitungo sa akin ni Shawn.
BINABASA MO ANG
Sold By A Billionaire
RandomWarning:SPG|•R+18•|Mature Content "I love you. I love you desperately, violently, tenderly, and completely." Shawn Coleman
