EIREISONE NYX'S POV
"Nandito na ho tayo, Miss Eiriesone." iminulat ko ang aking mga mata at tinangal ang nakasalpak na headphone sa aking tenga. Agad kong ibinaling ang tingin sa labas ng sasakyan at nakita ang isang napakalaking mansyon na pag-aari ng mga Sandoval.
It's been a while.
Mukhang masyado kayong nagsaya sa pagkawala ko sa pamamahay na ito? I hope you did. Dahil panahon na siguro para bawiin ang kasayahang hindi naman dapat sainyo.
"Welcome back, Miss Eirie! bati ng mga katulong sa akin habang umaakyat ako patungo sa aking silid. Inilibot ko ang aking mga mata hangang sa nagawi ito sa parte ng bahay kung saan nangyari ang lahat. Kung saan nakita ko siyang nakahandusay at wala ng buhay habang naliligo sa sarili niyang dugo.
It's been nine years Mama.
Tuluyan ng pumatak ang luha sa aking mga mata at muling naalala ang kahindikhindik na nangyari sa kanya siyam na taon na ang nakararaan.
It's been nine years already pero hanggang ngayon hindi ka pa din nabibigyan ng hustisya at siyam na taon na ding nagdudusa sa kulungan ang taong hindi naman talaga pumatay sayo. Samantalang ang totoong pumatay sayo ay nananatiling nagpapakasaya sa marangya niyang pamumuhay.
Hindi ko hahayaang hindi magdusa ang taong may gawa ng bagay na iyon sayo. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan mama.
Pinunasan ko ang aking nga luha at ibinaling ang atensyon sa kasambahay na nasa aking silid.
"Miss, naghihintay na po sila."imporma nito.
"Tell them I'll be there in a minute" i replied.
"Yes Miss" sagot nito at iniwan ako
"Let's play for a while,Eirei." I murmured. Sandali kong inayos ang aking mga gamit at nagbihis.
I am Eireisone Nyx Sandoval the only heiress of Sandoval Family. Ang Sandoval Corporation ang isa sa pinakamalaking kompanya sa pilipinas at nakataong isa ako sa anak ng Vice Chairman dito. My grandfather was the chairman pero simula ng maospital ito ay ang ama ko na ang naging chairman.
My father? Well? He's an asshole. My mom was his first wife but when he met that gold digger bitch ay hindi na nito itinuring na asawa si mama since my mom can't give her a son. May anak si Dad sa pangalawa niyang asawa, dalawang lalaki.Pinatira niya sa loob ng mansyon kung saan kami naroroon ang babae niya at ang dalawang anak nila.He's a jerk. How can he do that to us? How can he do that to my mom?! Hindi man lang niya naisip kung ano ang maaaring maramdaman ni Mama
Simula ng tumira ang pamilyang 'yun sa mansyon ay nawalan na ng lugar si mama sa loob ng bahay. Dad's mistress rule the house tila hindi na kami nag eexist ni mama though mom still have the power since she's the legal wife at alam ito ng buong pilipinas.Kung iisipin 'yun lang siguro ang lamang ni mama sa mistress ni Dad. Nahati sa dalawa ang loob ng mansyon,may parti na sa amin ni mama at ang kabila ay para sa mistress ni Dad.
Palaging ginugulo ng Mistress ni dad si mom telling her to sign the divorce paper pero ayaw ni mama. Hindi siya magpapatalo sa isang kabit lang.Hangang mangyari ang aksidenting nagpabago ng lahat.
Feb. 13 2009, 3:46pm. Umuwi ako sa bahay galing sa bahay ng kaibigan ko. Pagpasok ko sa loob ng silid namin ay nadatnan ko ang pangyayaring kailanman ay hindi ko gugustuhing makita ulit.
I saw my mom.
Lying. With blood,hindi na humihinga at may sasaksak. I saw my mom's best friend,holding the knife. She begged me,she told me that she didn't do that. She's my mom private yaya at itinuturing ding matalik na kaibigan ni mama. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko noon at hindi makapagsalita. Then, my dad came with his mistress kasama ang mga pulis. They took the person holding the knife, idiniin nila dad na siya ang pumatay kay mama.
Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig ko ng mga panahong yun.Gusto kung sabihing imposible na siya ang may gawa ng bagay na iyon.
I was with her a minute before i got home so that's definitely impossible na magawa niya.
"Yaya Mira can we drop to your house muna. I want to give something to Selen."
"Naghihintay na ang mama mo sa atin Eirei.Hindi tayo pwedeng magtagal." She said.
"Only one hour yaya please!" I begged.
"Okay, one hour lang huh?" Aniya na ikinangiti ko.
1:45pm of February 13. i was with her and her daughter playing.
2:45 pm.
Someone called her.
"Eirei dito ka lang muna huh? Pupunta lang ako sa bahay ninyo sandali. kaya mo na bang umuwi mag isa?" Paalam nito na tila nagmamadali.
"Yes yaya uuwi na lang ako. " i answered.
She left at 2:45pm. Ayon sa mga pulis the crime happened at around 1:50pm at kasama ko siya ng mga oras na yun kaya inposibleng siya ang pumatay kay mama. Selene begged me to say something but i couldn't utter a word that time. I want to defend her mom but it's too late.
Nakulong ang mama ni Selene, my family put the blame on her. Ipinagpipilitan nila dad na siya ang pumatay,dahil sa implyuwensya ng aming pamilya ay hinatulan ng guilty ang mama ni Selene.
Hindi ko matangap ang nangyari, 4 buwan akong nagmukmok da loob ng aking silid. Iniisip lahat ng nangyari at kung sino ang totoong pumatay. I am only 15 years old that time para isipin ang mga bagay na 'yun pero desperada lang akong malaman ang totoo.
Pinagtagpi-tagpi ko ang pangyayari. sabi ng mga nag imbestiga wala daw pumasok na ibang tao bukod kay yaya at sa pamilya ko sa loob ng mansyon. Kung nangyari ang kriming iyon around 1:50pm hindi si yaya ang pumatay.
Ikinuyom ko ang aking kamao.Isa sa apat na taong nasa loob ng bahay ang pumatay sa kanya.
The question is sa inyong apat,Who's the real culprit?
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 2; EIREISONE NYX SANDOVAL
Mystery / ThrillerEireisone's mom was murdered ten years ago. And the twist is, one of her family member killed her mother. Will she be able to find out who killed her mother?