" Did you like my surprise Dad? oh i mean UNCLE ? Dapat nagustuhan mo ito. Pinaghirapan ko pa namang pag aralan ang mga sasabihin ko. " mapanudyong wika ni ko kay Zachary."Katulad na katulad ka talaga ng ama mo. Ang hilig ninyong kunin ang mga bagay na ponaghirapan ko. Parehas kayong walang kwenta. " mapait na sagot nito sa akin na nag aapoy sa galit ang mga mata.
Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi nito ngunit kailangan kong maging kalmado dahil alam kong kapag nakita ako nitong galit at nasasaktan ay nasisiguro kung ikakasaya niya ito.
"Paano naman namin kukunin ang isang bagay saiyo kung sa simula palang ay hindi mo na ito pag aari." asik ko dito. Nakita ko ang pag guhit ng matinding sakit sa mukha nito.
"What did you just say?! "" Sinasabi mong kinuha ni papa ang mga bagay na pag aaari mo? nagpapatawa ka ba? Baka nakakalimutan mong ikaw ang kumuha ng lahat ng meron siya. "
"Una, kinuha mo si Mama sa kanya, Pangalawa kinuha mo ang buhay na dapat sa kanya at pati ang kompanyang pinaghirapan niya ay inangkin mo din. " walang emosyon kong wika.
"Anong pakiramdam ngayon na bawiin ng totoong may ari ang mga bagay na ninakaw mo lang? " dagdag ko pa.
" Siguro naman Eros ay alam mo kung bakit wala kang karapatan sa kompanyang ito, hindi ba? Dahil sa simula palang hindi naman ito pag aari ng ama mo. " baling nito kay Eros na tila hindi parin maintindihan ang mga nangyayari. Habang si Zachary ay halos sumabog na sa galit.
Binalingan ko si Madam Violet na hindi makapagsalita.
"Alam mo ang lahat ng ito hindi ba? Knowing you, ikaw ang nagiging taga takip ng mga kahayupan ng pamilya ni Zachary kaya hindi na ako magtataka na may malaki ka ding nakukuha sa bawat ginagawa mo para mapagtakpan sila. I'm just curious about what will be the reaction of your parents sa mga ginawa mo. " wika ko dito.
"Huwag mong isali sa usapan ang magulang ko Eireisone." may diin sa bawat salita nito.
"Don't worry. Nasabi ko lang naman dahil sigurado akong sa mga oras na ito ay alam na nila ang mga kasamaang ginagawa mo. Hindi sila magiging masaya, lalong lalo na ang papa mo. " Wika ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinignan sila isa isa.
"I'll give two days para ayusin lahat ng gamit ninyo at umalis sa company, kapag hindi ninyo ito nagawa ako na mismo ang kakaladkad sainyo palabas. " babala ko at lumabas ng conference room at sumunod naman si Chaos.
"We need to secure the ASC. kailangan nating masiguradong walang magiging access si Madam Violet sa kahit anong gamit sa loob ng ASC dahil maaaring nandun ang mga ebedinsyang hinahanap natin. " paalala ni Chaos.
Agad kong kinuhs ang telopono ko at tinawagan si Styx. Lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal na kaming magkakilala ni Styx ng dahil sa isang organisasyong kinabibilangan namin at ni Nike pero ni minsan ay hindi nito nabangit sa akin ang totoo kong pagkatao. I can't blame her ginagawa lang nito ang trabaho niya at ayaw nitong makialam sa business ng papa niya.
"Can you do me a favor now? Track down the whole ASC. make sure na walang magiging access ang kung sino man maliban sa akin. " utos ko at ibinsba ang telepono. Madali lang gawin kay Styx ang bagay na iyon, she's a IT major afterall.
"Wala ng problema sa ASC, call them kailangan na nating mag usap usap tungkol sa magiging hakabang laban sa kanila. Kailangan ng makulong ng mga taong yun. " malamig kong wika na agad namang sinunod ni Chaos.
..."Ang sabi mo Chairman walang ibang nakakaalam ng bagay na yun? Then paano niya nalaman? " tanong ni Violet sa Chairman.
"Hindi ko alam kung paano niya nalaman. At wala na akong pakialam kung paano! You need to hurry up Violet kailangan maialis mo lahat ng nakatago sa system ng ASC dahil kapag pati yun ay nakuha nila katapusan na natin! " utos nito kay madam Violet. Napamura naman sa sobrang galit si Madam Violet at nagmamadaling pumunta ng ASC habang si Eros ay tuluyan ng umuwi sa mansyon na hindi makapaniwala sa mga narinig niya, Habang ang chairman naman ay tila kinakabahan sa mga maaaring mangyari sa mga susunod na oras.
..
Nakarating si Madam Violet sa ASC office at agad na inutusan ang mga tauhan na e transfer sa private computer niya ang lahat ng files . Ngunit laking gulat ng mga ito hindi na sila maka access sa system ng ASC."Ma'am, system denied our acces." wika ni Kirk
"What? " lumapit dito si Madam Violet at paulit ulit na sinubukang mabuksan ang ang system ng ASC ngunit hindi niya ito mabuksan. Halos sabunutan na nito ang sarili dahil sa sobrang galit. Nagmamadali itong umakyat patungo sa kanyang pribadong opisina.
"What? Denied? What the hell is happening? " sigaw nito ng pati sa pribado nitong opisina ay hindi makapasok. Halos mapauponna lang ito sa sahig dahil hindi makapaniwala sa mga nangyayari at sa maaaring mangyari sa kanya. Sabay sabay silang babagsak ngayon.
Sa kabilang banda naman ay hindi man lang pinagpawisan ni Styx sa ginawa nitong lock down at pag denied ng access ng kung sino man sa ASC maliban kay Eireisone.
"Its done. " wika nito eksaktong kararating palang ni Chaos at Eireisone sa opisina ni Mr. Anton.
"h-how did you do it? " Hindi makapaniwalang tanong ni Selene.
"She's an alien Selene that's why nagawa niya yun." malamig lang na tinitigan ni Styx si Nemesis na ikinatawa nito.
' Hindi pa din nagbabago ang mata ng dalaga matapos ang aksidente noon. ' sa isip ni Eireisone habang tinititigan si Styx.
"What's your next plan Eirei? " tanong ni Mr Anton.
Lumapit dito ang dalaga at nag salita.
"Miguel. Nagawa mo ba ang ipinapagawa ko?" tanong ko kay Miguel at iniabot sa akin ang mga bagay na kailangan ko.
Violet's list of Corruption huh?
Zachary Sandoval rape case three years ago.Celeste Sandoval plagiarism.
Sumilay ang mga ngiti sa labi ni Eireisone.
"Will take them down one by one. "
Simulan natin kay Violet, bukas na bukas din. "
"Paano kung lumabas sila ng bansa ngayon? " agad na tanong ni Selene.
"Styx." Baling ni Eireisone kay Styx.
" Hays. Alright, I'll handle it ." bagot na sagot nito at kinuha ang telepono.
"May ipapadala akong mga larawan sainyo. Secure every area in the country. Make sure na walang makakalabad sa mga taong yan or else I'll kill you all." wika nito na ikinanganga ng lahat.
"What?" tanong ni Styx sa mga ito.
"That's too harsh Styx. " tanging si Eireisone lang ang sumagot sa tanong ng dalaga habang ang iba ay tahimik lang.
"Bukas, iisaisahin natin silang ipapasok sa impyernong ginawa nila. " matapang na wika ni Eireisone.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 2; EIREISONE NYX SANDOVAL
Mystery / ThrillerEireisone's mom was murdered ten years ago. And the twist is, one of her family member killed her mother. Will she be able to find out who killed her mother?