"hey." nagulat ako ng biglang may yumakap mula sa likuran ko habang nasa loob ako ng opisina ko sa ASC.
"Hey. You look tired." wika ko at hinarap ni Chaos na siyang yumakap sa akin.
Tatlong buwan na ang nakalipas simula ng matapos ang kaso. Bumalik na sa normal ang lahat. Miguel was promoted from SPO2 to SPO3 habang sina Mr. Anton naman at Nemesis ay naging matagumpay sa larangan ng pamamahayag. Habang si Selene ay nagpatuloy sa pag aaral niya bilang Nurse.
"Masyado lang makulit yung kalaban ko sa kaso. but don't worry maipapanalo ko ang kaso. " nakangiting wika nito habang nakayakap padin sa akin.
"Anyway, Hinahanap ka nga pala ni Styx. Puntahan mo daw siya ngayon. " agad ko naman nakuha ang sinabi ni Chaos at bumitaw sa pagkakayakap nito kasabay ng pagkuha ko sa bag ko.
"I'll see you later. Urgent lang ito. " paalam ko dito nginitian naman ako nito at ginawaran ng halik sa mga labi.
"I love you. Take Care. "
"I love you too bye. "
Nagmamadali akong pinuntahan si Styx at Nike dahil siguradong importanti ito.Ako, Si Styx at Nike ay miyembro ng isang pribadong organisasyon na kung saan ay binibigyan kami ng ibat ibang misyon na naaayon sa gusto ng humingi ng tulong. Ilang taon na din akong hindi tumatangap ng misyon at nananatili na lang sa opisina dahil na din sa utos ng head namin.
Nakarating ako sa headquarters namin at naabutan ang ilang miyembro ng oraganisasyon.
"Yo" bati ni Athena."Where's Styx? " tanong ko dito.
"Nasa loob. " sagot naman ni Eres.
Pumasok ako sa loob at nakita na prenting nakaupo si Styx at Nike.
"Oh? Akala ko ba may importanting bagay kaya ninyo ako ipinatawag?" tanong ko sa dalawa.
"We need your connection para makapasok ako sa eskwelahang ito. " sagot ni Styx habang ipinakita sa akin ang larawan ng eskwelahan na tinutukoy niya.
"Tsk. Ang akala ko kung ano na. Consider it done. Meron pa ba? "
"Wala na. " Sytx answered.
"Kung makapagmadali naman ito akala mo laging iiwan ni Chaos. " nanunudyong wika ni Nike.
"Whatever. Uuwi na ako. " wika ko
"and by the way Styx, uuwi si Tres next month. I think you should be prepared. He'll be staying here for good. Good luck sayo." wika ko kay Styx na hindi man lang makitaan ng emosyon.
"And Max will be home too. You! " turo ko kay Nike.
"He needs help right now.. "
"Alam mong hindi ako pwedeng ma involve ulit sa buhay ng tito mp Eirei. "" sagot ni Nike na may malungkot na ngiti sa sabi nito.
"Well, kung paglalaruan kayo ulit ng pagkakataon papasok ka ulit sa buhay ni Max. Pero this time trabaho na lang. " sersoyong sabi ko bago iniwan ang mga ito.
Nagulo ang buhay nila fours years ago. Sana naman maging maayos na amg lahat sa pagitan nila.
Hindi madali ang mga nangyari sa mga nakalipas na taon pero dahil sa pagmamahal ng mga taong nasa paligid ko ay nagawa kong malagpasan lahat ng iyon. I'm really thankful to have them especially Chaos. Hindi niya ako iniwan lalo na sa oras na halos sumuko na ako. Im really lucky to have him.
"Hey. Where are you? " sinagot ko ang tawag ni Chaos.
"Miss me already huh? " natatawang biro ko.
"Alam mo namang hindi ako sanay na hindi ka nakikita diba? " natatawang wika nito.
"Pauwi na ako. Don't worry. " sagot ko.
"Alright. Ingat. I love you. "
Hindi ito nagsasawa na iparamdam sa akin ang pagmamahal niya. Sana lang ay maging masaya na din sina Styx at Nike.
END...
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 2; EIREISONE NYX SANDOVAL
Mystery / ThrillerEireisone's mom was murdered ten years ago. And the twist is, one of her family member killed her mother. Will she be able to find out who killed her mother?