"It's already settled Eireisone. Makakalabas na siya ngayon. " Tres hand me the papers for Chaos Case. Tres Prime, isa sa pikamagaling na international lawyer. Kaibigan namin siya ni Max. Anak siya ng matalik na kaibigan ni lolo. Nakilala ko siya when i was ten years old. Nagkikita din kami minsan nuong nasa Europe pa ako since nandun din siya nuon naka base.
"After kong matangap ang tawag mo ay agad akong lumipad pabalik ng Pilipinas at iniwan ang mga malalaking client ko. Ganun ka ka importanti sa akin Eirei. " natatawang biro nito.
"Thank you Tres. Really. Wala na kasi akong ibang mahingan ng tulong. Pasensya na sa istorbo. " agad nitong ginulo ang buhok ko. Parang si Max talaga ang lalaking ito, ang hilig hilig guluhin ang buhok ko.
"I understand Eirei. You don't need to be sorry, nangako din ako sa tito Max mo na kapag kailangan mo ng tulong tutulong ako. " Halos masuka naman ako ng marinig ang sinabi nito.
"Come on Tres. Huwag na huwag mong mababangit sa harap ni Max ang salitang 'tito'or else he will surely kill you. " natatawang wika ko.
"Hayaan mo siya, alam mo naman na kasayahan ko ang pikong mukha ni Max diba? " sagot nito na ikinatawa ko.
"Anyway, aalis na ako. Someone is waiting for me. "
"You have a girlfriend already? " takang tanong ko.
"Correction, Not girlfriend. Girlfriends Eirei. " at malakas itong tumawa.
a playboy will be forever be a playboy unless makilala nito ang katapat niya. Can't wait to see Tres crying because of a girl hmm.
"Sige na, sunduin mo na ang boyfriend mo tiyak na naghihintay na yun sayo. " pinanlakihan ko ito ng mata.
"Hindi ko siya boyfriend."asik ko
"Whatever. Sa salita lang ako ni Max naniniwala. " tawa nito ngunit tinarayan ko lang ito.
" Sige na mauna na ako at kung ano ano naman ang naitsimis sayo ng siraulo kong pinsan, at umuwi ka na sa bansang pinanggalingan mo dahil naghihintay na yung mga babae mo. " biro ko at tumawa ito ng malakas
"and Eirei pagkatapos mo siyang sunduin puntahan mo si Prosecutor Andrew Shin ikaw ng bahala sa kanya. " pahabol nito bago ko iniwan upang pumunta sa police station.
.....
" Kung ako saiyo ay aamin na ako sa kasong ibenibentang sayo. " nakangising wika ni Drew, ang anak ni Senior Prosecutor Andrew Shin.
Nginisihan ko ito pabalik.
"Kahapon ko ba sayo sinasabi na wala akong aakuin sa ano mang ibebibentang sa akin dahil walang katotohanan ang lahat ng ibenibentang sa akin. "
"Matigas ka talaga Del Rosario."
"Prosecutor Drew, Makakalabas na si Attorney Del Rosario." wika ng bagong pasok na isa pang prosecutor
"What?! " tila gulat na wika ni Drew.
"Sinabi ko na saiyo hindi ba? Makakalabas at makakalabas ako dahil wala akong kasalanan. "
Kahit inis ito sa naging balita ay wala itong nagawa kundi palabasin ako.
"Sa susunod na papasok ka sa lugar na ito sisiguraduhin kong hindi ka na makakalabas pa. " babala nito na ikinatawa ko.
"Sa susunod na pagkikita natin ay siguradong kayo na ng ama mo ang nasa loob ng rehas na iyan. " balik banta ko dito bago lumabas.
Pagkalabas ko ng Police station ay nakita ko si Nyx na nakasandal sa kotse nito.
BINABASA MO ANG
NOSTALGIA SERIES 2; EIREISONE NYX SANDOVAL
Mystery / ThrillerEireisone's mom was murdered ten years ago. And the twist is, one of her family member killed her mother. Will she be able to find out who killed her mother?