HL 6: New Classmates

57 2 0
                                    

Natalie's POV

Napangiwi akong bumangon nang marinig kong nagwawala na ang alarm clock ko— alam kong maaga ang pasok pero yamot na yamot pa rin akong gumising lalo na at galing ako sa hangover kahapon.

I was too thankful na hindi ako napansing uminom ng alak nang sunduin ako ng mga Kuya ko sa bahay ni Allison, kung nagkataon yari ako sa kanila at paniguradong hindi na nila ako papabalikin sa bahay na yun— Hindi kasi alam nang mga kapatid ko na walangya ako! Na basag ulo ako at walwal Queen.

They just see me as a fragile little girl who need to protect.

"Baby Nats!"

Napalingon ako sa kumatok sa pintuan ng kwarto, agad kong binuksan yun at bumungad sa akin si Kuya Timothy.

"Kuya Timothy"
"Hindi ka pa bihis?" tanong niya,

Napanguso naman ako dahil dun.

"Kuya give me few minutes, bababa na ko"

Ngumiti naman siya sa akin bilang tugon, ginulo niya pa ang ulo ko.

"Well, hurry up. Mahuhuli ka sa school"

Nakangiti akong tumango sa kanya at agad siyang hinalikan sa pisngi. Nang makaalis si Kuya Timothy ay agad ko nang ni-ready ang bag, sapatos at uniform ko, pagkatapos nun ay agad na kong naligo.

I was just taking my bath for around ten minutes at nagbihis na ko nang uniform, nag-sapatos at nagsuklay na nang buhok, and when I'm ready— lumabas na ko nang kwarto at dun ko naabutan ang apat kong mga kuya na kumakain nang almusal.

Naka-uniform na sila Kuya Zach, Kuya Timothy, at Kuya Xander, samantalang si Kuya Daryl naman naka-formal suit na.

Umupo na ako sa tabi ni Kuya Daryl at agad kumuha nang pagkain— Fried Rice, Adobo, Tuyo, at Bacon. I even made suka na may bawang.

Minuto lamang nang matapos kaming kumain ay hinatid na ako nila Kuya Xander at Kuya Timothy sa School namin— hindi na namin kasabay sila Kuya Zach at Kuya Daryl dahil sa iba ang punta nila.

Si Kuya Daryl kasi nagtatrabaho na samantalang si Kuya Zach naman ay kolehiyo na.

"Baby Nats, sunduin kita mamaya, text mo kami" bilin sa akin ni Kuya Timothy pagkababa ko nang kotse

Napanguso naman ako sa halos araw araw niyang bilin, napatingin nalamang ako kay Kuya Xander na parang ewan lang na tawa nang tawa sa passenger seat.

"Natsow! Ingat daw"

Inismiran ko lang si Kuya Xander— kahit kelan kasi napakamapang-asar!

"Oo kuya, keri ko na to, sige na I Love you"

Nag-flying kiss na lamang ako sa kanila bago pumasok sa Building namin, sakto nun ay pag-andar nang kotse nila kuya papunta sa malayong bahagi nang building— SENIORS.

Napailing na lamang ako at agad dumiretso sa klase namin and luckly hindi ako late.

"Bey, good morning"

Tumabi ako sa kanya at nangalumbaba.

"Walang good sa morning lalo na at Lunes"

Natawa naman siya sa tugon ko kaya napailing na lamang ako. Wala pang seven kaya napagdesisyunan ko munang umidlip sa table ko, medyo antok pa kasi ako at walang kwenta rin naman ang lalabas sa bunganga ni Allison kaya mas mabuti pang mag morning nap muna ako.

Nakayuko na kong patulog sa mesa nang marinig kong nagsidatingan ang mga maiingay kong kaklase.

"Sure ka ba?"
"Oo naman"
"Source yan ah?"
"Oo nga! Narinig ko yun promise!"
"Napaka-chismosa mo talaga kahit kelan"
"Hindi ah!"
"Weh?!"

Napaikot na lamang ako nang aking mga mata sa mga usapin nila, hindi ko na pinakinggan pa at magsasalpak na lamang ang earpiece sa tenga para mag-soundtrip nang saktong dumating si Ma'am Dimakatae,— Hindi siya constipated, yan talaga ang surname ng adviser namin.

"Good Morning, class"

Tumayo ang lahat para batiin siya.

"Good Morning Ma'am Dimakatae!"

Nagusot sa inis ang mukha nang adviser namin sa bati nang lahat sa kanya lalo na nanghumagikgik ang ilan sa tawa— agad bumalik ang lahat sa pagkakaupo.

"Bwisit kayong mga bata kayo! Miss Hannah nga!"

Hindi naman siya pinakinggan nang lahat at tumawa na lamang sa kanya— Mga siraulo mga istudyante niya and No one call her like she wanted, everyone still address her as Ma'am Dimakatae.

"... Nakakahiya talaga kayo,"

Mas natawa sa kanya ang lahat, napasintido na lamang si Ma'am sa amin at seryoso niya kaming tinignan.

"... Wala nang jokes, please nakakahiya" halukipkip niya sa amin bago tumingin sa labas "Guys my mga transferree tayo—"

Hindi pa natatapos si Ma'am magsalita nang magwala na ang mga kaklase ko.

"Sabi na eh!"
"Ma'am babae ba Ma'am?"
"Ma'am lalaki yan noh?"
"Gwapo ba?"
"Maganda?"
"MA'AM ANO?!"

Umismid sa kanilang lahat si Ma'am at sinaway niya ang mga ito pero hindi sila nakinig kaya galit na galit niyang hinampas nang pagkalakas lakas ang mesa— Natahimik ang lahat dahil dun.

"— Thank you, tumahimik den kayo" inayos ni Ma'am ang salamin at tumingin sa labas "Pumasok na kayo at magpakilala kayo sa mga kaklase niyo"

Napatingin ang buong klase sa pintuan and there pumasok ang dalawang lalaki na hindi ko inaasahan!

Agad agad napatili ang mga mahaharot at malalandi kong kaklase kasabay nang panlalaki nang mata ko nang makita ang dalawang pamilyar na lalaki na nasa harapan naming lahat.— Shit!

"I'm Kaizer Nighthawk" pakilala niya at napatingin pa siya sa akin— hindi ngumisi siya! "Nice to meet you"

Nagusot ang mukha ko hindi dahil sa paglakas nang tilian nang mga kaklase kong babae at bakla kundi dahil nginingisihan ako nang lalaki to!

"Clyde Montesorri"

He smiled at everyone at halos lahat nang kabaklaan at kababaihan ay mangisay-ngisay na sa kilig— Putspa!

"Class maging mabait kayo sa kanila, ayaw kong makakarinig nang reklamo sa office na hinaharass niyo sila," banta ni ma'am "malilintikan kayo sa akin!"
"Grabe ka Ma'am!"
"Ma'am parang hindi ako kilala!"
"Ma'am masakit!"
"It hurts maam!"
"Sayang!"
"Ma'am naman eh!"
"Luh, mabait kaya kami!"

Napailing na lamang ako sa mga kanya kanya nilang mga angal sa buhay — Nainis na naman si Ma'am Dimakatae sa kanila kaya hinampas hampas ni ma'am ang mesa niya para ma-divert ang atensyon nang lahat sa kanya at para na rin mahiya ang lahat mag-ingay.

"Umayos nga kayong lahat!" Duro niya sa klase "Mahiya kayo! May bago kayong kaklase ganyan ang pinapakita ni—"

Hindi na natapos ni Ma'am Dimakatae ang sasabihin niya nang may magbato sa kanya nang bugok na itlog, sasawayin pa sana ni maam yung bumato nang may sumunod pa hanggang sa halos lahat na ang nagsibatuhan nun sa adviser namin.

Napailing na lamang ako at lumabas nang klase— palabas na sana ako nang may biglang humatak sa akin, tinignan ko naman kung sino iyon at ang walangya lang pala!— Sinubukan kong magpumiglas pero malakas siya, hindi ako sumuko hanggang sa nabitawan niya ko.

Tatakbo na sana ako nang maramdaman kong umangat ako sa lupa— next thing I know, buhat buhat na niya ko sa balikat niya!

"Bitawan mo ko, bwisit ka!"

Nagpumiglas ako sa balikat niya.

"Shut up!" He hissed "Pagbabayarin mo ang ginawa mo!

That made me dumbfounded— anong sabi niya?!

Hot Lava:The Fashionista Gangster (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon