Chapter 1

11 1 0
                                    

Hindi ko alam kung mababaliw na ba ako sa kakaisip sa kung ano ang kahihinatnan ko sa bagong eskwelang papasukan ko. Nakatitig ako ngayon sa pinakamalaking building na matatagpuan sa buong siyudad na ito. Malalaking mga bintana, mamahaling exterior, nakalululang taas, pero walang emosyon akong nakaupo sa kotse habang nakatitig rito, masiyadong abala sa pag-iisip.


Palipat-lipat ako ng mga paaralan. Hindi dahil sa kami'y mahirap at walang pera, kung tutuusin ay mayaman at may sapat na pera ang aking pamilya. Marahil ay dahill lang tlaga sa  taglay kong pambihirang abilidad. Hindi kasi ako isang normal na tao.


Maraming paaralan na ang nagreject sa akin dahil daw masiyadong naiiba ang aking abilidad at binibigyan nalang nila kami ng rekomendasyon na paaralan na maaari kong pasukan na tatanggap sakin. 


Tumingin sa akin ang aming driver na si Mang Tenor. "Ma'am narito na po tayo."


Napatingin ako sa labas. Isang malaking polished steel gate ang nakatambad sa amin. Pagkatapos ng gate ay matatanaw mo ang maaliwalas na field ng paaralan, berde at malawak. Mula roon ay makikita mo na ang mismong building ng campus. Kung titingnan ay luma at vintage ang style ng kanilang campus, hindi kagaya ng mga modernong paaralan ngayon na puro puti. Ito ay puro brown at mostly gawa sa kahoy ang mga gusali. Hindi ba delikado ang paaralang ito ?


"Kukunin ko na po ang mga bahage niyo, Ma'am Risa." sabi ni Kuya Tenor na nasa labas na pala ng kotse. 


"Ah--sige..." ang aking tanging sagot sa kaniya.


Pagkaraan ng ilang segundo ay lumabas na rin ako ng kotse. Pagkalabas mo palang ay maaamoy mo na kaagad ang pagkasariwa ng hangin ! 


Narinig ko ang tunog ng mga gulong ng aking bahage na gumugulong sa daan. Tinulungan ko si Manong Tenor para naman makapagpasalamat ako sa walang sawang pagmamaneho para sakin sa mga paglipat ko ng paaralan. 


"Okay na po ba kayo rito, Ma'am Risa ?" tanong niya sakin na may bakas ng pagkalungkot sa kaniyang tono. 


Matagal ko rin kasing nakasama si Mang Tenor. Bale siya na ang tumayong tagapayo ko kapag nalulungkot ako at may problema sa buhay kapag hinahatid sundo niya ako. Ngayon kasi ay hindi na niya magagawa iyon dahil kinailangan ng paaralan na mag dorm kami. 


"Opo, Kuya Tenor... Salamat."


"Walang anuman, Ma'am Risa. Magiingat kayo rito ha..." payo niya sakin at pumasok na siya sa kotse. "Ibabalita ko nalang kay Ma'am Rosa ang pagdating niyo." habol niya bago tuluyang pumasok at tumango nalang ako. 


Hinarap ko ang gate at ang malawak nitong hardin. 


"Rose High Academy, huh ?" bulong ko sa hangin. 


Hindi ko pa naririnig ang academy na ito sa buong buhay ko at hindi din ako nakapag research tungkol sa papasukan ko. Parang wala kasing available na impormasyon na makikita sa internet o kahit Facebook page man lamang ay wala. Hindi ko nga alam kung paano nahanap ng mga magulang ko ang paaralang ito.

RISA MOONSTEINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon