Chapter 16

1 0 0
                                    


Ang mga lessons ni Miss Gazelle ay nagpatuloy. Ilang beses na rin akong naturuan niya and I got quite comfortable with it. Ang problema nga lang, para isinisiksik ko ang buong anim na taon na pag-aaral sa limitadong oras ng pagtuturo niya. Talagang nakasisira ng ulo.

"No, no, no ! You have to do it like this !" she stretched out her hand erectly and then her seal appeared brighter than mine. "See the difference ?" mataray niyang tanong. Tumango-tango ako.

"Ganito kasi ang ginagawa mo, 'eh..." she mockingly mimicked what I was doing. Parang mamamatay na ako sa pagpipigil ng tawa. Kuhang-kuha niya kasi ang ginagawa ko kanina. "You need to straighten your arms at open your hand more widely !" turo niya sa akin once again.

Nakita ko na ang diperensiya. My hand was quite sloppy and weak, hindi din matibay at straight ang pagkakalahad ng buong kamay ko. Sinasabi kasi ni Miss Gazelle na importante ang proper casting stance para mas malakas ang mai-cacast na spell.

I deliberately imitated what she was doing earlier. Inalala ko ang mga itinuro niya at kung papaano gawin ang tamang stance. Straight arms, wide hands, proper feet placement, etc... and voila ! True to her words, mas maliwanag nga ang seal na naipalabas ko kaysa kanina. Hindi kasing liwanag ng sa kaniya pero at least, may improvement.

"Good. See, it's all about control." she proudly said.

"Control..." I mumbled.

"What's that ?"

Naalala kong muli noong hindi gumana ang mahika ko even when I intended to cast it.

"Miss Gazelle, bakit noon, hindi gumana ang mahika ko ?" tanong ko sa kaniya. "When I fought the Deathbees, gumana siya ng isang beses pero noong gagamitin ko sana ulit, there was suddenly nothing." kwento ko.

She strode along by my side.

"Marami pa tayong hindi alam sa mahika mo, ikaw lamang ang nag-iisang Dark Magic user from the Elementals. Ikaw din ay wala ka pang alam sa mahika mo. Of course, you wouldn't be able to control it."

Tama siya. Wala pa akong alam sa mahika ko, ni walang makapagtuturo sa akin kung paano ko ito gagamitin dahil ako lang siguro ang iisang Dark Magic user sa buong Human Realm ngayon.

"I want to control it." I muttered. "Gusto kong may malaman pa ako tungkol sa mahika ko. Ano nang gagawin ko kung may masaktan ako ng hindi ko sinasadya ?"

Nagulat siya sa aking sinabi pero nginitian niya lamang ako. "Then that would mean kailangan mong mas galingan at pagbutihin ang pag-aaral sa pagtuturo ko. Now once again !" utos niya sa akin upang gawin ulit ang tamang stance ng casting hanggang ma-perpekto ko ito. Sa huli, nagkaroon ako ng ngalay sa may braso dahil sa paulit-ulit kong paggawa niyon. At least sa huli, nakagawa ako ng seal na mas maliwanag pa sa dati kong ginagawa.

"Anong nangyari sa'yo ?" tanong sa akin ni Diana pagtapos ng klase.

"Wala, ngalay lang talaga katawan ko dahil sa tinuturo ni Miss Gazelle." kaunting galaw ko lang ng kamay ko ay sumasakit na kaagad.

Nakita kong nagbubulungan ang ilan kong mga kaklase habang nakatingin sa may pintuan ng classroom namin. "Naghihintay nanaman siya, siguro para kay Risa."

"Ano kayang meron sa kanila ?"

"Don't tell me, sila na ?"

"Nah, nagbibiro ka ba ?"

Siguro pinag-uusapan nila si Locke na nakasandal nanaman malapit sa may doorway habang pinagtitinginan ng mga tao. Hindi na sila nasanay na nandiyan iyan. Parang mga ewan.

RISA MOONSTEINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon