Kinabukasan lang, na-release na ako sa infirmary. I was free to go. Napakatulin gumaling ng katawan ko.
"Hindi ako makapaniwalang ang tulin mong mag recover ! It's the first time that I saw it." exclaimed Miss Faye habang inaalis niya ang benda ko. Kinapa ko ang parteng kaninang tinatakpan nito pero wala na akong maramdamang sakit. It's fully healed.
"Kahit ako rin po, hindi makapaniwala."
"Kakaiba ka talaga. You're the Elemental, right ?" tanong niya habang tinatanggal pa ang ilang bandage kung saan ako nagkasugat. I peeked at them pero makinis na balat lang ang nakikita ko, walang peklat. It's like a dream, a dream that never happened.
"Opo..."
"Grabe ang katawan mo, ibang-iba sa mga ginagamot ko." ngumiti siya and finished removing the remaining bandages sa aking paa. "You should take good care of the two of your friends. Nandito sila laging nakabantay sa iyo."
"Dalawa po ?" I thought it was just Diana. Don't tell me ang tinutukoy niya ay si Locke.
"Oo, isang lalaki at isang babae. Nag-aaway pa nga sila palagi, kinakailangan ko pa silang suwayin."
Tama nga, si Locke nga ang sinasabi niya. But why would he be here ? Bumisita siya kanina pero hindi ko akalain nandito siya kahapon.
"Pagpasensiyahan niyo pa yung dalawang iyon, ganun talaga sila."
"Does he like you ?" nabigla ako nang sabihin ni Miss Faye iyon.
"P-Po ?"
"I mean, nakita ko siya kahapon. Kung paano siya tumingin sa iyo, para siyang nasasaktan. I know he cares for you."
"Nako, kaibigan ko lang po iyon."
She analyzed my face for a few seconds bago siya nagsalita muli. "Hm... ganoon ba ?"
"Opo..." dali kong sagot.
"Well, anyways, malaya kana. Sigurado kang wala ka nang nararamdaman ?"
Tumango-tango nalang ako. Locke's face ? I know that he likes me pero hahantong ba kaagad iyon sa ganoong kalalim na feelings. Hindi ko naman din siya jowa.
By the time I was released, wala na akong nararamdaman, kahit na gaano kalala ang kalagayan ko kahapon sabi ni Miss Faye. It was unbelievable.
I still pondered over what I said to Locke. Hindi ko talaga alam kung tama ba ang ginawa ko. Everyday, I keep thinking about him. Hindi ko maaalis ang isipan ko sa kaniya. It's all because of his damn confession that's making me all crazy right now.
Nang makita ko ang labas, nagulat ako. Everything is the same as before. Parang walang pinagbago. Hindi naman yata panaginip ko lang ang lahat ng nangyari, diba ? Ang linis ng paligid at walang bakas na nangyari man lang ang invasion. Ayos ang mga building and infrastructures ng school kahit ang lupa ay patag pa rin.
Nakita ko ang isang babaeng, nakatayo siya habang inikot-ikot ang kaniyang kamay. With the use of magic, she was fixing the damaged terrain of the school. One by one, the broken bricks attached to one another and arranged themselves on the ground magically. They fit perfectly. Ganoon din ang ginawa niya sa mga nasirang puno. The roots magically connected with one another and implanted itself on the ground. Para bang bumabalik ang oras kung ano ang kalagayan niya rati.
Lumapit ako sa kaniya, looking how she works. Nakita niya ako, sandaling ngumiti at nagpatuloy sa kaniyang gawain.
"Ganito po ba kung paano inaayos ang mga gusali dito ?" I curiously asked.
"Mukhang isa ka sa mga baguhan-- oo, ganito nga." she said while working, putting all the pieces of bricks one by one, where they belong.
"Opo, pasensiya na po bago lang ako rito, namangha lang ako. Pwede po ba akong tumulong ?"
BINABASA MO ANG
RISA MOONSTEIN
RomanceRisa Moonstein, a girl who was bullied and ignored by many finally gets a school that suits her. With her weird abilities, will her life change or will it change her ?