Chapter 4

7 1 0
                                    

"Good job, newbie. Dahil sayo nadamay pa kami." sunggab sa akin ni Victoria. 

Siya ang kanina pang masama ang tingin sa akin. Hindi ko kasi nasagot ang tanong ni Ms. Gazelle tungkol sa pinagmulan ng mahika. Malay ko ba roon at ngayon lang ako na-expose sa mga ganitong mga bagay kaya natural na wala akong kaalam-alam. Dahil roon ay nadamay ang lahat, hinatulan kami ng sangkatutak na asignatura at lahat iyon ay ipapasa na kaagad sa susunod na araw.



Pakiramdam ko ay masama ang loob sa akin ng lahat ng naroon sa klaseng iyon. Hindi ko man nakikita pero nararamdaman ko. Mabuti na lamang ay naroon si Diana para sa akin.



"Leave her alone." sabi ng isang babae na kaklase ko rin. Sa pagkakatanda ko, ang ngalan niya ay Joan. Natural na itim ang buhok gaya ng akin at nakatali ito nang pa ponytail. Her face was determined na ipagtanggol ako, ang dahilan ng kanilang paghihirap.

"What, may kakampi ka na Moon girl ?" sabay halakhak ni Victoria. Tinignan niya ako ng may pag-uuyam. 

Ang kaninang nakahawak saking kamay ni Victoria ay tinabig ni Joan. "Aba, matapang yata ito..." hinarap naman ngayon ni Victoria si Joan pero ang huli ay hindi nagpatinag.

Malapit nang mainis si Victoria o di kaya'y naiinis na siya. Kapag hindi siya nakapagtimpi ay siguradong makakatikim ng bagsik si Joan. Pero alam ko rin namang hindi siya uurong. Ang ikinababahala ko lamang ay ang mahinang pangangatawan niya. Payat siya at mukhang mahinhin. Ni hindi ko nga alam kung paanong nagkaroon siya ng lakas loob para ipagtanggol ako. 



I don't know kung anong nakita ni Joan sa akin at kung bakit niya ito ginawa but I'm going to say that it is a foolish thing. Ang ginawa lang niya ay ipinahamak ang sarili at ngayon ay baka siya'y mapaginitan pa.



Mapang-asar ang tingin ni Victoria sa babaeng kaharap niya ngayon habang seryoso naman si Joan. Hahawakan na sana ni Victoria si Joan sa braso but I acted automatically. Saktong naunahan ko siya at napigilan ko. Nabaling ang tingin niya sakin at ganoon rin si Joan. Nanatili lang ang titig ko kay Victoria. 



"Ano toh ?" she referred to the grip that I have on her wrist. 



"Tama na yan. Wag mo siyang idamay. Kung may galit ka sakin ay sa akin mo lang ituon." seryosong sabi ko. Ang mga tao sa paligid ay nabigla rin sa inasta ko. Alam kong nagulat rin si Victoria dahil hindi siya nakaimik. 



Bayolente siyang pumiglas at binitawan ko ang kamay niya. Napaupo siya at nagreklamo. Tinignan niya lang ako ng masama. 



"Siguradong makakarating ito sa Headmaster !" kinuha niya ang bag na kaniyang iniingat-ingatan dahil daw sa mahal ito. Tumayo siya at sabay na naglakad papalayo habang putak ng putak.



"S-Salamat..." sabi ni Joan sa akin sa likod ko. Nakatingin pa rin siya sa papalayong Victoria.



"Wala yon. Ako nga ang dapat magpasalamat." I saw her blush. Siguro ay hindi siya masiyadong nakakatanggap ng mga ganitong papuri sa ibang tao. Sa tingin ko kasi ay mahiyain siya at mahinhin.



"Ganoon talaga si Victoria. Kaklase ko siya rati sa may primary branch ng Rose High." sambit niya.



Kung ganoon ay hindi na pala nagbago si Victoria simula bata pa. Balibhasa'y mayaman at may pangalan ang pamilya ay ganoon na ang pag-uugali. Ganoon rin naman ako. i-minus mo lang yung pag-uugali part. 



Sakto naman nag-ring na ang bell, hudyat na recess na. Ang hinihintay ko na lang ay si Diana na matapos sa gawain niya. Nagpaalam kasi siya na may pinaguutos sa kaniya ang isa sa mga teacher at kinailangan niyang um-attend muna roon.



RISA MOONSTEINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon