Diana being a child prodigy was a big thing for me pero hindi nagiba ang tingin ko sa kaniya. Mas nakila ko siya dahil dito. Ang akala ko dating hindi masiyadong interesado sa eskewela ay isa palang sikat na child prodigy. She elaborated na ipinapalabas siya sa mga telebisyon for her outstanding performances at ngayon ay pinaghahanap ng press at media dahil sa kaniyang pagkawala sa global stage. This led to people speculating that she's already dead na ikinatuwa naman ni Diana dahil ayaw na niyang bumalik doon kaya siya narito ngayon sa Rose High.
The days pulled through. Nagpatuloy lang kami sa aming mga pagsasanay daily. Together, mas naiintindihan ko na ang mga mechanics ng mahika ko. Kahit na hindi ko pa rin alam kung ano ang katotohanan sa taglay kong kalakasan o kung ano ang nag ti-trigger nito. Hindi ko kasi kontrolado ito at kung kailan ito lumalabas. Para itong sakit sa akin na umaatake.
Slowly, lumalapit na ang araw ng tournament. Busy students always flooded the halls and field of the school. Hirap din kami makakita ng pagpapraktisan namin ni Diana dahil halos lahat ng magandang spot ay mayroon nang nakapwestong mga estudyante. Nasa field kami ngayon, nakatingin sa mga estudyanteng nagsasanay at nagpapawis, giving it all they've got.
"I think kinuha na nilang lahat. San tayo magpapraktis niyan ?" tanong ko sa kaniya. Na-late kasi kami ng kaunti dahil sa extra na pinagawa ni Miss Gazelle pero hindi ko naman akalain na ganito kadagsa ang tao rito.
"Maghanap pa tayo. I'm sure mayroon diyan somewhere."
Mula sa gilid ng aking mga mata, natanaw ko si Locke. Nakatingin siya sa amin for an unknown reason. Nang mahagip siya ng mga mata ko ay saka siya umiwas ng tingin at naglakad papalayo. Naalala kong mayroon pa pala akong dapat isa-uli sa kaniya.
"Diana, wait..." tawag ko sa kaniya. She already started finding a comfortable spot for us. "May kakausapin lang ako."
"Sure, sure..." tugon niya, busy sa paglakad-lakad, lilingon-lingon sa paligid.
Dali akong naglakad patungo kay Locke, ang lalaking nakasama ko nang makulong kami sa may loob ng malaking freezer na iyon. Napakatulin niyang maglakad at kinailangan ko pang tumakbo para umabot sa kaniya. Palibhasa kasi ay matangkad, mahaba ang mga biyas.
"Locke !" tawag ko sa kaniya pero hindi siya lumingon. Hindi ko alam kung narinig niya ba iyon o hindi but maybe I'll try again. "Locke !" sinigurado kong mas malakas ito sa unang tawag ko sa kaniya. Napahinto siya ng paglakad at mabagal na lumingon sa akin. Nagtatanong ang nakapintang ekspresyon sa kaniyang mukha.
"Oh, it's the interesting girl. What is it ? Hindi mo ba alam na ang lakas ng boses mo ?" inis na sagot niya.
"Ang sungit naman nito. May nakalimutan lang kasi akong ibigay sa iyo. And please, don't call me that."
BINABASA MO ANG
RISA MOONSTEIN
RomanceRisa Moonstein, a girl who was bullied and ignored by many finally gets a school that suits her. With her weird abilities, will her life change or will it change her ?