I propped my elbow on the grassy terrain, the shade of the tree covering a patch on the ground where we laid our tired bodies after practice.
"Do you want to know the whole thing ?" tanong ni Diana sa akin. She looked at me with serious eyes.
"Yes..." gusto ko din malaman ang kaniyang kwento. Sa tingin ko ay mas makikilala ko siya kung ganoon. Nai-kwento ko rin naman sa kaniya ang buhay ko.
"Hmmm... okay then."
"Galing ako sa isang marangyang pamilya, gaya ng karamihan dito sa Rose High. Father and Mother worked in the Magistrate. They took care of me dearly, always there for me kapag kailangan ko sila. I have an older sister, Anastasia. Hindi siya masiyadong malapit sa akin. She had been always distant kahit kina Mama and Papa. Hindi sumasabay sa kainan o hindi man lang nakiki-paglaro sa akin noong kabataan namin. Wala kaming problema noon dahil wala kaming iniisip na bayarin o kahit ano man. Our future were secured. Si Anastasia ang may problema dahil ayaw niya sa pamilya namin. Hindi ko lang alam ang rason niya... she was always moody kapag kasama kami, until one day, hindi na niya natiis at umalis siya. Hindi siya nagbanggit o nagpaalam man lang sa akin. She just disappeared one day nang wala man lang na liham para sa amin. Mama and Papa treated her as an outcast nang umalis siya, saying na wala na siyang karapatan na bumalik sa pamilya namin. From that day on, tinuring nila akong nag-iisang anak nila. Kahit na matanda na kaming dalawa nang umalis siya, wala pa ring nakakaintindi sa kaniyang rason. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung nasaan siya. She might be dead for all we know."
"We lived an extravagant life. Pero living that life also meant consequences at maraming tukso. Maraming gustong magnakaw sa kayamanan ng pamilya namin. They try to rob us countless times pero they always failed. One normal day, our daily day, ninakawan kami. But this isn't the usual robbery that we encounter, malalakas sila. They were terrifying. Lahat ng guards namin ay pinatay na nila, the doors were forced open and they made themselves at home. Wala akong magawa habang mina-massacre nila ang mga tauhan namin. I stood there motionless on my window, not making a sound, unable to do anything but stare. My parents were home at that time at nanlaban si Papa. He ended up killed habang prinotektahan naman ako ni Mama."
Her eyes felt hollow, no expression coming out. Blank.
"Nakita ko sa siwang ng aming pinto ang katawan ni Papa, staring at me, lifeless. Hindi matigil sa kakaiyak si Mama noon habang yakap yakap niya ako. Ang kaniyang mainit na yakap ang nagpakalma sa akin. By then, nakarinig ako ng mga sigaw mula sa main hall ng aming bahay. Screams of agony, of terror, and then dead silence."
"A man rescued us. Kasama niya ang kaniyang anak. Hindi ko alam ang pareho nilang pangalan pero napakabait nila. Mama was left paralyzed after this at ang lolo ko ang nagalaga sa amin. Ayon sa doktor, masiyado siyang na-shocked na napektuhan ang kaniyang utak. Ang anak nung lalaking nagligtas sa amin ay naging kaibigan ako. We spent time together, playing and we became best friends. Pero hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan niya. He was my first love pero hindi ko man lang alam ang pangalan niya hanggang hindi na siya bumisita sa amin. Ngayon, hinahap ko pa rin siya, hoping that some day I would see him again."
Tumulo ang mga luha sa kaniyang mga mata, she desperately wiped them off with her cloth, soaking it, pero hindi tumigil ang mga ito sa pag-agos. I comforted her habang umiiyak siya, ang kaniyang ulo nakalublob sa aking balikat.
"It's okay... tahan na..." hinagod ko ang likod niya. Kahit ako ay naiiyak na rin sa kaniyang kwento. Hindi ko alam na ganito pala ang kaniyang kwento. Ang kaniyang history.
After some time, tumigil na rin siya at inayos ang kaniyang upo. Her eyes were still blood red from all the crying.
"For all these years, hindi ako naging masiyadong active sa mga activities na pinapagawa ng eskwelahan. Do you know why ?" tanong niya sa akin.
I shook my head. I prompted her to continue. "Why ?"
"To hide my identity."
"Your identity ?" takang tanong ko. Why would she need to hide herself?
"Yes... my true self. See, Risa, I am a child prodigy. Kilala ako ng mga tao bilang The Arcana dahil sa aking paggamit ng mahika. But the thing is, ayaw kong nasa center stage, ayaw kong nasa spotlight. I don't want the center of attention. That's why hindi ako masiyadong aktibo and I always hide my true abilities. Fortunately, wala pang nakakaalam sa totoong pagkatao ko sa Rose High. But on a global stage, alam nila ang The Arcana."
"So you're saying na alam mo na ang lahat ng itinuturo nila?"
"Yeps... I purposefully fail myself. Binago ko rin ang style ko para hindi ako mahalata ng mga tao. I just want to live a normal highschool life where you're free to do anything you want. You have freedom."
"Wow... this--- is a big revelation for me."
"Well it seems that you don't know a lot about me yet.."
"Yeah... that is true." I muttered. "It seems we are the same."
"Hmmm ?"
"We both want a normal life to live."
"I suppose I agree with you." she chuckled and we continued on again with our training under the blazing heat of the sun.
BINABASA MO ANG
RISA MOONSTEIN
RomanceRisa Moonstein, a girl who was bullied and ignored by many finally gets a school that suits her. With her weird abilities, will her life change or will it change her ?