Chapter 12

6 1 0
                                    

We were now zooming towards the main field. Pinasakay kami sa isang ulap na ginawa ni Roman. Roman turned out to be the Second Seat. Kasunod lang siya ni Locke in terms of ranking sa buong eskwelahan pero parang si Roman ang mas nakakataas sa kaniya because of his scolding. 



However, Locke seemed to be muttering something to himself.  Something about the monsters. Hindi ko pa alam ang dapat kong maramdaman sa confession niya. It's now clear that it is, wala ng iba pa ang ibig niya sa mga salitang iyon. Ang problema, hindi ko rin alam ang nararamdaman ko. I mean, oo, gwapo siya and all, okay... let's put more emphasis on that. Gwapo talaga siya, as in yung tipong kababaliwan ng mga babae pero what if hindi pa ako handa para sa mga ganitong bagay ? Magkakaguluhan lang ang mga bagay kung pumasok ako sa hindi ko dapat pinasukan.



"Are you okay ?" tanong ko kay Locke. Para na kasi siyang nababaliw dahil sa mga pinagsasasabi niya. 



"No, I'm just wondering how the monsters were able to come inside." sabi niya, the wind blowing all over his face, revealing its beauty and perfection.



"Bakit ? Nangyayari ba ito kadalasan ? Sinabi mo kanina na napapadalas ang kanilang pagdalaw."


 Napag-aralan na din ang ilang mga nilalang that are super dangerous, they range from teeny tiny to very large ones with terrifying fangs. Marami sila Astra but here in Midgard, hindi ko lang alam kung mayroon ba talaga.



"This is a little unusual dahil ang mga ganitong uri ng halimaw ay hindi dapat nakakapasok ng ganito kalalim sa loob ng eskwelahan. They would have been killed by the sentry defenses na nakapalibot sa perimeter ng buong school. One more, wala dapat na mga halimaw dito sa Midgard, at least not always. It has to be summoned from within the premises of the school." dagdag niya.


"At least not always ?" kung ganoon, mayroong nga talagang mga halimaw sa mundo ng mga tao ?


"Sa Midgard, mayroon ring mga halimaw pero hindi ganoon karami kung ikukumpara mo sa Astra. Sila ang mga may gawa ng ilang mga misteryo. From time to time kung maririnig mo sa mga balita, mayroong mga pangyayaring hindi mai-paliwanag. Mostly, it's them. That's why sometimes they're deemed as the supernatural."


Now, I understand. So ang mga pinapanood ko palang mga dokumentaryo, mga mysterious disappearances, mga supernatural sightings, ay halos gawa nila ? Sila ang mga nilalang na hindi maipaliwanag ng lahat kahit ng mga eksperto ?



"Anyways you'll be safe with me. Just stick around." Locke assured, his eyes straight into mine. It makes me crazy kung paano niya ako titigan. Iniiwas ko kaagad ang aking tingin and pretended to look at the entirety of the school from up above.



Mula sa kalayuan, may makikita kang mga maiitim na usok. "Oh no..." I muttered. Mukhang malubha ang sitwasyon sa buong field. Numerous monsters like the one we encountered earlier littered the place, chasing students who are scared to death. Bright flashes of magic were scattered of students who are brave enough to fight the gigantic monsters.

RISA MOONSTEINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon