Chapter 2

9 1 0
                                    

"Papa ?"



Nakita ko ang aking ama na nakaupo sa isang silya sa may bahay, nagbabasa habang nasa kwarto ako. May siwang ang pintuan kaya nakikita ko siya. Everything was dark around me at parang nakakakilabot. Bubuksan ko na sana ang pinto pero may isang pigura pa ang lumabas. Si Mama.



Kitang-kita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha ni Papa. Ang kaniyang kaninang stale expression ay napalitan ng pagkainis kasabay ng pagkakunot ng kaniyang noo. Bayolente siyang tumayo at ibinalibag ang kaniyang hawak-hawak na periodico na lumapag sa kaniyang paanan.



Milyong beses ko nang nakita ang insidenteng ito. I know it too well. Madalas na inaabuso ni Papa si Mama. Nakikita ko iyon o di kaya'y naririnig. Ang mga sigawan nila, ang mga iyak at pagmamakaawa ni Mama, minsan ay tinatakpan ko na lamang ang mga tenga ko upang mawala ang kanilang mga tinig. 


Matapang na nanatiling nakatayo si Mama. Hindi siya kumibo pero kitang-kita ang kanina pang nangingig na mga kamay niya. Kinuyom niya ang mga kamay niya upang itago ito. Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila at walang pumapasok sa aking tenga na tunog mula sa kanilang pag-uusap. 



Ang then it happened. Rinig ko ang mga iyak ni Mama habang siya pinagsusuntok ni Papa. Karumaldumal ang kaniyang sinasapit ngayon habang ako'y nakatingin lamang. It had been always like this. Nanonood lang akong makita ang mga pananakit ni Papa. I'm sick of it. Parang may nagbabagang kagustuhan sa loob ko ngayon na pigilan si Papa at gamitan siya ng mahika to end all of this. 


I took a step forward para sana buksan ang pinto pero biglang napatingin sa aking direksyon si Papa. Hindi ko maintindihan pero parang may sumakop sa buong katawan ko na pinipigilan akong gumalaw. Takot. Tama, takot ang nasa puso ko. Hindi ako magalaw dahil sa takot na kung anong maaaring gawin ni Papa sa akin kapag ako'y sumaway sa kaniya. 


Hindi pa rin ako magalaw habang unti-unting na siyang lumalapit, habang si Mama naman ay nagmamakaawa na huwag akong galawin. Her pleas all fell on deaf ears. Nagpatuloy lang si Papa at sa bawat hakbang na kaniyang inilalapag ay mas lalong lumalalim ang takot ko hanggang sa puntong gusto ko nang umiyak. Bubuksan na niya sana ang pinto at napasigaw ako.


"Huwag, Papa !"


I jerked up. Nakaupo ako sa kama. Maliwanag ang buong kwarto galing sa sa sinag ng araw na pumapasok mula sa mga bintana. Mukhang isang panaginip lamang ang nangyari. A simple nightmare.  Tumingin ako sa kamay ko na nakakuyom at pinipigilan pa rin ang panginginig ng buong katawan ko. It felt so vivid and real na napagkamalan ko na ang realidad sa panaginip.


Trying to calm myself down, sinubukan kong tumayo at kumain sa kung anong mayroon sa may fridge na kasama ng kwarto. Mayroong hotdog, some yogurt, and some fruits sa loob. Kinuha ko na lamang ang mga prutas at iyong yogurt at umupo sa silya na malapit sa kama ko. 


Bigla kong naalala na ngayon na pala ang unang pasukan at ang sorting. Dali-dali kong binitawan ang mga kinakain ko at tumungo sa bag ko upang makita ang oras. 


"6:00... Shet ! Mala-late na ako !" Hindi ko maiwasang mapamura dahil sa pagkakaalam ko, ang nakalagay sa booklet ng school ay 5:50 ang pasukan at magsasampung minuto na akong late, para sa unang araw ! 


Inayos ko kaagad ang mga gamit ko at isinuot ang aking uniform, red na skirt na tinernohan ng red and black na pang-itaas. Inilagay ko kaagad ang backpack ko at lumabas ng pinto. Binati ako ng malamig na simoy ng hangin sa labas. Halos wala nang pumapasok at iilan na lamang ang naglalakad, ang iba pa ay tumatakbo na. Napatakbo na rin ako dahil isasa na nila ang gate papasok sa campus area ng school at kapag hindi ko binilisan ay masasarahan pa ako !


RISA MOONSTEINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon