mm 11 Stay

6 2 0
                                    

Kyla

Hinaplos ko ang aking labi at dinama ang halik niya. Hindi ko na alam kung ano ba itong nangyayari sakin. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Dapat ay galit ako ngayon sa kan'ya dahil sa nangrayi kagabi. Pero heto ako ngayon at inaalala ang bawat segundo sa pangyayaring iyon.

Nababaliw na nga siguro ako.

Bumuntong hininga na lang ako at tinignan ang oras. Kalalabas lang ng mga staff ko dahil magsasara na kami. Ako na lang ang naiwan rito dahil ako ang magsasara nito. Napalingon ako sa labas ng may humintong sasakyan. Iniluwa noon si Johnny. Pumasok ito sa loob kaya naman mabilis akong pumasok sa kusina at nagtago.

Sobra akong nahihiya dahil sa nangyari. Wala na kasi siya kanina ang magising ako. Baka nagalit siya sa akin kaya umalis na lang siya. Baka inisip niya na nag take advantage ako sa kan'ya dahil sa aming dalawa ay mas may tama na siya. Baka galit kasi hindi ko manlang siya pinigilan.

Anong ba magagawa ko? Ang sarap niya kayang humalik!?

"Ang lalim ata ng iniisip mo?"

"Ay masarap!" napa talon ako sa gulat. Bigla na lang kasing sumulpot sa pinto si Johnny. Naglakad siya papunta sa harap ko. Napa atras naman ako. "B-Bat ka nan dito?" utal na tanong ko.

Nakakainis!

"Alin ang masarap?"

"Ikaw—este—wala ah! May sinabi ba kong ganon? Wala ata?" umiwas ako tingin sa kanya. Nakakahiya, huta!

Ang tanga mo, Kyla!

Tumawa siya. "Masarap ako? Tara, uwi na tayo? Patitikimin ulit kati!" ngumisi siya ng nakakaloko. Ako naman ay namumula na to the highest level.

"Tigilan mo ako Johnny! Parang kahapon lang ay umiiyak kapa dahil nagbreak kayo ni Reehae tapos ngayon nagawa mo pang ngumiti?" umalis ako sa harapan niya at lumipat ng pwesto. Lumapit ako sa mga gamit sa kusina, inayos iyon kunwari kahit wala naman nang aayusin doon. "Umuwi ka na lang at magpakalasing. Magluksa ka sa break up niyo!" nagtaasan ang balahibo ko sa katawan ng maramdaman ko ang maskulado niyang katawan at aking likod. Itinuon niya ang dalawang kamay sa pasimano. Ibinaba niya ang ulo niya sa aking batok kaya naman ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga.

"A-Anong ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong. Parang tambol ang puso ko sa sobrang lakas ng tunog at kabayo sa sobrang bilis ng libok.

Hindi siya natinag. Nanatili lang kami sa ganoong pasisyon. Mga ilang minuto rin bago siya magsalita. "Ganon ba ko kahirap na mahalin?" basag ang kan'yang boses. Bumagsak ng tuluyan ang mukha niya sa aking balikat. Para namang tinutusok ng milyong karayom ang puso ko dahil sa mahina niyang pag iyak.

"Hindi ka mahirap mahalin." humarap ako sa kan'ya at hinawakan ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay. Dahil mas matangkad siya ay sumapa pa ako sa pasimano ng sa ganoon ay magkapantay kami. "Hindi ka mahirap mahalin, okay?" pinahid ko ang luha niya gamit ang hinlalaki.

Pero tumulo na naman iyon kaya wala na akong nagawa kundi ang hilahin siya at yakapin. Sobra kasi akong nasasaktan dahil sa pagiyak niya. Nasasaktan ako dahil sa mga luhang pumapatak galing sa mapupungay niyang mga mata. Kung bakit ay hindi ko alam.

"Don't cry, Johnny. Hindi niya deserve ang luha mo. Hindi mo dapat siya iniiyakan. Ginawa mo naman ang lahat, e! Siya ang may problema at hindi ikaw!" hinagod ko ang likod niya. Napaliyad ako ng pati siya ay yumakap na rin sakin. Hinapit niya ang likuran ko at isiniksik niya sa aking leeg ang kanyang mukha. Napangiti ang ng bahagya. Tumigil na siya sa pag-iyak pero hindi pa din siya bumitaw sa akin. Unti unti ay tuluyan na siyang kumalma.

Marry Me | j.s. | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon