mm 14 I Love You⚠

15 2 0
                                    

Ngayon palang po ay winawarningan ko na kayo. Restricted po ang chapter na to at para lamang sa mga 18 pataas. Bawala sa pababa. At please lang po sana, wag niyo po sanang ireport kung hindi niyo magustohan. Kung naoofend na kayo ay wag niyo na lang po sanang basahin at laktawan niyo na lang. Inuulit ko po, restricted po ang chapter na to. Wag po sana kayong magalit o magreport. Thanks for your understanding.😊

Kyla

Tatlong araw nang hindi umuuwi si Johnny dito sa bahay namin at doon siya lagi sa dorm nila natutulog. Napapansin ko din na nanlalamig na siya sakin. Madalang na niya akong kinakausap at isang tanong isang sagot na lang din siya. Ang sakit lang na minsan kahit tingin ay hindi niya magawa.

Iniisip ko tuloy kung ano ang problema niya. Bakit siya lumalayo sa akin? Ano bang meron? Galit ba siya?

Napakaripas ako ng takbo sa banyo nang maramdaman ko na naman ang pagikot ng sikmura ko. Para siya hinahalukay. Hindi naman ako bago dito at may ideya ako kung ano ang nangyayari sa akin. Pero pag naiisip ko yon ay pinapanalangin ko na sana hindi totoo. Na sana mali ako. Na sana hindi ako buntis. Na sana ay nagseselan lang talaga ng sikmura ko. Nitong isang linggo lang ito nagsimula. May mga pagkain na ayaw kong maamoy o makita. May mga bagay na hindi ko ginagawa noon pero ginagawa ko na ngayon. Hindi rin ako mahilig sa mga action movies pero ngayon halos mapuyat ako kakapanood hanggang hating gabi.

Alam ko kung ano ang nangyayari sa akin. Ayoko namang gumamit ng PT dahil ayokong malaman ang resulta. Ayokong malaman na buntis ako bunga ng katangahang ginawa ko.

Matapos kong gawin ang daily routine ko sa banyo ay lumabas na rin ako. Pero napaiktad ako nang bumangad sa'kin si Johnny na nakatayo sa harapan ko at may pagtataka sa mukha.

"You're vomiting?" tanong niya.

"Ah, oo. May nakain lang na hindi maganda. Dito ka ba matutulog?" tanong ko at pinilit na inilayo ang topic.

"Yeah. Patapos na ang project namin kaya medyo maluwag na ang sched ko. Matutulog ka na?" tanong niya kaya tumango ako. "Kumain ka na ba?" tumango ulot ako.

"Ikaw ba?" balik kong tanong kaya tumango siya. "Sige, goodnight." sabi ko na lang at papasok na sana kwarto pero nagulat ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod.

Parang tinambol ang puso ko dahil sa ginawa niya.

"Stay." aniya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa'kin. "Or better sleep in our room." aniya kaya lalong bumalis ang tibok ng puso ko. Kikiligin na ba ako? Isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Mayamaya pa ay gumalaw na siya at nagsimula na kaming maglakad papunta sa kwarto daw namin. Umupo siya sa gilid ng kama at naka kandong naman ako sa lap niya.

Ramdam ko. May galit sa baba.

"May tanong ako." aniya sa mahinahong boses. Tumango lang ako bilang tugon.

"Bakit lagi akong third party sa relasyon ng iba?" at doon. Nagcrack na ang boses niya. Naramdaman ko na rin ang pagkabasa ng balikat ko.

Lumuwag ang pagkakayakap niya kaya ginamit ko yon na opportunity para kumawala at humarap sa kanya. Upo ako sa harap niya at pinag saklob ang dalwang palad ko sa pisngi niya.

"Hindi ka thirs party, okay?" naluluhang sabi ko. Pinilit na wag tumolo ang sariling luha pero traydor ang mga mata ko. Mabilis kong pinahid ang luha ko nang pumatak iyon.

"Third party ako, Drea. Can't you see? First, kay Reehae and then, sayo. May susunod pa ba? Lagi na lang akong third party." aniya habang patuloy ang pagtulo ng mga luha niya.

Marry Me | j.s. | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon